Kabanata pito

2 1 0
                                    

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Emmanuella," nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan ng kwarto ko kaya tamad akong napabangon mula sa pagkakahiga. "Gising na, nandyan na yon mga magsusukat sayo upang may maisuot ka sa araw ng pakikipag isang dibdib mo." huminga ako ng malalim at hindi na sya pinansin pa. nagayos ako ng aking sarili saka napasilip sa bintana. ang ganda ng sikat ng araw kaso ang pangit ng bumungad sakin. sinilip ko 'yon baba at wala naman tao kaya naisipan kong doon na lamang dumaan.

Pagkatapak ng aking mga paa sa lupa ay napatingin ulit ako sa paligid saka tumakbo papunta sa tagpuan namin.

"Ginoo, Ginoong Sebastian! aking mahal!" wika ko habnag tumatakbong lumapit sakanya ng makita ko sya sa ilalim ng puno habang sya'y napatayo ng makita ako.

"Binibini, Bakit pumunta ka pa dito? b-baka... baka pagalitan ka ng iyong ama," nagaalalang wika nya sakin kaya sunod sunod akong umiling.

"Sa darating na linggo na ang aking kasal. tulongan mo 'ko, ilayo mo 'ko dito!" pagmamakaawa ko sakanya.

"N-Ngunit..."

"Parang awa mo na aking mahal, ilayo mo na ako dito, sakanya, sakanila. ayaw ko kay Patricio."

"Sige, ilalayo kita dito. puntahan mo 'ko dito bukas ng alaskwatro kung anong oras natin naitakas si Josephina." sunod sunod na tumango ako. naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap sakin na punong puno ng pagmamahal at pananabik. nagtagal pa ako doon ngunit agad nya akong pinauwi dahil baka hanapin raw ako kaya sinunod ko na lamang sya dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon—

"A-Ama?" gulat na wika ko ng hindi pa ako tuluyan nakakahakbang ay nasa harapan ko na sya kasama ang iba nyang mga tauhan na ang lalaki ng mga katawan.

"Hawakan nyo ang lalaking 'yan!" tinuro nya si Sebastian na nasa tabi ko. "Isang kalapastanganan ang kanyang ginawa!" sigaw nito kaya napatingin ang iba sakanya. ang mga taong nanonood samin. hinila naman ako ng ibang mga tauhan ni ama habang nakatingin ako sa lalaking iniibig ko na patuloy binubugbug ng mga tauhan ni ama.

"Sebastian!" sigaw ko. nagpumilit akong kumawala at nun makawala ay mabilis akong tumakbo patungo sakanya at pinagaalis ang mga lalaking bumubugbug sakanya. niyakap ko sya ng mahigpit. "G-Ginoo," wika ko at napahagulgul habang yakap ang katawan nyang nanghihina.

"P-Patawad m-mahal ko," wika nito at umubo ng dugo. "N-ngunit, manalig ka. ako ay patuloy na lalaban." hinawakan nya ang pisnge ko at hinalikan ako sa labi ngunit agad rin kami pinaghiwalay.

"Mas lalo nyo dinadagdagan mga kasalanan nyo!" wika ni ama. hindi na ako nakapalag dahil sa panghihina at dahil sa lubusan pagtangis.

"Kawawa naman sila, halatang mahal nila ang isa't isa." rinig namin wika ng kung sino kaya napatingin doon si ama kaya agad silang napaalis. napahagulgul ako ng itulak ako ni ama sa kwarto ko. pinagsarado nya ang mga bintana.

"Simula ngayon, hindi kana pwedeng lumabas! at kayo!" tinuro nya ang mga tauhan nya. "Higpitan nyo ang pagbabantay. siguraduhin nyong hindi makakalabas ng silid na ito ang aking anak." utos nya at napatingin sakin. "Papadalhan na lang kita ng pagkain sa mga katulong," wika nya at lumabas ng aking silid. napahagulgul ako. naiwan akong magisa sa aking silid.

Nakatulala lang ako sa kawalan ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang mga magsusukat. sinimulan nila akong sukatan pero nanatili akong tahimik at tulala. sobrang maga ng mga mata ko habang nakatitig sa kawalan. lugmok na lugmok ako ngayon.

Agad rin silang umalis ng matapos sila pero agad may kumatok at bumukas ang pinto.

"Emmanuella, ito 'yon pagkain mo." malungkot na wika ni kuya Jasper at umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo. "Emmanuella, Huwag ka magpakalugmok. binalaan na kita ukol sa ginagawa mo pero ayaw mong sumunod. tila ang kulit kulit mo." wika nya pero nanatili akong tahimik. nakatulala sa kawalan. umiling lang sya bago lumabas para iwan ako. tinitigan ko lang yon pagkain saka umiwas ng tingin. pumunta ako sa sulok ng kwarto ko. sobrang lugmok talaga ako ngayon.

"Emmanuella?" may kumatok muli sa pinto ng ilan beses. hindi ako sumagot kaya nagkusa na itong pumasok. pumasok mula roon sila kuya Jose at Emmanuel na nakatingin sakin ng mariin. agad lumapit sakin si Emmanuel at niyakap ako ng mahigpit.

"Ate...pasensya na, hindi kita maipagtatanggol." wika ni Emmanuel at niyakap ako ng sobrang higpit. sumunod na yumakap si kuya Jose.

"Wala akong kwentang kuya para sayo dahil hindi kita naipagtatanggol. kayo ni Josephina. patawad aking mga kapatid," sobrang higpit ng yakap nila sakin na para bang ayaw na nila akong makawala pa. napangiti na lang ako ng mapakla.

Gabi na at kanina pa umalis sa aking silid sila kuya at Emmanuel. napatingin ako sa telephono ng tumunog ito. agad ko yon sinagot.

"Ate..."

"Kapatid, nasabi sakin ni kuya Jose ang nangyari. kinulong ka raw ni ama sa iyong silid. paumanhin kung pati ako ay walang magawa bilang ate mo." napatahimik ako at nagsinusunuran sa pagpatak ang mga luha ko. napaupo ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni ate. "Paumanhin kapatid ko, ewan ko ba kay ama. parang hindi rin naranasan magmahal. nagmamahal lamang tayo ngunit bakit pinagkakait pa ito satin?" nalulumbay ang boses ni ate.

"A-ate, okay lang po." wika ko. nagusap pa kami sandali bago namim napagdesisyunan na sa susunod na lang magusap pa. iiwan ko na sana ang telephono ng tumunog ulit ito kaya dahan dahan akong lumapit doon habang patuloy sa pagagos ang aking mga luha.

"Kamusta? nabalitaan ko sa kuya Jasper mo ang naganap sapagka't sya ang pumunta sa tagpuan natin," huminga ito ng malalim kaya napatakip ako ng bibig dahil baka marinig pa nya ang paghagulgul ko. "Mahal ko, patawad ngunit gagawa ako ng paraan. manalig ka, ipaglalaban ko ang pagibig natin." napangiti ako.

"Mahal kita..." wika ko. binaba ko ang telephono at humiga sa higaan ko saka tumitig sa kisame. umaasa ako.

Umaasa ako na baka bukas ayos na ang lahat, na baka panaginip lang ito. baka hindi ito totoo. baka scammer lang ito.

Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap. parang gusto ko na lamang bumalik sa panahon ko kasi hindi ko magagampanan ang misyon ko dito ngunit alam ko naman sa sarili ko na bawal.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Sana pagkagising ko, ayos na muli ang lahat.

Back to the past (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant