"Tama, sya ang iyong ina. sya si Edith." napanganga ako. kapangalan pa nya ang kaibigan ko. Sumunod na yumakap sakin ang isang lalaki.

"Sya naman si Jose, Kinuha ang pangalan nya sa tatay mo. tinanggal lang ang ph. panganay sa magkakapatid." wika nito. sumunod naman ang—nagulat ako at akmang bubuka na ang bibig ko ng mabilis nya akong niyakap.

"Huwag kana lang maingay. oo, sa panahon ito, kapatid mo 'ko. ako si Jasper. pangalawa sa magkakapatid." wika nya saka kumalas sa yakap at ningitian ako. sumunod naman ang isang babae. niyakap nya ako ng mahigpit.

"Sya si Josephina, pangatlo sa magkakapatid. syempre kung may Joseph at Jose, dapat may josephina. hindi ko alam pero pakiramdam ko galing ang pangalan nya sa joseph rin pero linagyan lang ng ina. may balak ata syang maagang magkaanak. biro lang." napatingin ako sakanya at tumango sya sakin ng palihim. pagkalas nun Josephina ay ngumiti ako habang palihim akong natawa sa sinabi ni Jasper. mapagbiro ata 'yon eh. sumunod naman ang isang batang lalaki.

"Ikaw kasi ang pangapat kaya sya naman ang nakakabata mong kapatid na lalaki. sya si Emmanuel. diba Emmanuella ka? kaya may Emmanuel." napangiwi ako sa sinabi nya.

Loko loko pala sya.

"Namiss ka namin ate," wika ni Emmanuel na syang kinangiti ko. niyakap ko rin sya ng mahigpit.

"Namiss ka rin ni ate," wika ko sakanya.

"Wow, mapagkalingang kapatid," sabi naman ng nasa utak ko kaya palihim kong sinamaan ng tingin si Jasper or should I say, Kuya Jasper.

"Huwag mo 'kong tingan ng ganyan. kuya mo 'ko," wika nya at palihim na umirap. napaismid ako.

Niyaya na kami ng ginang na umalis na at umuwi dahil magdidilim na raw. sumakay kami sa kalesa. dalawang kalesa ang ginamit dahil hindi raw kami magkakasya sa isa.

Sa isang kalesa, nandun ang dalawang ginang at sila ina at ama, samantalang sa kabila ay kaming magkakapatid habang nakakandung sakin si Emmanuel. nakatulog silang lahat at tanging kami lamang ni kuya Jasper ang gising.

"Ang personality ni Emmanuella o sabihin na natin ikaw sa mundo na ito ay isang mahinhin na binibini kung kumilos. malapit kayo sa isa't isa ni Emmanuel pati na rin ni Josephina samantalang ang mga kuya nyo syempre kasama ang gwapong ako ay napaka mapagtanggol pagdating sainyong mga babaeng kapatid." wika nya dahil katabi ko sya at binubulungan nya ako.

"Personality ko? hindi ako ang totoong Emmanuella. isa akong impostor Jasper. hindi mo ba natatandaan? alam kong alam mo yon sa hospital at may kinalaman ka kung bakit ako nandito." wika ko habang nakatingin pa rin sa tanawin sa labas ng kalesa. maraming mga tao. mga naka baro't saya.

"Ikaw, ikaw ang totoong Emmanuella." kumunot lalo ang noo ko. nahihibang na ba sya? "Hindi ako nahihibang o ano pa man. namatay ka sa panahon na ito at muli ka lamang nabuhay sa ibang panahon ng dalawang beses." nagulat ako sa tinuran nya at Awtamatiko akong napatingin sakanya.

"D-Dalawang beses?"

"Oo, dalawang beses. 'yon una, hindi ka nagtagumpay. unfortunately namatay ka rin ulit." wika nya kaya nanlumo ako.

"Mamatay rin ba ako dito kapag hindi ako nagtagumpay?" hindi sya sumagot at ngumiti lang ng mahiwatig.

Nagulat ako ng umalis ang sinasakyan namin kalesa at huminto kaya napatingin kami sa harapan. may isang lalaki na nasa gitna ng kalsada at humihingi ng tawad dahil muntik na syang masagasaan.

"Paumanhin, paumanhin po. hindi ko sinasadya." wika nito. nakita ko ang pagtango ni ina. "Salamat ho, tunay na napakabuti nyo," wika nito at naglakad na paalis pero bago pa iyon. nagtama ang mga mata namin. para akong namagnet sa mga mata nya. natulala lang ako sakanya at ganun rin sya. hindi ko maalis sakanya ang mga mata ko. nakatitig lang ako sakanya at sa maamo nyang mukha. mukhang galing sya sa mahirap na pamilya. napaiwas ako ng tingin at sa hindi malaman ay namula na lamang ang magkabila kong pisnge. napatingin ulit ako sakanya at nakita ko ang paglalakad nya palayo. hindi ko alam ngunit may paghihinayang sa dibdib ko. sino kaya sya?

"Ano 'yan? sus," wika ni kuya Jasper sa tabi ko kaya napaismid ako. "Lahat ng tao rito ay natitipuhan sya. galing nga lang sya sa mahirap na pamilya." wika nya na tila nanghihinayang.

"Ano naman meron kung galing lamang sya sa mahirap na pamilya?" tanong ko kaya napailing sya.

"Sa panahon na ito, bawal magpakasal ang isang babaeng galing sa mayaman na pamilya sa isang lalaking galing lamang sa mahirap na pamilya. pwede naman siguro kung 'yon pamilya nyo, hindi matapobre." wika nito kaya napatango ako. ganun pala. grabi naman.

"Sino sya?" tanong ko kaya binigyan nya ako ng mapangasar na tingin. umangat angat pa ang kilay nya na tila nanunudyo nga talaga na syang kinataas ng kilay ko bilang pagsusungit.

"Sya si Sebastian at sya..." huminto ito at tumitig sa mga mata ko gamit ang kanyang mga malulungkot na mga mata. "...Ang iyong misyon."

Back to the past (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now