The Instance

13 2 0
                                    

"Ano nangyayare!?" Bulalas na tanong ni Hanah habang patakbo Kay Jade, na pinagtatabuyan at mangiyak-ngiyak na nakikiusap sa landlady. Nagkalat sa labas ng  apartment ang kanilang mga damit at gamit. Nagsipaghinto din ang ibang mga bypassers at nagsipaglabas ang mga tenants upang makiusisa. Eto ang mga eksena na sa telenovela mo lang matutunghayan.
"Nay Amor. Magbabayad naman ho kami, nadelay lang ng konti, dahil napambayad ko po kasi sa school yung pambayad namin dapat sa inyo." Pagsasamo ni Jade.
"Ayy naku, mabait ako Jade. Apat na buwan na puro kayo dahilan, nagtimpi ako. Hindi! Bitbitin ninyo yang mga gamit ninyo at magsilayas kayo!" Singhal ni Nanay Amor, ang kanilang landlady.
Nalito si Hanah, at napatigagal.. tila sya naging masugid manonood na lang ng kasalukuyang eksena dahil sa pagkabigla at pagtataka. Apat na buwan na pala silang atrasado sa upa. Paanong --- buwan-buwan ay tinitiyak niyang ibinibigay kay Jade ang kanyang bahagi sa renta? Kasama niya ito halos araw-araw, at palagi lang itong mukhang masaya, nagbibigay ng payo at positibo. Paanong --- kahit kailan wala sya  nabanggit na meron na palang taltal na ganito? Heto ngayon si Jade na tila bidang inaapi sa pelikula. Sinusundan niya ang landlady habang nagmamakaawa ng tsansa, habang pinagtatabuyan naman sya nito. "Nay Amor! Please po --- " pakiusap niya. Pabagsak na inikom ni Nay Amor ang pintuan sa kanya. Napalupaypay ito, na tila nalimot na ang presensya na Hanah,  hanggang sa mapabaling muli sya sa dako nito, na noo'y nakamasid lang habang naliligo ng pagtataka at pagkritisismo ang mga mata. Nagbaba ng tingin si Jade dahil sa pagsisisi at pagkahiya.

***
Binbin nila ang kanilang mga damit sa magkahiwalay na mga duffle bags, at Isang karton na puros libro at mga abubot. Yung ibang gamit kagaya ng rice cooker, electric kettle, at iba pa na pinag-ipunan nila upang mabili habang naninirahan sa apartment na yun sa loob ng isang taon, lahat naiwan.

Tumambay sila sa mga mesa at upuan sa labas ng 7/11. Yukong-yuko si Jade habang kimkim ang dalawang palad sa mga hita.
"Sobra akong nahihiya." Halos mangiyak-ngiyak na pakiwari ni Jade.
"Alam ko." Tugon ni Hanah. "Bakit di mo sinabi sakin na may problema pala?" Kalmado pa nitong tanong. "Bestfriend kita since highschool. Lagi kitang pinagkakatiwalaan. Sandalan. I guess na hindi tayo pareho ng turing sa isa't-isa."
"I love you too, you're my sister.., di ko kasi alam kung pano ko sasabihin sayo na nagastos ko yung pera para maipandagdag sa tuition ko.., sabi ko papalitan ko agad, pero natanggal naman ako sa part-time ko. I did all I can para makahap ng bago, but it took 3 months. Ako yung di makapagbigay ng parte ko. Tinry ko kausapin yung landlady natin na kung pwede kalahati muna, at she's been taking it, pero ngayon, kiniclaim niya, na wala akong binbayad."
"You should have told me sana ginawan ko ng paraan."
"Ayokong mag-alala ka."
"Now look at both of us. We're uncomfortable? Aren't we?"
Napanguso si Jade bakas ang lalong kalungkutan. Napabuntong-hininga si Hanah.
"Jade. Besh. Wag ka na malungkot. I'm sure may matutulugan tayo for the rest of the night. Malawak naman ang kalsada." Pahayag ni Hanah na pinipilit maging positibo pero tunog sarkastiko.
Napaisip si Jade. Nagningning ang mata nito at napaangat ang mukha.
"Baka pwede tayo makitulog sa church." Suhestyon ni Jade.
"Sa church? Talaga? "
"Oo. Talaga."

***
Namasahe sila buhat Bacoor pa-Pasay.
Dumating sila sa church ng alas-dyes ng gabi. Naabutan nila ang isang binatilyong nagpipinid na ng front door.
"Derek! Derek!" Nagmamadaling tawag ni  Jade. Napahinto naman ang tinawag.
"Sis Jade? Anong oras na, ano't nagawi pa kayo? " tanong ng tinawag na Derek na bahagyang napapadako ang tingin Kay Hanah at sa mga gamit nila.
"Sya si Hanah. Ano kasi --- may nangyari. Medyo long story. Pwede ba kaming magpalipas ng gabi dito?" Nahihiya man pero lakas-loob na tanong ni Jade.
"U-oo. Pwede naman, Andito naman sina sis Flora kasi sila maglelead ng dawn watch tomorrow. Samahan ninyo na lang sya sa sleeping quarters. Pasok kayo." Maaliwalas na Anyaya nito. Bumakas sa mukha ni Jade ang di maikubling pasasalamat. Kusa namang binuhat ni Derek ang karton na dala nila. Kinayag sya ni Jade pasunod Kay Derek. Gumaan ang loob ni Hanah ngunit pinipilit niyang alalahanin kung sino si Flora.

Flora.. Flora..

Lumabas ang isang babaeng nakapajamas galing sa pinto na may nakatag na sleeping quarter for girls. Oh! Muntik na sya magmura sa isip nang makita niya ang babae, tapos naisip niyang nasa simbahan sya.

**
Mga 2 deck na higaan ang nandoon. Mga nasa sampong hilera ng mga kama. Ginawa pala yaon upang may matulugan ang mga manggagawang ginagabi sa gawain sa simbahan, o nanggaling pa sa malayong lugar. Nang momento na yun, ay tatlo lang sila sa loob. Pareho-pareho nilang inokupa ang ilalim na higaan.

Tinitigan ni Hanah si Flora na noo'y naglalagay ng lotion sa kamay. Maganda pala talga dito. Mahaba ang hanggang beywang na buhok, maputi at matangos ang ilong. May pagkahawig nga ito kay Andrew.
"Mind sharing what happened? " Tanong ni Flora. Nabasag ang pagtitig ni Hanah.
"Ate Flora, mahabang story. Basta kailangan lang namin ng matutuluyan for the timebeing." Sagot ni Jade.
"I mean-- I'm sure they won't mind you staying here until you get a place." Ani Flora. Napatingin naman ito kay Hanah, na agad kinahiya ng huli.
"I'm very certain we'll meet again at some point. " Maaliwalas ang ngiti nitong pakiwari Kay Hanah.
"A-ano pong ibig mong sabihin?"
"Andrew, my brother. He goes to your college. And he wears the same bracelet."
"Ah." Pakli ni Hanah. Hinawakan niya ang bracelet sa kanyang pulso. Bracelet ito ng club. -- Speaking of Andrew, Pag nalaman niya, panigurado lalo niya akong ibubully--
"You think it's possible you cross-path?"
"Malaki naman ang school."
Makahulugan syang tiningnan ni Flora na tila may nasisilayang magandang sorpresa.
"Anyways, let's pray-- for sure next day will be exciting."








HanahOnde histórias criam vida. Descubra agora