Destiny or Coincidence

21 1 0
                                    

Sa bawat bagay ay may
kapanahunan
at panahon sa bawat bagay sa
silong ng langit, panahon upang
isilang,
at panahon
upang mamatay; panahon ng
pagtatanim, at panahon upang
bunutin ang itinanim;
panahon ng pagpatay, at
panahon ng
pagpapagaling; panahon ng
paggiba,
at panahon ng pagtatayo;

Matamang nakikinig si Hanah sa pastor na nasa pulpito habang binabasa ang mga berso ng Ecclesiastes.

panahon ng pag-iyak, at panahon
ng
pagtawa; panahon ng pagtangi, at
panahon ng pagsayaw;

Inikot niya ng bahagya ang kanyang mata sa paligid ng payak na silid na parehong may antigo at modernong konsepto. Tsokolate at murang-kayumangging ladrilyo ang mga dingding. Ang mga pew chairs ay masuyong nakahilera sa bulwagan ng sanktuwaryo. May espasyo ito, sa mismong gitna na nahahati ng mga upuan,--- mula likuran patungong altar,--- na mala-red sea noong panahon ni Moses. Ang mga rectangular pillars ay busilak na puti. Ang dalawang haligi sa bandang unahang mga pakpak ng pulpito ay may mga LCD screens, at isang malaking screen sa likuran ng nangangaral na pastor.

panahon ng paghahagis ng mga
bato, at panahon ng pagtitipon
ng
mga bato; panahon ng pagyakap,
at
panahon na magpigil sa
pagyakap;

Sya si Hanah Crystal Pimentel. Bente anyos. Estudyante ng sikat na Unibersidad. Bachelor of Arts in Communication. Unang pagkakataon syang makarating sa mga gawaing ganito, hindi sya kailanman naging palasimba,--- ang motto niya kasi 'pede sya magdasal kahit saan',--- hindi rin kaibig-ibig ang mukha ng kanyang buhay at pamilya, kaya walang nanggagayak sa kanya upang maging ideyal na tao. Nagkataon na nga lamang na nagkaroon sila ng deal ng kanyang roommate na dadalo siya ngayon Linggo bilang bayad sa ginawang pabor nito para sa kanya.

Ang kanyang ina ay nagtatrabaho bilang DH sa Saudi Arabia. Ang kanyang ama, ay hindi niya kailanman nakilala. Lumaki sya sa kanyang tiyahin na kalauna'y nakulong dahil sa paggamit ng illegal na droga, ang iba niyang kilalang kaanak, kung di malayo, ay mga salot sa lipunan, kaya napagdesisyon na lamang niyang magsolo sa buhay.

panahon ng paghahanap, at
panahon ng pagkawala; panahon
ng
pagtatago, at panahon ng
pagtatapon;

Nahagip ng kanyang tingin ang isang pamilyar na mukha buhat sa bandang kaliwang dako ng halayhay ng mga upuan. Nasa may pang-apat na linya ng mga upuan, nakaupo ang pamilyar na imahe. Si Hanah naman ay nasa kanang dako ng hilera, sa pangatlong hanay na bangko nakaupo. Habang nakalingon sya nang bahagya sa kanyang tagiliran, pinaningkit nya ang kanyang mata upang makatiyak sa natatanaw. Lalaking naka-long sleeves polo, black slacks at buo ang atensyon nakikinig sa pangaral. Maputi ang lalaki, maganda ang tindig, at higit sa lahat-- makisig. Napangisi si Hanah sa di pagkapaniwala...

Si Andrew nga. Ang kilalang bully sa school.

panahon ng pagpunit, at
panahon ng
pananahi; panahon ng
pagtahimik, at
panahon ng pagsasalita;

Tinitigan niya ulit si Andrew, bumalik sa kanyang gunita ang ginawa nito at ng mga kaibigan niyang pagkulong sa kanya sa washroom ng mga lalaki, ang pagnanakaw ng USB para sa research paper niya ng ilang gabi niyang pinagpuyatan, pangmamaliit ng mga ito sa kanya dahil sa scholarship lang sya umaasa, kaya halos hindi sya pinakikinggan sa book club at charity club kung san kabilang din si Andrew. Biglang napatingin sa kanyang dako si Andrew, at nahuli syang nakatitig dito. Napakunot ang noo ng lalaki na tila nagtataka kung bakit nakatingin sa kanya si Hanah. Animo'y di rin sya nito namukhaan. Kasywal na inilayo ng babae ang mata sa kanya, at itinuon sa mangangaral.

Kung sa bagay, lahat naman ng mga pangyayari na iyon, ay pag-ngisi at pagnood lang ang ambag ni Andrew.., subalit, mga elitista pa din niyang mga kaibigan ang mga direktang prominenteng bullies ng University,--mga untouchable, immature at privilege na mga college students, -- at kasalanan nang maituturing na wala syang kimi. 'It doesn't even look as if he distaste his friends actions, means he is an enabler.'- Pakiwari ni Hanah sa kanyang utak.

'how interesting' - Bulong niya sa kanyang sarili. Tunay nga ang simbahan ay di mapili ng ikakandiling tao.

panahon upang magmahal, at
panahon upang masuklam;
panahon ng digmaan, at
panahon ng kapayapaan

Pagpapatuloy ng Pastor...

***
Palabas na si Hanah ng church nang nakangiti syang salubungin ng isang magandang babaeng nakasuot ng kalimbahin at bulaklaking bestida, at naka-waterfall braid.
"Hi," Magiliw nitong bati, habang inaabot ang palad upang makipagkamay. Bahagya pang tumingin si Hanah sa likuran, upang makatiyak na sya ang tinutukoy ng babae. Magalang naman din niyang inabot ang palad ng babae upang makipagkamay, ng makatiyak sya.
"Hi." Bati din ni Hanah, na may bahagyang awkward na ngiti.
" I'm Savanah. Ministry leader ako dito, anong pangalan mo? " Usisa ni Savanah. Mukha namang amicable lang ito at accommodating lalong-lalo na sa mga bagong mukha sa church.
" Uh.. Hanah." Tugon ni Hanah.
"Hi, Hanah. May time ka ba this Saturday? May fellowship kasi kami every Saturday with the other young adults, saglit lang naman yun. I hope makapunta ka if you have time. San ka pala nag-rereside?"
"Uhm--- sa Bacoor. "
"Oh. Cool. Tiga-Bacoor din kami, but usually yung brother ko lang yung umuuwi dun.. and the rest of the family will just stay in Las Pinas, para malapit kami sa church. Pauwi ka na ba?"
"Uhm--- ya, sana." Alinlangan tugon ni Hanah, hindi niya kasi alam kung dapat niyang dugtungan ng 'sana kaso hinaharangan mo ko.'
"Tamang-tama! Sumabay ka na sa brother ko, he's in his way home na din. There he is o! Drew!"
"Drew?" Bulong ni Hanah, sabay lingon sa lalaking papalapit sa kanila. Tumaas ang kilay niya, sabay buntong-hininga dahil sa di pagkapaniwala. "No way--" Anya sa sarili habang humahakbang papalapit ang tinawag na 'Drew'. Binalik niya ang atensyon kay Savannah.
"Ok lang ako. Mauna na siguro ko." Anito na hindi na inantay pang makapagprotesta ang babae, nagmadali itong naglakad paalpas dito, palabas ng pinto. Sinundan lamang sya ng tingin ni Savanah.

Saktong paghinto ni Andrew sa tapat ng kapatid habang inuusisa ng mata ang kakaalis lang na si Hanah.
"Who's that?" Tanong ni Andrew.
"She's a first time attendee, I think. I was intending to invite her, but she's quite in a rush." Nakangiting tugon ni Savanah. " Well, that can't be helped. You way home? " Tanong nito.
"Ya. I'm so tied up. Talk to you later." Pakli nito sabay halik sa pisngi ng kapatid.

***
Habang minamaneho ni Andrew ang kanyang itim na Land Rover palabas ng Subdivision, naalpasan niya si Hanah na naglalakad sa sidewalk. Inaninag niya ito buhat sa side mirror ng sasakyan. Napangisi sya. 'Is this destiny or coincidence?' tanong niya sa sarili."I guess, we'll find out." Sabi nito sa sarili saka makahulugang ngumiti.

HanahWhere stories live. Discover now