He always knew what to do and what to say to Hyde. He was just too perfect. Para bang kahit noong hindi pa niya nakikilala si Hyde, ay handa na siya agad na maging ama ng anak namin. Hindi mo aakalain na magiging ganito siya kabuting ama. Wala talagang mag-aakala.


"Mommy!" Napatayo si Hyde nang makita ako. "I'm playing chess with Daddy. And for the first time, natalo ko na si Daddy!" Masayang-masaya ito.


"Congrats, baby." Hinalikan ko ito sa noo. Ang mga mata ko ay maingat na hindi tumitingin kay Hugo, although nararamdaman ko na sa akin nakatuon ang kanyang paningin.


"Mommy, I'm done eating lunch. Magbabasa na lang muna ako ng books about chess. Hindi na ako puwedeng matalo ulit ni Daddy," madaldal na sabi ni Hyde. Nanakbo na ito paakyat sa itaas.


Hinarap ko si Hugo nang wala na ang bata. "Nagpatalo ka."


Ngumisi siya. "Nope. Gumagaling na talaga siya at kinakalawang na talaga ako."


"Okay." Tinalikuran ko na siya. Pumunta na ako sa kusina para maghanap ng makakain.


"Kakain ka na?" tanong ni Hugo. Nasa likod ko siya.


Hindi niya na hinintay ang pagsagot ko. Madali siyang pumunta sa lababo para maghugas ng kamay, pagkatapos ay ikinuha niya ako ng plato, kutsara, tinidor, at baso.


Nakatanga naman ako habang ina-arrange niya iyon sa ibabaw ng mesa. Iyong kutsara at tinidor ay naka-ekis pa sa ibabaw ng plato.


Siya rin ang kumuha ng kanin at ulam. Ininit niya ang ulam sa microwave. Napatitig ako sa ulam, isa iyon sa mga paborito ko. Pero hindi naman iyon ang sinabi ni Ate Lina kagabi na ulam ngayon?


At bakit ganito? Afritada ba talaga ito o ginataan? Bakit namumuti?


Si Hugo ay proud na nagsalita sa harap ko, "Ako ang nagluto niyan, pinanood ko sa YouTube kung paano."


Dinampot ko ang plato at tinitigan ang ulam. "What's this? Ulam na may iron defficiency?"


Sumimangot ang guwapong mukha niya. "You're so cruel."


Mula sa back door ay lumabas ang nakangiti na si Ate Lina. "Naku, ka-aga ng asawa mong nagising, Jillian. Kanda-paso-paso 'yan kanina, pero talagang desidido na maluto ang ulam na paborito mo raw."


Pagbalik ng tingin ko kay Hugo ay titig na titig siya sa akin. He was waiting for my reaction, kung mata-touch ba ako o ano. Unfortunately, wala akong reaksyon na kahit ano.


Naupo ako at tahimik na kumain dahil kailangang malamanan ang aking tiyan na kumakalam. Masarap naman ang afritada na lasang salad dahil sa dami ng gatas—take note: condense milk ang gatas na inilagay.


Kaunti lang ang kinain ko dahil nga sa wala akong gana. Gusto ko na ulit bumalik sa kuwarto. Mas gusto kong mahiga ulit.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now