CHAPTER 40

4K 89 2
                                    

ZENARD'S POV



MABILIS naman naming nakita si Ate na nakayuko ito sa labas ng isang private room.


"Eleanor!" Tawag ni Mommy sa kanya kaya kaagad itong napaangat ng tingin sa amin.


Mabilis siyang tumayo at niyakap si Mommy at Daddy. Habang kaming dalawa ni Kuya ay nangangati na ang mga paa na takbohin ang kwarto ni Akira.


We miss her so bad.


"Eleanor, nasaan na ang anak namin?" Kaagad na tanong ni Tita


Tumingin sa amin si Ate na may lungkot sa mga mata kaya nabahala kami


Napapikit siya at napahinga ng malalim


"A-Ahm..about that..ahm." hindi mapakaling sambit niya na lalong nagpakaba sa amin

"Ate, 'wag ka nang magpaligoy-ligoy pa." Hindi ko mapigilang magsalita dahil anytime ay para ng lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok.


"Huwag po sana kayong mabibigla sa sasabi- 


"Ano?!" Atat na atat naming tanong lahat


"She has a head injury that caused her post-traumatic amnesia." Sagot niya


Parang bombang sumabog ang sinabi ni Ate sa amin.

"Wait what?" Vince

"A-Amnesia?" Kiro

Napatango naman si Ate.

"Nasa loob ng room ni Akira ang naka pulot sa kanya. Sila din ang nag alaga sa kanya." Dagdag niya.



"Pwedi mo bang sabihin sa amin hija kong ba't nagka amnesia ang anak namin" Tanong ni Tito at nangingilid pa ang mga luha niya habang si Kiro naman ay sapo-sapo ang ulo


Napatingin ako kay Daddy na inalalayan si Mommy na ngayon ay humikhikbi pati na rin si Tita. Si Vince naman ay nagtatagis pa ang bagang niya. Si Kuya naman ay nakakuyom ang mga kamao na kunting kalabit nalang ay mananapak na siya.

"Maupo po muna tayo" sabi ni Ate

Napatango naman kami kay Ate

Sinimulan niya na nga mag kwento simula n'ong nakita niya si Akira do'n sa factory namin. Nag collapsed daw ito ng kumirot ang ulo kaya kaagad nilang isinugod dito sa hospital. Pina MRI at CT-Scan niya din ito kaya napag alaman niyang may head injury si Akira, which caused her PTA. Kinwento  niya rin sa amin ang sinabi sa kanya ng mag asawa na nakita daw nila ito si Akira sa may dalampasigan na may dugo sa ulo at maraming pasa kaya inuwi nila ito sa kanilang tahanan. Ginamot nila ito at inalagaan. Sinabi niya rin sa amin na nakaalala na si Akira pero ang pangalan, trabaho at ang salarin lang ang naaalala nito. Nandilim ang paningin ko ng malaman na si Callista pala ang nagpadakip sa kanya. Tama nga si Kuya, ang baliw na babaeng 'yon ang may pakana ng lahat! Kaya ngayon ay magbabayad siya sa ginawa niya!



PUMASOK na din kami sa kwarto ni Akira at nakita namin itong mahimbing lang na natutulog. Ang sabi ni Ate ay tatlong araw na daw itong tulog kaya nababahala na din kami. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha nang sa wakas ay nakita na namin ang babaeng mahal namin. Kating-kati na ang mga paa ko na takbohin siya at yakapin ng mahigpit pero pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil na rin sa kondisyon niya



Nag usap-usap sila dito sa loob habang ako ay nakatingin lang kay Akira. Napatingin naman ako kay Kuya na katabi ko lang na nakatitig din kay Akira.


Girl in Red (PUBLISHED)✓Where stories live. Discover now