CHAPTER 14

5.1K 100 2
                                    

NAGISING ako eleven a.m. in the morning. Bumangon ako habang kinukusot ang mga mata ko. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka kong paano ako nakarating sa higaan ko?


Sa pagkakaalala ko, ay nakatulog ako sa kotse n'ong pauwi na kami nila Zynard kagabi. Hindi kaya...?


Napapailing nalang ako at inayos ang higaan bago magtungo sa bathroom para maligo. Nang matapos akong maligo at nag ayos ay bumaba na ako.



Nakita ko naman sila mama na nasa sala, nanonood ng It's Showtime. Wala ang kapatid ko, dahil may pasok ito.


"Hi, Ma, Pa," bati ko sa kanila pagkalapit ko
Napalingon naman sila sa gawi ko at nginitian.


"Hi, nak," bati din nila mama sa akin.

"Kumain kana iha" Sabi ni Papa

Tumango naman ako.

"Sabayan niyo na po akong kumain" Aya ko sa kanila

Umiling naman sila.


"Hindi na, 'nak. Kanina pa kami tapos kumain ng Papa mo." Nakangiting sabi ni Mama

"Ah, sige po." Sagot ko


Tinalikuran ko na sila at pumunta na ng dining room. Meron kaming dalawang maids, pero stay out sila dahil malapit lang naman ang bahay nila dito sa amin. Wala sila ngayon dahil day-off nila


Nag twinkle naman ang mga mata ko ng makita kong may toyo, na siyang paboretong paboreto ko! Lalo na kapag isawsaw sa maanghang na suka.


Maraming nilutong ulam si Mama. May bacon, hotdogs, chicken curry, and bola-bola


Habang kumakain ako ay napapailing nalang ako nang marinig ko ang tawanan nila Mama habang nanonood ng TV sa living room. Hindi ko mapigilang mangarap, na sana ay ganyan din kami ka sweet ng magiging mapangasawa ko in the future. Kahit kasi matanda na sila Mama at Papa, ay sweet pa rin sila sa isa't isa at kitang-kita din sa mga mata nila ang pagmamahal.


Sana all


Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko, which is nakasanayan ko na talaga. Lumapit ako kila Mama at umupo sa gitna.


"Anak, kamusta kana? alam mo bang sobra-sobra ka namin na miss ng Papa mo?
Napangiti naman ako sa sinabi ni Mama.



"Okay lang ako, Mama. Nakakapagod po 'yong trabaho ko, pero carry ko naman. You know how much I love my work. Tsaka, na miss ko rin kayo nila Papa." Nakangiting sabi ko at niyakap si Mama


Ginantihan rin ni Mama ang yakap ko, while si Papa naman ay nakangiting pinagmamasdan lang kami.


"Alam mo anak, proud na proud kami sa iyo. Dati, pangarap mo lang na makapagmaneho ng eroplano, ngayon, ikaw na talaga ang nagmamaneho at Kapitan pa." Nakangiting sabi ni Papa at nakisali na sa'min ni Mama.



May humaplos naman sa puso ko. Ang swerte namin ni Kiro dahil sila ang naging magulang namin. Kahit mahirap at simple lang ang buhay namin, ay mayaman naman kami sa pagmamahal ng aming magulang. Never naging mahigpit sila Mama sa'min, they support us always.


"Thank you, Ma, Pa. Kong 'di dahil sa inyo ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon." Sincere na sabi ko



Kahit 'di ko tignan sila Mama ay alam kong nakangiti sila ngayon



"Anak, kong ano ka man ngayon, ay dahil 'yon sa pagsisikap mo. Kami nga dapat ang magpasalamat sa iyo, dahil ang dami mo ng naitulong sa'min." Sabi ni Mama


Tumingala naman ako sa kanya, at nakita ko ang kanyang mga ngiti. My mother's smile is my favorite scenery.



"No need to thank me, Mama. Gaya nga ng pangako namin dalawa ni Kiro sa inyo ni Papa noon, na kami na ang mag aalaga sa inyo." Nakangiting sabi ko


Napangiti naman silang dalawang ni Papa at niyakap ulit ako.


Tumambay lang kaming tatlo nila Mama sa sala habang masayang nanonood ng TV. Nagluto rin kami ni Mama ng popcorn.
At n'ong kinagabihan ay tinulongan ko si Mama na maghanda ng hapunan at sabay kaming apat kumain. Mga bandang seven p.m. ay nag text si Eleanor sa'kin at nagyayang mag bar kasama si Vince.



Pumayag naman ako, dahil na miss kong mag bar kasama silang dalawa. Dati, n'ong  college pa kami, ay panay bar kami. Tapos kinabukasan, papasok na may hang over at napapagalitan pa ng prof kasi natutulog habang may klase haha



Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay 'agad na akong pumunta sa bathroom para maligo na.



Baka magreklamo na naman si Vince sa kabagalan ko! napaka-reklamador pa naman n'ong isang iyon

Girl in Red (PUBLISHED)✓Where stories live. Discover now