"Enough Zynard! hindi makakatulong 'yang init ng ulo mo sa paghahanap kay Akira!" Galit na sita ni Edmund


Nagtagisan naman sila ng tingin.


"Huwag niyong sabihin na magsasabong kayo ngayon?" Sabat naman ni Vince habang nakapameywang.


"Please calm down, dickheads. Walang patutungohan 'yang init ng ulo niyo. Paano natin mahahanap si Akira kong ganyan kayo?" Naka taas kilay na sabi ni RJ at nag cross arm pa.

"I will do my best to track her." Mahinahong sabi ni Clint na mabilis pang tumitipa sa keyboard


Sa aming mag barkada, si Clinton ang magaling sa mga ganyan na namana niya sa Daddy niya na isang sikat na tracker sa isang organization. Iniwas ko ang aking paningin sa computer dahil sumasakit ang ulo ko sa mga maliliit na codes.


"May isang tao akong pinaghihinalaan ngayon" biglang usal ni Kuya kaya napatingin kami sa kanya


"Sino?" Sabay naming tanong sa kanya


Bumuntong hininga siya at nagtagis ulit ang bagang


"Callista"


Bigla naman napantig ang tenga ko sa sagot niya. Napatagis ang bagang ko ng maalala ko ang baliw na babaeng 'yon. Ba't 'di ko naisip 'yon kanina na posibleng siya ang nagpadakip kay Akira?


"Ba't niyo pa kasi pinatulan ang babaeng 'yon? May sayad 'yon sa utak e!" Sabi ni RJ habang umiiling pa


Umasim ang mukha ko dahil sa sinabi niya.


"Hindi namin siya pinatulan dahil gusto namin siya. Kundi para protektahan ang babaeng mahal namin." Seryosong sagot ko sa kanya



Kaya kahit ayaw namin sa kanya ni Kuya ay wala kaming nagawa kundi ang patulan ang lintek na babaeng 'yon. At ginawa namin ito para sa babaeng mahal namin para lang 'di siya saktan nito.



"Oh e anong nangyari ngayon? anong nangyari sa protektang sinasabi niyo?" Pang uuyam na sabi ni Vince sa amin


Hindi nalang kami nagsalita pa ni Kuya dahil alam namin kong ano ang pinupunto niya.



Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin namin ma track si Akira na siyang ikinabahala namin lalo. Tumawag na kami sa mga kakilala naming pulis, army at kong ano-ano pa para mahanap lang namin siya!



ZYNARD'S POV


NAPASUNTOK ako sa pader dahil sa galit, lungkot at disappointment! I'm so disappointed in myself because I failed to protect her. Akala ko kapag pinakisamahan namin ang baliw na babaeng 'yon ay hindi niya gagawan ng masama ang babaeng mahal namin ni Zenard. Pero hindi, masyado siyang tuso!



Hindi pa naman namin na confirm na siya nga ang nagpadakip kay Akira, pero malakas talaga ang kutob ko na siya ang mastermind. 'Yon pa, e baliw 'yon eh!




Naaawa ako kila Tita dahil sa nangyari. Hindi ko mapigilang sisihin ang mga sarili namin ni Zenard. Kong hindi dahil sa amin ay hindi siya na kidnap. Nang dahil sa amin ay nagulo ang tahimik niyang buhay.



"I'm sorry, Tita and Tito," paghingi namin ng paumanhin sa mga magulang ni Akira.



Nandito kami ngayon sa bahay nila nag tipon-tipon para magtulongan sa paghahanap kay Akira. Nandito rin ang mga magulang ko na busy sa pag-aalo kay Ate na kanina pang umiiyak.


Naiintindihan namin siya lalo na't bestfriend niya si Akira

"Ba't naman kayo nagsosorry?" Paos na tanong ni Tita sa amin.


Girl in Red (PUBLISHED)✓Where stories live. Discover now