"Wow." Halos hindi ko marinig ang boses ko sa nakikita ng dalawang mata ko. Andaming iba't ibang uri ng immortal! Yung mga iba ay napapatingin sakin at napapailing.

Marahan kong inayos ang bibig ko na medyo nakanganga na sa pagkamangha at sinundan si Salemn. Maya maya ay tumigil sya na di ko namalayan kaya umuntog ako sa likod nya.

"Aray." Daing ko na lamang.

Antigas ng likod nya, ganito ba talaga ang mga bampira hobby nilang mangbangga or what so ever?

"Nasaktan ka ba ate? Pasensya na, tara na at may pupuntahan tayong kaibigan ko." Iniabit nito ang kamay na na hinawakan ko naman. Ang gaspang ng kamay nya, dahil ito sa sipag nya.

"Ayos lang ako. Tara." Dapat ineenjoy nya pagkabata nya e, kagaya nito pero hindi ba nababasa ko sa novels ay magkakagalit sila? Bakit parang ang layo naman HAHAHA.

Kada titingin ako sa mga nandito ay napapansin kong nakatingin din sila!

"Uy ang weird ay este parang kakaiba, tinitingnan nila ako Salemn may dumi ba sa mukha ko?"

"Ganyan talaga dito ate Ali, bago ka lang kasi dito at hindi ka pa familiar sa kanila." Napayuko na lamang ako.

Nadaanan namin ang iilang fairies and to be honest! Ang gaganda at flawless nila! Pero what is sad about them is they don't have male fairies! Pero you know na weird na nalaman ko sa kanila? Nabubuntis sila through pairing in dreams! Mananalangin sila sa diyos na ipartner na sila and then the man will appear in their dream tapos mabubuntis na sila! One thing i heard about them is if you are born with white colored fairy, you will be the next queen. No more buts. If your are red then you are the fire type fairy, blue fairy are air type fairy, green for water type fairy and brown for earth fairy. White colored fairy has it own power and it is unique power and has the 4 elemental power too.

"Salemn! Bumalik ka!" Sigaw ng isang binatilyong palapit samin na nakabalabal.

"Levi!" Agad silang nagyakapan at doon ko na nasilayan ang binatilyong nagngangalang Levi.

"Chicks mo bro? Lakas ha." Luh pati ba naman dito may ganon??

"Huy nakakahiya tol, ate ko yan si Ate Alicia. Ate Ali si Levi nga pala kaibigan kong wizard." Inabot ni Levi ang kamay nya sakin tinanggap ko ito ng walang malisya dahil mukhang mabait naman sya. "Levi, si Ate Alicia nga pala."

"Nagagalak akong makilala ka binibining Alicia."

"Ako din."

Mabilis napalagay ang loob ko kay Levi. Lumibot kami sa buong lugar nitong Polaris.

"Ah teka, punta tayo doon sa isang yon. Maganda yon at magsisimula na din. Noong nakaraang taon iyan sinimulan at nanalo yung babaeng nakamaskara, ngayong taon ay nandito sya para depensahan ang titulo nya nung nakaraang taon."

Pumunta kami sa tinutukoy ni Levi.

"Padaan!" Levi.

"Tangina naman, ang sikip sikip na oh dito pa dumaan." Stranger.

"Padaan mga boss." Levi.

"Kyahh!"

"Padaan mga bebe gurls!" Levi

Madali kaming nakasingit dahil sa paraan ni Levi. Nasa unahan na kami at live na live ang nakikita namin. Wala nang nagawa yung mga nagrereklamo kundi manood na lang dahil nagsimula na ang labanan.

Eto ang tinatawag na 'Vampires GGO' labanan ng mga bampirang may ability or special powers. Pwede din naman lumaban kahiy walang special power or hindi ka fallen vampire pero syempre kawawa ka kasi lugi ka sa opponent mong may special power.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now