CHAPTER 2

10 1 0
                                    

Meet

Samantha

Tapos na ang 1st sem, naayos kona din lahat ng kaylangan ko para sa Pag tatransfer ko sa ibang school. Kaya ngayon ay patungo na ako roon sa lilipatan ko. Tinotoo nga ni lolo ang sinabi nyang sya ang pipili ng University na lilipatan ko hayssttt wala akong choice kundi sumunod kesa naman hindi nya ako payagan diba but I trust my grandpa knowing him na hindi nya hahayaang mapasama ang apo nya kaya sumang ayon nalang ako sa gusto nya.

Nakasakay ako ngayon sa aking sasakyan at prenteng nakaupo lang sa backseat, nakatanaw sa nadadaanang bukiran. Syempre nag dala ako ng driver ayoko ngang mag drive tinatamad ako and I really hate driving, feeling ko kapag 30 minutes nako nag dadrive pagod na pagod na agad ako e ang layo pa naman ng byahe 4 na oras na kaming bumabyahe Pero di parin kami nakakarating, Pero kung hindi kami na traffic kanina e baka inabot lang ng 3 hours, alam nyo naman, nasa Pilipinas tayo kaya wag na
magtaka diba hahahaha.

"Ma'am malapit na po tayo" ani ni manong driver.

"Ohhww okay Mang Nestor"

At ng matanaw kona ang mismong gate na napagka taas taas ay parang umaliwalas na ang aking mata dahil Yun na ang mismong entrance ng subdivision na tutuluyan ko.

Ilang street pa ang tinahak bago ihinto ni Mang Nestor ang sasakyan sa isang malaking bahay.
Pinilig ko ang aking ulo at kumunot sa nakita. Tinignan ko ng may pagtatanong si Mang Nestor.

"Ahmm ma'am yaan ho kasi ang bilin ng lolo nyo, at saka para daw ho mas maging ligtas ka, mas mahigpit po kasi ang seguridad sa parte dito ng subdivision." Mahabang lintaya ni manong.

Pumikit nalang ako ng mariin sa narinig, like duhh I know every part of this fucking subdivision Pero hindi ganito kalaking bahay ang gusto ko, ang sabi ko is yung normal house lang , hindi mansion jusko. Though nasa Kalahati lang siguro ito ng bahay namin sa Makati pero malaki parin ito para sa isang tao lang na titira which is me.

Napatingin ako sa main door ng bahay dahil sa isang babaeng lumabas doon. Medyo may katangkaran sya at morena kung hindi lang ito nakasuot ng pang kasambahay na uniporme ay agad Kong iisipin na isa syang modelo dahil mayroon syang angking kagandahan.

"Magandang umaga po ma'am pasok na po kayo sa loob" ani nung babae

"Okay" tipid kong sabi dahil di parin nakakamove on sa inis ko.

Nang makapasok kami sa loob ay syang paglabas ng isang babae sa pinto na medyo may kaidaran ng babae sa tingin ko ay nasa late 30s na sya.

"Welcome to Saville Town, Ma'am Samantha, ako si Manang Ester at ito naman si Mila ang sumundo sayo sa labas kanina" Sambit nung matandang babae este si Manang ester pala.

" Hello po Manang Ester ster and just call Sam nalang po" ani ko kasi mas komportable ako sa ganon.

"Osigesige, sya nga pala naghanda na kami ng iyong agahan dahil alam kong maaga kayong bumyahe nitong si Nestor".

"Kilala nyo po si Mang Nestor?" Pag uusisa ko, odiba chismosa ako kapag nasa mood hahaha

"Oo iha sya ang naghatid dito sa amin ni Mila nung nakaraang linggo, ang gusto kasi ng iyong lolo ay maayos at malinis na ang bahay na ito bago ka lumipat dito". Ani ng matanda

Safe Place Where stories live. Discover now