16th Chapter: "From Monster to Fiancé"

Magsimula sa umpisa
                                    

We stopped for a while and watched him. We both texted Miko para maconfirm namin 'tong nasa isip namin ni Jay. Pero ayun, busy siya sa pag-entertain nila ng mga nanay nila. Argh! This is killing me.

"Niligawan na ba niya yang si Miko?!" Jay, obviously, can't control her protective side.

"I don't know, okay!" I kinda whisper-shouted. Arghhh, pati ako hindi mapakali.

"Say what! Sila na ba? Elle, they are having dinner with each of their moms. Ano 'to? Meet the family na ba? Bakit hindi natin alam? Hindi ba nila alam na kailangan muna nilang dumaan sa atin bago sila magpakasal?!"

"Hoy, Jay Kim! Kasal agad? Calm down, will you?!" And that's why I don't blabber things. This is why I keep quiet most of the time. This is why I keep my thoughts to myself only.

"Hindi ka ba nag-aalala?!"

"I do!" I answered. "But we can't stay here and watch them while waiting for Miko's reply."

Napaisip si Jay. And I think she thinks I'm right. "Sige na nga."

♂♀ Charles's POV ♂♀

Kanina pa kami sinisigang nina Mommy dito. Hindi ko na kayang tulungan pa 'tong si Childish.

Paano ba naman kasi. Yung mga tanong nila!

"Ilan bang anak ang gusto niyo?"

"Uy, gusto ko ng dalawang apo ha. Isang lalaki at isang babae. Nako!"

"Saan niyo ba gustong ikasal?"

"Kailan ba kayo pwedeng ikasal?"

"Oo nga, pagpaplanuhan na rin namin."

"Anong motif ng kasal niyo, mga anak?"

"Sabihan niyo lang kami kapag may naisip kayo ha?"

Ako nga na lalaki, napepressure na. Yung asawa ko pa kaya?

Uhh... that sounded so wrong. Inaangkin ko na siya, hindi pa naman kami officially engaged.

"Anyway, paano kayo nagkakilala ni Aori?" tanong ni Mommy kay Childish.

Dahil hindi pa rin nakakaget over si Childish sa mga tanong nila Mommy, hindi siya nakasagot. "School, mom." Instead, I answered.

"Ahh, schoolmates kayo?" Mom said, shocked.

"Ay oo, mare. Naalala mo dati diba? Hinatid niya si Miko pauwi," kwento ni Tita na siyang nakapagpaalala kay Mommy.

"Ah, oo!" Sumang-ayon naman si Mommy nang maalala niya. "Mabuti yan. Mas kilala niyo na ang isa't isa."

Kanina pa tahimik 'tong kasama ko. Medyo nawala naman na yung pagkapula ng pisngi niya. Konting blush na lang ang natira. Is it a mistake to admit that she's cute whenever she's blushing? Kahit anong dahilan kung bakit siya nagbblush, ang cute niya pa rin.

Sa totoo lang, okay na sana siya eh. Cute. Medyo matalino. May pagkastupid lang. Maganda naman. Childish lang. Paano ko 'to mahahandle kapag nasa iisang bahay na kami?

Eto naman kasing si Mommy, isa pang impulsive. Na-excite na magkaroon ng daughter-in-law. I mean, paano kung hindi talaga siya ang dapat kong pakasalan? Paano kung may iba pang babae dyan na dapat kong mameet tapos hindi ko nameet dahil nga may asawa na ako agad?

Come on, Charles. You're not getting away with this arrange marriage thing, anymore. Deal with it.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa parking lot. Nang makasakay kami sa kotse ay parehas naming binuksan ni Miko ang cellphone namin. Napailing ako sa notifications ko sa phone ko.

Polemos AgapheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon