16th Chapter: "From Monster to Fiancé"

106 4 25
                                    

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

♂♀ Miko's POV ♂♀

"This is actually nice for the both of you," sabi ni Tita habang umiikot-ikot ang mga mata niya sa magarang bahay na ito.

"Yes, mare. Sakto pang tatlo ang bedrooms nila. A master's bedroom, a guest room, and an extra room. Perfect for the two and their tagabantay." Aba! Sumang-ayon pa talaga ang natutuwa kong nanay.

Well, hindi ko naman mahihindian 'tong bahay na 'to. Maganda nga naman talaga siya. I could have the extra bedroom then I will fill it up with stuffed toys and lollipops and cute stickers on the wall! Kahit si Bossy Monster na lang sa master's bedroom tapos si Andrew ang nasa guest room. It's totally fine with me!

Tapos yung kitchen nila, maraming drawers na pwede kong paglagyan ng mga stock ko ng lollipops. Amazing! Hindi ko rin poproblemahin ang bathrooms kasi dalawa naman ang bathrooms dito. Yung living room naman, medyo maluwag naman. Maluwag na siya for three persons, ano. Yung dining room nga, ang daming pwedeng taong umupo doon. Pero sabi ni Mommy, bibili na lang sila ng maliit na table. Yung para sa aming tatlo. Pangbisita na lang daw yung mahabang table na yun. Yung maliit daw, yun na lang ang gamitin namin kapag kami-kami lang. Ang dami rin kasing alam nito eh.

Tahimik lang kami ni Bossy Monster dito kasi wala naman kaming say sa kung ano ang desisyon ng mga nanay namin. I could use a rolled eyes emoji here!

He's not in the mood to talk dahil hindi pa rin maka-get over si Bossy Monster dun sa guardian thing nila Mommy. Hindi rin ako nasa mood makipag-usap sa kanya dahil he's so scary! Akala mo naman susunugin niya yung guest room every tim babanggitin nila yung tungkol kay Andrew.

Dahil nagutom sina Mommy, papunta kami sa isang restaurant. Well, nagugutom na rin ako. Huhu.

I was about to grab my chair pero gulat ko nang magsalita si Tita. "Aori naman, anak. Alalayan mo naman magiging asawa mo." Oh-kay. This is getting weirder than I thought.

Sinunod naman ni Bossy Monster yung utos ng Mommy niya. Yes, utos. Hindi naman kasi sincere yung gesture niyang 'yun.

Syempre, dahil nakakuha na sila ng opportunity na intrigahin kami, sinimulan na nila ito matapos kaming mag-order ng mga kakainin namin.

♂♀ Jay Kim's POV ♂♀

Ang tagal na naman nitong si Elle! Kahit kailan, napakakupad. Okay, akala mo naman hindi ako makupad. Haha.

Sumakay ako sa escalator papuntang second floor nang may sumabay sa aking lalaki. Akala ko kung sino. Si Zach lang pala. Ngumiti siya ng malawak sa akin which is normal kaya nginitian ko siya pabalik bilang pagbati.

"Si Elle?" tanong niya sa akin. Aba, matindi yata ang tama nitong si Zach sa best friend ko.

"Yung totoo, gusto mo talaga siya, ano?" I confronted him which is not a very good decision.

Ngumiti na lang siya in response. Should I take that as a yes?

I watched him smile as he got out of the escalator. I don't know if this is right but can I admit that he's really cute?

As if on cue na nag-ring ang phone ko pagkaalis ko ng escalator. It's Elle.

"Hey, nasan ka na?"

"Nasa second floor. I'll wait for you here."

"Kay, kay! See ya."

Ang kay Elle ay kay Elle lamang. Ang kay Jay ay kay Jay lamang. That's our sis code, right? Kay Elle na 'yang si Zach. Lakas tama pa nga yung lalaki sa babae eh.

Polemos AgapheWhere stories live. Discover now