5th Chapter: "Sadist & Masochist"

211 4 7
                                    

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀ 

“Rania’s POV” ♂♀

Saturday, June 22 20XX

Kakatapos ko lang maligo at nanunuod ako ngayon ng isang drama. "The Heirs" ang title. Maganda siya at totally naadict ako. Ang gagwapo ng mga nandun!

Nagstretch-stretch ako at binuksan ang bintana ko. HAAAA... Fresh air. Wait. Fresh air pa ba ang meron sa mundo na ito? Nyahahaha >__< I'm being weird again.

*Calling......

I answer the call. "Sino 'to?" I heard her chuckle.

["Guess!"] Napatawa ako sa kakulitan niya. Sino pa nga ba? Si Miko.

"Bakit ka napatawag?"

["Samahan mo ako dito sa SL mall. Punta ka sa Ryn's Cofeeshop."] SL mall? yun ba yung kilala na mall sa Pilipinas? Omybee.

"You mean the famous SL mall? Yung nandun na ang lahat na kailangan mo?"

["Yup."]

"Anong oras?"

["12:30"] Inend ko na yung call at nagbihis ng pang-alis. 11:40 na din kasi.

Pero ang ikinatataka ko ay bakit gusto niya makipagkita sa akin? Siguro bored yun. Pero si Miko ang tipong hindi nabobored eh.

*

Agad-agad naman akong nagbihis at pumunta sa dapat kong puntahan.

Ryn's Cofeeshop

Nag-order ako ng Caramel Machiatto. Grabe! Ang tagal ni Miko. Siya ang gustong makipagkita sa akin diba? Eh di dapat siya ang unang dumating!

May nagbaba ng White Chocolate Latté sa table ko. "Hey, Sadist." Unti-unti kong tinaas ang tingin ko sa taong 'yun. Then I just saw a masochist.

Pakana 'to ni Miko eh! ~_~ "Anong ginagawa mo dito?" he smiled.

"Can I call this a date?" He asked then he sat in front of me.

Say whuuut?! "Anong sabi mo?!" I asked him with a loud voice assuring that he knows what he's saying.

"I'll take that as a yes!" Then he sipped some of his latté. He smiled a little bit.

I flashed him my fake smile. "No way!" I exclaimed. "Bahala ka sa buhay mo."

Tatayo na sana ako dala-dala yung Caramel Machiatto nang higitin niya ako paupo sa upuan ko. Hinampas ko siya nang malakas. Ang sakit kaya!

"Aray naman. Hey, sadist." Binigyan ko siya nang isang nakakatakot na glare.

"Why, masochist?" I asked him with my right eyebrow raised.

"I'll always come after you. Remember that." Ayan na naman siya sa paborito niyang line. Hinampas ko na naman siya sa braso. Nakakainis! Ang hilig niyang pagtripan ako!

"Ang hilig mong hampasin ako. Di kaya may gusto ka sa akin?" Sinipa ko yung paa niya nang malakas. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa lalaking toh?!

Nilapit niya yung mukha niya sa akin at tinitigan ako sa mata. Err. Ang awkward. Gusto kong sapakin yung mukha niya pero ayaw gumalaw ng kamay ko. What's wrong with me?

"See? Hindi mo ako masapak-sapak. May gusto ka nga sa akin." Lumabas ang aking angry vein at sinipa ulit siya nang malakas. Tumayo na talaga ako at iniwan siya. Pero ang kulit! Sumunod siya sa akin!

Polemos AgapheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon