Nagpaalam ulit sa'kin si Howard at sinabihan ko siya na balitaan niya ako sa kalagayan ni Myrtle. Tumango naman ito sa akin.


Nang makaalis si Howard ay umupo si Zynard sa pwesto kanina ng kanilang pinsan at sa gilid ko naman ay si Zenard at pariho nila akong tinignan na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanila.

Problema na naman ng mga 'to?

Tumikhim ako dahil nakaramdam ako ng awkward.


"I want to go home." Mahinang sabi ko at nasa pagkain lang ang paningin ko dahil 'di ko kayang salubongin ang mga seryoso nilang mukha.

"Finish your food, baby. Dahil may pupuntahan pa tayo." Wala sa sarili akong tumango at pinagsawalang bahala ko nalang ang pagtawag niya sa akin ng 'baby' kahit nagwawala 'yong mga haliparot kong mga paro-paro sa tiyan


Kong nagtataka kayo kong ba't di ako nalilito sa magkambal, simple, dahil si Zenard ay may maliit na nunal sa ilong while si Zynard naman ay wala.

Nang matapos akong kumain ay lumabas na kami sa resto, at nakita ko pa ang mga haliparot na babae na kulang nalang ay tumulo ang laway dahil sa dalawang Greek god na kasama ko.


Iginaya naman nila akong dalawa sa kanilang itim na Bugatti La Voiture Noire.
Dang! 'di ko mapigilang mapanganga.


Sobrang mahal ng kotse na ito. This car is the most expensive in the world, worth eighteen million dollars.

Edi sila na maraming pera.

Nakita ko naman ang pagtataka nila ng tumigil ako sa paglalakad.

"Is there anything wrong, sweetie?" Nag aalalang tanong ni Zenard sa akin


Ano bang nakain ng dalawang 'to at kong ano-ano nalang ang endearment ang itatawag sa akin?

"Mag tataxi nalang ako, nakakahiya naman sumakay s-

"Shhh, don't say that, baby. And besides, you are very welcome to our car." Nakangiting putol ni Zynard sa akin


"Right! And I'm sure, magugustohan mo rin 'yong pupuntahan natin." Sabi naman ni Zenard 

Napangiti ako ng malaki

"Edi, tara na!" Excited kong tugon
Napatawa naman ang dalawa na ikinanguso ko

Hinakawan nila ang magkabilaang wrist ko, at nakaramdam ako ng kuryente sa ginawa nila. Pinagsawalang bahala ko nalang ulit 'yon dahil ayokong masira ang moment naming tatlo.

Susulitin ko nato dahil first time kong makasakay ng mamahaling kotse, at kahit ilang taon pa ako magtrabaho ay 'di ko talaga afford ang ganitong sasakyan.


Nasa front seat ako, while si Zynard naman ay ang driver namin, and si Zenard ay nasa back seat.

Sobrang gwapo talaga nilang dalawa hihi. Naka black longsleeve si Zynard, si Zenard naman ay naka white longsleeve at pariho itong nakapiko hanggang siko at bukas ang tatlong butones. May dog tag pa silang dalawa. Mas lalo lang tuloy silang nagmumukhang ruthless.


A hot, ruthless hihi, sshhh lang kayo ha


"Stop staring, baby." Saway ni Zynard at tumingin saglit sa akin habang may ngiti pa ito sa kanyang labi.

Napanguso naman ako ng mahuli akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya ka Akira!


"Sorry" Nakangusong sabi ko

Girl in Red (PUBLISHED)✓Where stories live. Discover now