Galit na tumayo si Ali.

“Pull your fucking self together, will you?!” Sinakal niya sa isang kamay si Dan. “I can kill him myself if I want to. Pero paano pagkatapos? Kamumuhian ako ni Cinderella habangbuhay sa pagpatay ko sa kanya? Sa ama ng anak niya?”

“Minahal ka rin naman ni madam, 'di ba? Edi patayin natin nang hindi niya alam! Nakita ko ang pagmamahal niya sa ‘yo noong magkasama kayo sa Aurora! Nakita ko kung paano ka niya inalagaan at noong inakala niyang patay ka na, nakita ko kung paano siya naging miserable sa pagkawala mo!”

“Awa.”

“Ano?”

“There’s a huge difference between love and pity.” Binitawan niya si Dan at kuyom ang kamaong binalikan ang bote ng alak. “Hindi ka pwedeng magpalito sa kahulugan ng dalawang ‘yon.”

“Boss....”

Huminga siya ng malalim bago tinungga ang laman ng bote. Pabagsak siyang bumuga ng hininga pagkatapos at matalim na sinulyapan ng tingin si Dan.

“Don't ever mention her name again in front of me.”

“Pero kasal kayong dalawa! Hindi ka pwedeng sumuko na lang ng ganyan dahil ikaw pa rin ang legal niyang asa—”

“It wasn't valid,” Ali said, cutting him off. It made Dan stop for a second.

“Peke 'yung kasal niyo?”

Ali slowly nodded his head. “I didn't really plan to marry her back then. I just wanted her to stay, so I locked her in a fake marriage.”

“Kaya gusto mo siyang pakasalan ulit noon sa simbahan para totohanin?”

“Yes. But that was all in the past now, let's stop talking about it.”

“Paano 'yung isa? Yung maarteng anak ng Mendez Security Group?” Ngumisi ito nang makaisip ng panibagong igugulo sa isip niya. Napapikit si Ali.

“What about her?”

“May gusto 'yun sa 'yo 'di ba? Baka siya talaga 'yung para sa 'yo?”

“Did you just come here to talk about my personal life?”

He started getting annoyed already. Pero ngumisi lang si Dan at tuluyang nawala ang kanina’y desperadong itsura.

“Hindi sa gano'n, boss. Nagbibigay lang ako ng opinyon. Sa buhay, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, pero may tinatawag na alternative.” Naging interesado ng husto ang mukha nito sa usapin. “Nandito rin siya ngayon sa Maynila. 'di ba? Gusto mo bang dalhin namin siya sa 'yo?”

“Sige... subukan mo babaliin ko 'yang leeg mo,” pagbabanta niya.

“Boss, naman.” Napahawak ito sa likod ng ulo.

“I have no time for that. Will you mind your own business?”

“Ayoko lang tumanda ka mag-isa. Psh.” Kumuha si Dan ng sariling baso at alak sa bar counter.

“Nga pala…” ani Ali. “May bumalik ba sa Makaslag? What's their situation there?”

Nagkibit balikat si Dan habang nagsasalin ng alak. “Ewan. Pero si Leo bumyahe roon kahapon kaya baka pabalik na ‘yun ngayon.”

“Okay let me know once he arrives.”

“Kopya, Boss!”

Ali spends most of his time thinking alone. He planned to just go somewhere far, but he was still thinking about where. Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang ilayo ang sarili sa mga bagay na posibleng niyang magawan ng hindi maganda.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Where stories live. Discover now