Paalam

9 0 0
                                    

Oh aking sinta sayo lang nakadama
ng totoong pagmamahal
ayoko nang ika'y lumayo parang awa
wag ka nang lalayo
pero alam ko lahat ng ito'y panandalian lamang
tulad ng pag ngiti mo sa harap ko
kasabay nito'y pagluha ng puso mo
bakit naman ganito ang sinulat ng tadhana para sa atin? bagamat maraming katanungan ngunit pasasalamat pa rin na ika'y aking matagpuan sa gitna ng maraming delubyo ikaw lang ang nagsilbing pahinga.
Oh aking mahal sayo lang nagmahal
at magmamahal ng ganito
salamat sa sandaling pinadama na ako'y
kaibig ibig din
ipapangako na magiging masaya at malaya
ngingiti kahit nasasaktan sa pagtalikod mo
kung ito man ang tanging paraan para sa
kapakanan mo, magkukusa na lamang
na lalakad papalayo.Mahal ko wag na mag alala
palalayain na kita, wag na rin  akong tanawin
sa paglisan ko kasabay ang pag iwan ng  ala ala

4:52am June24.2023

SintaWhere stories live. Discover now