But when my mom died after 5 years in UK. They deciced to put me back here dahil wala na akong makakasama pa kasi busy sila. And up until now di ko pa rin kilala yung bunsong anak ni nanay.

Tuluyan nakong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo.

"Susunod ako sa baba nay, maliligo na ako."tumalikod na ako pumasok na ako sa banyo.

---

"Nay, sino nga pala maghahatid sa akin ngayon? Diba nagresign na yung last bodyguard ko?"

Tanong ko kay nanay habang kumakain. Nasa kusina lang kami dahil dito ko pumiling kumain kesa don sa dining area namin , ang laki kasi tas wala naman ako kasama kumain. Tapos na kasing kumain si nanay at kasalukuyan lang siyang nakatingin sa akin habang kumakain.

Nag resign kasi last ko na bodyguard dahil di niya ako nabantayan minsan nung tumakas ako at nakipagkita sa mga kaibigan ko at muntik pang mapahamak. Kaya nagalit si Dad and bago pa man niya ma sesante ang tao ay pinagresign na siya ni tito Frank.

'Ewan, tatawagan ko muna si tito Frank mo, kasi balita ko wala pa silang nahanap na papalit sa pwesto nung last na bodyguard mo. Kasi naman anak eh, dapat di ka sumusuway sa mga guards mo. Pang ilan na ba tong bodyguard mo na nagresign o kaya natatanggal?"sermon ni nanay habang tumatawag sa asawa niya.

"Sila din may kasalanan nay, di sila nakabantay sa akin nang maigi kaya nakakalusot ako minsan, hehehe," palusot ko habang tawang tawa sa mga naalala kung mga kalokohan sa mga bantay ko.

"Ikaw talagang bata ka,napaka pilya mo, di ka ba napapagod sa mga pinagagawa mo?"

"Nay naman ,- naputol ang pagsasalita ko nang iminuwestra ni nana yang kamay niya na tumahimik muna ako, sumagot na siguro yung nasa kabilang linya.

"Asan tatay mo?", - nakakunot noong tanong ni nanay sa kabilang linya.

"Hmmmm,sige, sure kang ok lang sayo nak? Baka kako pagod ka pa sa byahe."

Rinig kong sabi ni nanay.Sino kayang anak ni nanay ang susundo at hahatid sa akin pansamantala? Mukhang worried si nanay eh, baka galing byahe pa ito.

Baka si Kuya Frankie ang bodyguard ko pansamantala,hmmmmm. Exciting to, makakasama ko araw-araw ang crush ko. Nagpa-puppy eyes na yung mga mata ko dahil sa mga iniisip ko. Pag si kuya Frankie talaga ang bodyguard ko kakalimutan ko talagang may boyfriend na ako.

Nakangiti kong sabi ko sa isip .

"Lapad nang ngiti natin nak ah?" takang tanong ni nanay .

Ay tapos na pala siya sa tawag niya.

"Wala lang nay, may naiisip lang ako." Nakangiting kong sagot sa kanya.

"Siya nga pala, may nahanap na silang bodyguard para sayo. Si Elley."

Nadismaya ako sa narinig kong ibang pangalan ang binanggit niya. Akala ko si Kuya Frankie na hahatid sa akin, kahit pansamantala, naudlot pa tuloy plano ko.

"Sino po si Elley nay? Akala ko anak nyo yung kausap mo kanina base na rin kasi sa pag uusap ninyo kanina parang anak nyo po eh," takang tanong ko sa kanya.

"Oo, anak ko nga. Si Elley, nakalimutan mo na ba siya ?"

Nag-abot ang mga kilay ko dahil sa mga narinig ko.

"Siya yung kalaro mo dati sa tuwing pumupunta siya dito sa mansion sa tuwing bakasyon sa skwela, natigil lang nung sa UK ka nag aral", pagpapaliwanag ni nanay sa akin.

Nahulaan niya siguro ang nasa isip ko kasi nagpapaliwanag pa siya.

"Di ko na po siya maalala nay," nakasimangot kung tugon sa kanya.

"Huwag mo nang alalahanin nak, papunta nayun dito, maya –maya andito nayun. Please nak wag mong pasakitin ang ulo niya, simula kasi ngayon sabi nang tito Frank mo, siya na ang magiging bodyguard mo,yun ang utos nang daddy mo," pakonsenyang tugon ni nanay sa akin.

"At meron pa palang isang pa-alala,"

Natigil ako sa pagsubo nang muling nagsalita si nanay. Napalingon ako sa kanya na may pagtataka.

"Masyadong ma awtoridad ang batang yun, sana magkasundo kayo," paalala niya sa akin bago tumayo at tumalikod para lumabas at magtungo sa gate dahil saktong may nagdoorbell. 




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please bare me with this update... Its my first wattpad story ... hope u like the first chap. please do vote and leave a comment.


thanks... :)


#philantropost

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon