PROLOGUE

6 0 0
                                    


Abot kamay ko na ang mga pangarap ko.
Lahat ng hirap at pagsubok nalagpasan ko.
Handa na ako sa panibagong mundo na kahaharapin ko.

Lahat naman tayo may kani kaniyang pagsubok, kani kaniyang istorya, sinusulat sa bawat pahina, pero sa tuwing nasa sukdulan na tayo ng pagsuko, palagi lang nating tatandaan na hindi ito ang katapusan ng bawat istorya na siya nating nililikha, ito ay parte ng mga pahina upang mahbukas ang panibagong kabanata.

Habang nasa Graduation Practice, nararamadaman ko na ang pagsakit ng puson ko.

Nagdasal talaga ako na sana mabilis nang matapos ang practice namin
Aakyat lang naman kasi sa stage at kakanta.

"Thessa, hinihingal ako dito sa auditorium, malakas naman ang aircon, diba?" Tanong ko kay Thessa, best friend ko.

"Oo naman, masyado ka lang tense dahil bukas na ang marcha natin. Relax ka nga."

"Scylla Azetrid Salgado, Cum Laude."

Iyan ang tawag sa akin ng umakyat ako sa stage, nangangatal pa ako dahil.hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-catch up na isa ako sa mga Latin Awardees.

Hanggang sa nagising nalang ako sa Infirmary.

"Nahimatay ka, yaze." Bungad ni Thessa, bagama't hindi pa ako nagtatanong sa kanya.

"Shit."

Napailing si Thessa at inalalayan ako na maka-upo.

"Yaze, you have to take this."

Patagong ibinigay niya sa akin ang Pregnancy Test.

Napa awang ang labi ko at umirap

"Stop over reacting, Thessa Mariz Gomez!"

Umiling siya.

"Hindi ako nag OA or nagbibiro, Yaze. You have to take it. Aware ako sa signs, I'm a future Ob." She rolled her eyes

"And I'm a future Lawyer, thessa. Hindi pwede na buntis ako."

Gusto kong tumanggi pero wala akong magawa dahil hindi ako tinigilan ng kaibigan ko.

Kabado akong nag take ng PT.

Nangangatal ang mga tuhod ko sa kaba at pangamba.

Hanggang sa nag 2 red lines which indicate as positive in pregnancy.

From Performance Task to Pregnancy Test real quick

Abot langit ang kaba ko.
Ang pangamba ko.

Ang takot ko.

Niyakap agad ako ni Thessa.

"Shit, yaze. I don't know kung anong sasabihin ko but I wanted to say that Congratulations, you're a Mom now. Dapat masabi mo na ito kay KZ."

Kane Zoren Salvador, my boyfriend since Highschool.

Next year pa ang graduation niya dahil nag take siya ng Architecture course.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart beat of WavesWhere stories live. Discover now