...

10 0 0
                                    


HER SIDE.

Habang kumakain kami ay, nagkwekwentuhan kami ni Nate.

Si Nate ang isa ko pang bestfriend. Nagaaral siya sa ibang UNIV. Ewan ko ba kung bakit siya nagtransfer eh. I don't know kung totoo yung sinabi niya. Si mommy kasi eh nasa US, sumunod kay dad. They are inseparable.

Kwento lang ng kwento si Nate about sa mga babae na umaaligid-ligid sa kanya. Sabi pa nga nya eh, may mga babae dun pati bra nila ibibigay kay Nate. LIKE EWWWW!

Habang nagkwekwento si Nate, kitang kita mo sa mukha nya ang disgust. He's very animated when he talks. At some point sa mga sinabi niya tumatawa ako. Di naman uber tawa na umaabot na humahagalpak na ako. Di maaari kasi nakikishare ng table ang mylabs ko.

Pasimple pa nga akung sumusulyap sa kanya eh. And at some point I can catch him glancing at me, na para bang nagseselos sya. Pero I know di yun mangyayari. Mangyayari nga pero sa panaginip ko lang. HAHAY BUHAY!

"Di ka ba talaga ng seselos sa mga pinagsasaabi ko sayo?!" napalakas ang pagkasabi nun ni Nate.

Napailing lang ako. Totoo naman eh. Di naman talaga ako nagseselos sa mga pinagkwekwento nya sa akin. Pwede pa cguro kung highschool pa kami. Magseselos talaga ako. PUPPYLOVE ko siya eh.

"Ibang klase ka Abi. Di mo na ba ako mahal?" pagiinarte ni Nate.

"Sorry Nate. I love someone else." Sabi ko sakanya tapos niyakap ko sya.

"AYIEEEE! Si Nate kinikilig..." tukso ni Shane. Malapit na rin kasi sila sa isa't isa.

"UIE AWAT NA! Ano nga ba klase mo ngayun ha Nate?" -ako.

"Ummm... Sa room 327 ako ngayun eh. I don't know what class."-sabi ni Nate.

"Tara na nga Nate. Malayo pa yun. Parehas tayo ni Christian ng class." Sabi ni Shane habang inaayos ang gamit niya.

Ayun tumayo na si Shane, Christian at Nate.

"Cge Pre. Abi. Una na kami ah." Paalam ni Christian. Lumapit pa nga siya kay Kevin tapos parang may sinabi. Tapos binatukan ni Kevin KO.

***

HIS SIDE.

"Cge Pre. Abi. Una na kami ah." Sabi ni Christian. Tapos lumapit siya sa akin. Tapos binulong. "Pre, chance mo na toh para umamin. Wag to-torpe-torpe." Binatukan ko nga.

Both Sides.Where stories live. Discover now