"For God's sake, Jillian! Kasal na iyong tao!" sigaw niya na pulang-pula ang mukha hanggang leeg.


"Ano ngayon kung kasal na? Napigilan ba ng kasal na iyon ang puso mo na mahalin pa rin siya?!" ganting sigaw ko.


Napigtal na ang pisi ko. Humakbang ako at sinampal ko si Hugo. Akala ko hindi na ako galit at hindi na magagalit. Akala ko pagod na ako. Akala ko manhid na, pero ang sakit kasi na parang ako pa iyong may kasalanan kung bakit gusto ko na siyang hiwalayan.


Hindi pa ako nakuntento. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at kinuwelyuhan ko siya. "I'm not stupid, Hugo! Stop fooling me! Stop fooling yourself!"


Tinanggap niya ang mga sampal ko, ang mga hampas ko, kahit noong sinabunutan ko siya. Hanggang sa mapagod ako, hinayaan niya ako na ilabas ang lahat.


Humihingal ako na bumagsak sa kama. Doon siya nanakbo sa drawer ko at nagkalkal doon. Pagkakuha niya sa nebulizer ko ay madali siyang pinuntahan ako sa kama.


Inangat niya ang ulo ko at itinapat sa akin ang nebulizer. "Breathe, Jillian. Breathe..."


Huminga naman ako at ginawa ang sinasabi niya. Paulit-ulit hanggang sa malanghap ko ang gamot at lumuwag ang aking paghinga.


Hinubaran ako ni Hugo ng damit. Pati ang bra ko ay hinubad niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng bimpo at damit sa closet. Pinunasan niya ako ng pawis at dinamitan ako, saka niya binuksan ang aircon. Marahan niya akong inihiga sa pinagpatong niyang unan.


"How are you feeling now?" tanong niya habang hinahaplos ang noo ko. "Are you still having trouble breathing?"


Umiling ako. Nakatingin ako sa mukha niya kung saan namumula pa ang kanyang pisngi dahil sa sampal ko kanina. Magulo rin ang buhok niya dahil sa pagsabunot ko, at ang kwelyo ng shirt na suot niya ay tumabingi dahil sa pagkakahila ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.


"Stop crying, Jillian. Baka hindi ka na naman makahinga. Tama na, kahit ngayon lang." Hinahagod niya nang marahan ang likod ko para pakalmahin ako. "Cease fire muna..."


Nang tumayo siya ay kinuha niya ang maleta ko at pinag-aalis doon ang mga damit na aking inimpake. Ibinalik niya iyon lahat sa closet.


Sinikap kong magsalita kahit nanunuyo ang aking lalamunan. "Hugo, I made up my mind. Ayoko na..."


"Just stay here. It's already enough for me. I won't be greedy."


"Hugo, please..."


Nang lumingon siya sa akin ay malamlam ang mga mata niya. Matigas ang boses niya nang magsalita pero bahagya iyong nabasag. "Jillian, you don't have to love me. But please, don't abandon me."


Nang lumabas na si Hugo sa pinto ay napaiyak na lang ako sa aking mga palad.


South Boys #4: TroublemakerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum