He smirked, amazed with my confidence, "Kamusta ka?"

"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan eh,"


"You saw me, right? Okay na ako, katatapos lang ng concert diba. One of our big stages." aniya at tinaas ang kamay saka ipinakita sakin ang malawak na arena sa harap. Nakatingin lang din ito sa paligid ng venue. Kani-kanina lang ay puno ito ng hiyawan at tugtugan, ngayon ay kami na lang dalawa, tahimik.



"Proud ako sayo, Bong." sabi ko habang tinitignan siyang nakatingin lang din sa palibot.



Bumaling naman ang tingin niya sa akin, "Thank you, Sara. The old you would've been proud of me too," aniya nang nakangiti ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mata. I don't know what seems to be bothering him.



"Sure ako doon, kahit wala paman akong naaalala, sure akong proud ang dating ako dahil kaibigan kita dati."



This time, ngumisi siya, na parang nakakatawa ang sinabi ko, "Kaibigan lang?"



Napairap naman ako saka tumingin ulit sa mga upuan sa harapan, "Oh edi platonic soulmate." pang-aasar ko pa.



Hindi naman siya agad kumibo at nang madaanan siya ng mata ko ay nakita kong nakatingin lang ito sa akin. Nawala naman agad ang bakas ng amusement sa mukha ko nang mapansing naging seryoso ang aura nito.


"Sara... mahal parin kita." aniya sa isang flat na tono. Pakiramdam ko nahulog na naman ang puso sa lapag dahil sa narinig. Pero mas lamang ang pagkagulat.



"B..bong?"


"Narinig mo ako, mahal kita Inday. Hindi nagbago... Walang nagbago." bahagya pa ulit akong nagulat nang kinuha niya ang dalawa kong kamay na nakapagpaharap sakin sa kanya, "At hindi ko na itatanggi sayo o kahit sa sarili ko ang bagay na matagal ko na dapat nasabi sayo... Mahal kita." diretsong aniya na parang prinaktis niya ang paglilitanya niya.



"But... I'm not the person you used to know." sabi ko. Baka nga lang kasi naguguluhan ito, baka in love lang ito sa ideya na ako parin yung dati niyang nakilala dahil wala namang pinagbago ang pisikal kong anyo.



"Regardless, I'm in love with both Sara's that I know... So my question tonight, Sara..."


Napalunok ako sa antisipasyon sa itatanong niya. Kahit ano pa yan, walang nakapaghanda sa akin sa tagpong ito. Masyadong marami at mabilis ang mga nangyayari.



"Hindi pala ito question, Sara...." Bumuntong hininga siya, "Liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo."


Bahagya akong napanganga sa deklarasyon nito saka ko bimawi ang kamay ko, "Bakit ka namimilit? Diktador ka ba?"



Natawa naman ito, ano bang nakakatawa? hindi ako nagbibiro ah. "Any violent reactions aside from that Inday?"



"B-bakit ang bilis kasi? Hindi pa ako nakapaghanda.. physically, emotionally, and psychologically." kalmado ang boses ko pero sa loob parang sasabog na ako sa dami ng nararamdaman.


Mahigpit niya ulit hinawakan ang mga kamay ko saka ito inangat at tipid na hinalikan, "Life's too short Inday, and I do not like beating around the bushes. Maraming nasasayang na oras," seryosong tugon niya.



Maya-maya ay nabigla ako nang gumalaw ito para maglakad habang hila hila ang kamay ko, "Saan tayo pupunta?"



Saglit siyang tumingin sa akin, "Magde-date tayo," deklarasyon niya na nakapagpalaki sakin ng mata. I am still in awe of Bongbong's assertive behavior. And if I could be honest... I do not hate it.



Hila-hila ako ay mabilis kaming nakalabas sa arena at agad sumalubong sakin ang preskong hangin, mabuti nalang at wala na masyadong tao, marahil nakaalis na ang mga ito sa area dahil pasado alas onse na rin ng gabi. Tahimik niya akong hinihila hanggang sa makarating kami sa isang ice cream parlor na late nagsasara. He bought us two sundaes and we decided to take a leisurely stroll through a nearby park, where the moonlight casts a soft, romantic glow. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nagtatalo ang puso't isip pero one thing's for sure— I'm happy.


Nakakita kami ng bench malapit sa isang fountain at nag decide na maupo muna. Hindi parin ako makapaniwala na "date" ito. It's so new but it's not an odd feeling. Have we been doing a lot of this before?


"Hmm.. di ko alam na masarap pala mag ice cream pagkatapos ng concert," sabi ko at pumikit-pikit pa. "The concert tonight was incredible, Bong. Congratulations ulit." dagdag ko saka tinignan siya na masayang nakatingin sa mga bituin.


"Absolutely, this concert is one for the books. But.. this, right here, is my favorite part of the night." aniya at sinalubong ang mga mata ko.


"What do you mean?"


"Us, sitting here under the moonlight, sharing this moment." the affectionate gaze he's giving me is insane. Hindi ko na ma kalma ang puso ko.


Tumango ako, "ang peaceful nga, at masaya rin akong ikaw ang kasama ko ngayon."


"You know what Inday, there's a song I've been practicing on the guitar." he said, grinning.


Napakunot ako ng noo, he's been practicing all week long, hindi na bago yun ah. "Really? New song?"


"Hmm... not really, but I want you to listen to it. Would you like to hear it?"


Napangiti ako saka tumango, "swerte ko naman, may libreng concert ulit."

"For your ears only," aniya at tumayo saka kinuha ang gitara na nasa likod ng bench. I didn't know there was a guitar behind it. Pano niya ba ito pinaghandaan? Bumalik siya ulit sa tabi ko at nagsimulang mag strum.

Kung ako ang may-ari ng mundo

Ibibigay lahat ng gusto mo

Araw-araw pasisikatin ang araw

Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan

Para sa'yo, para sa'yo

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling

Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin

Kung pwede lang, kung kaya lang

Kung akin ang mundo

Ang lahat ng ito'y iaalay sa'yo

As I watched him sing the last line, I noticed the glimmer of sincerity in his bloodshot eyes. Oo, mapungay. His passionate rendition of the song was filled with emotion. Parang biniyak ang puso ko sa isipang may mabigat itong dinadala. Matagal ko nang napapansin pero ayaw kong magtanong unless gusto niyang sabihin. There was an unspoken weight in his voice, a silent cry for understanding that he couldn't express much in words. It was as if the lyrics of the song were a reflection of our shared pain.


I could only wish that I could remember the feeling, so that I can provide the solace that he clearly needed. For now, I could only listen to his heartfelt rendition of the song and be there for him.



"That was... beautiful, Bong," I said, smiling and looking at him straight in the eyes.


"It's how I feel when I'm with you, Inday."


With my heart pounding with affection, he leaned in, and his lips met mine in a soft, tender kiss. A kiss filled with unspoken words and the promise of love that transcended any song's lyrics.



Umalis na si kuya Bong...



      ***

hello! sorry for the very late update :((

i am dedicating this chap to SC__25, thank you for sliding into my dms everyday.
hehe here's your request. xoxo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remembering UsWhere stories live. Discover now