Kabanata 3

64 10 3
                                    

Bong's POV

"Ah... magkakilala tayo dati?"


Saglit akong natulala sa sinabi at nang matauhan ay pilit na ngiti akong yumuko saka tumango-tango. Napatingin ako kay Robin na tinaas lang ang isang kilay saka ko ibinalik ang tingin kay Sara.


Of course, she would rather forget me.


"Ay nako po, sorry kung ang rude ko pakinggan. I suffered from retrogade amnesia in high school." casual na sabi ni Sara na nakapagpahugot ng hininga ko. Amnesia?


***

Nang maiwan kami ulit apat sa practice room ay hindi na ako halos makasalita dahil hindi ko alam paano iproseso ang narinig mula kay Sara kanina. Ni hindi ko alam kung nagsasabi siya nang totoo o nagpapanggap lang, pero hindi ko maiiwasan isipin kung ano ang naging sanhi kung bakit siya nagkaganon.


Was it because of the pain I caused her?


Tumayo ako muli at pumunta sa sulok ng silid para pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagtitingin sa mga naglalakihang gusali na napapalibutan ng napakagandang tanawin ng langit.


Naramdaman ko naman ang presensiya ni Robin sa tabi ko, nakapamulsa pero tahimik at nananantya.


"Rob.. I think Sara's faking it."


Napalingon naman ito sa akin, "the amnesia?"



Tumango ako at napabuntong-hininga, "Yes. Come on, there's no other way." Pilit na pagkukumbinsi ko sa sarili.



"From the looks she gave us earlier, I think it's a give away already that she doesn't even recognize us at all. Aside from the fact that we're from a famous band, hindi niya tayo kilala." aniya. "At kung totoo ngang nagpapanggap itong may amnesia just to get back at you, sa tingin mo deserve mo ba?"

Natahimik ako sa pahayag niya. Deserve ko ba?


"Exactly. I know it's been 9 years, but the Sara I knew is not petty. She is a sweet-hearted stupid-ass chick. She'd never hold grudges. Tsaka ano namang gain niya kung magpapanggap siyang walang naalala?"


I smiled remembering her way back, "Do you think it's better this way? Na wala siyang naaalala?"


"Ewan ko, ikaw ano sa tingin mo?"



"'Di ko rin alam, parang pabor sa akin so I don't have to apologize for what I did..." I trailed. "But at the same time, it's so unfair na ako lang ang nakakaalala ng lahat ng pinagsamahan namin." sabi ko at pilit na tumawa to lighten the mood.


Tinapik-tapik naman ako ni Robin sa balikat, "By the sound of it, you are never over her, are  you?"


I let out a sigh. "I just want to make up for Sara..."


"As you should. By the way, I got her number, gusto mo bang kausapin?"


"Next time, bro."


"Okay..." aniya at tumalikod na. Ilang saglit mula sa pag-alis niya ay nagbeep naman ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at nakitang galing ang mensahe kay Robin. That dumb ass.


He just sent me Sara's phone number.


"[Attachment sent].

Bahala ka kung anong gagawin mo dyan."


Third Person's POV

"Mr Robin Padilla, what are you scheming?"


Nang makalabas ito mula sa pag-uusap nila ni Bongbong ay sinalubong ito ng road manager nila na si Pia. Napahinto naman si Robin at nilingon ito. "What?"



"Stop it," ani Pia at umirap. "Kilala mo naman pala si Sara. High-school friend niyo ni Bongbong? What a shocker. But I know that there's more to this. Bakit mo siya pina-hire sa akin?"


Umayos si Robin ng tayo at handa na ito sabihin ang totoo sa kanilang manager. "Naalala mo ba yung kantang pinakinggan natin mula kay Bongbong? That's another song written by him nung nasa Europa siya. And.. almost half of our discography are written inspired by only one person. And that's Sara."


Bakas sa mukha ni Pia ang pagkamangha at pagkagulat. "Oh my God?! Kaya pala grabe ang yakap ni Bongbong kay Sara? But the whole retrogade amnesia bomb did it for me. Kita sa mukha ni Bongbong yung disappointment. Imagine writing a whole album about the story of how beautiful and painful your love story is, tapos hindi ka man lang maalala nung taong sinulatan mo ng kanta, I would be pained like Bongbong earlier."


"Ganon talaga." Pagsang-ayon ni Robin.


"Ano ba kasing nangyari? Bakit sila naghiwalay?" kuryosong tanong ni Pia.


"Bongbong loved Sara so much, you know..." tumingin muna ito sa paligid saka nagpatuloy. "But you know how much Bong loves music."


"Oh word. But whatever you're scheming, it seems to be working."


Napangisi nalang si Robin. "I've done my part, it's Bongbong's turn." aniya saka pabolang kininditan ang manager nila.

***

Remembering UsWhere stories live. Discover now