Kabanata 1

148 13 4
                                    

Bong's POV

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko habang nakatingin sa cellphone ko na laging tumutunog dahil sa ingay ng mga ka banda ko sa isang social media platform.



Apat kaming myembro ng bandang Quatro Brigade at nasa break muna kami dahil kinailangan kong umalis ng tatlong buwan para pumunta dito sa Europa.


Bilang isang myembro ng isang sikat na banda, naging usap-usapan sa Pilipinas ang biglaang pag-alis or should I say... pagkawala ko. Na kahit mga ka-banda ko ay hindi alam kung nasaan ako.



I shook my head nung nakita ko ang pangalan sa isang news article.



The Quatro Brigade lead vocalist Ferdinand Marcos Jr. is rumored to be seen backpacking in Europe.



Nakatingin lang ako sa telepono at hinahayaan ang mga mensahe mula sa mga ka-banda ko na ngayon lang nalaman kung nasaan ako.


Herbert: Bakit ka nasa Europa?


Herbert: Robin! Kami muna ang kausapin mo, hoy! Di ka pa ba nagsasawa sa asawa mo? Halos tatlong buwan na kayong nagha-honeymoon ah.


Robin: Kababalik lang namin ng Manila.


Duke: Ano na nga? Pagkatapos ng kasal niyo ni Mariel nawala na rin bigla yun? Ano bang meron?


Robin: Hindi ko alam. Sabi niya lang magbabakasyon siya eh. 'Di ko naman alam na magiging out of reach si gago.


Herbert: Mag start na tayo ng tour kahit wala si Bong.


Duke: Gago, sinong kakanta?


Herbert: Ako kakanta. Aba 'wag mo ko ina-underestimate ha. Di mo pa naririnig yung totoong golden voice ko.


Duke: Pero seryoso, okay lang ba si Bong? Tatlong buwan na rin oh.


Robin: Ayos lang 'yon. Parang di niyo kilala ang kaibigan niyo. Pero iyon nga lang, ako napagbubuntungan ng galit ng label natin kasi hindi pa rin siya ma-contact.


Herbert: Kunwari ka na lang talaga malungkot ka, pero alam naming tuwang-tuwanka kasi nakapag-honeymoon kayo nang matagal dahil nag-missing in action si Bong.


Kahit hindi ko binubuksan ang group chat naming apat ay nababasa ko parin yun sa notification center kaya napatawa nalang ako. Kahit kailan talaga, sobrang gulo ng banda namin pero sakto lang din para sa balanse.



Robin: Bongbong Marcos Jr., baka naman gusto mong magparamdam? Magta-tatlong buwan na rin?



Bumuntong hininga ako nang binasa sa notification bar ang mensahe ni Robin sa akin. Tinignan ko lang 'yun saka binaba at hindi na siya nireplyan. Napahiga ako sa kama at napatingin na lamang sa kisame.



Where can I find you?



Sakto namang nag text ulit si Robin kaya napatingin ulit ako sa cellphone.



Robin: Anyway, I think I saw Sara today. She works as a cashier at 7/11. Who would've thought? She has always been the brightest student.



Remembering UsWhere stories live. Discover now