Nakatingin lang sya sa computer nya. "Pasok."

Pumasok ako at tumayo sandali sa harap nya bago sumaludo.

Sumaludo rin sya. "Sit down."

Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa nya. Napatingin ako sa baso na may tubig na nakapatong sa mesa. May pustisong nakalutang sa loob.

Nahuli nya akong nakatingin sa baso. Napangiti ako ng pilit. "Teeth collection, sir?"

Naniningkit ang mga mata nya. "Puro alikabok yang CR. Pagbahing ko, nahulog. Buti di na-shoot sa inidoro."

Kinuha nya ang pustiso at sinalpak sa bibig nya. "May complaint ka."

Nagulat ako. "Ho?"

"Yung J6 na plaka na hinuli mo dyan sa McKinley kanina, tumawag, tinuktukan mo raw."

Napakamot ako ng ulo. "E, sir, reckless driving tapos nanuhol pa."

"Kano?"

"Kuwarenta."

Natawa sya. "Parehong pareho kayo ni Peping. Mainit ang ulo pero may prinsipyo. Nakaka-miss talaga yung tatay mo na yon. Kaya hindi kita mapabayan dahil alam kong magagalit yon sa langit pag napahamak ka sa poder ko."

Nagkagat lang ako ng labi at nagbaba ng tingin.

Ipinatong nya ang magkabilang siko sa mesa. "Pepay, hindi sa lahat ng oras, nandito ako. Kailangan mong maging responsable sa mga desisyon mo. Iisipin mo lagi yung resulta ng mga aksyon at desisyon mo."

"Opo, Ninong. Sorry po."

Huminga sya ng malalim at sumandal sa swivel chair nya. "Anong sabi sa stress therapy mo?"

"Isa pa po yun. Hindi ko na po yun kailangan. Abala lang po yun."

"Oh, e ang usapan natin, papasok ka kung tatapusin mo yung isang linggong session. Nakaka-dalawa ka pa lang."

"E, sir, di ko naman kailangan nun, okay lang talaga ako."

Nagpilantik sya ng dila at umiling. "Tapusin mo."

"Opo, sir." Ngumiti ako.

Napatingin ako sa kabinet sa tabi ng desk. "Hindi pa rin po pumapasok yung Janitor, sir?"

"Hindi pa. E, uuwi raw sila ng probinsya pagkatapos mag-labor ng asawa."

Sinalat ko ng hintuturo ang ibabaw. "Puro alikabok na rito."

Nagliparan ang alikabok. Nabahin siya at lumipad ang pustiso nya pabalik sa basong may tubig.

***

Rumadyo sa akin si Kara. "Clear na, P."

Sumagot ako sa radyo sa kaliwang balikat ko. "Copy."

Sinenyasan ko na mag-go ang mga sasakyan sa kaliwang side ng intersection.

"Dinala ni Jacob yung fiance nya kahapon sa prisinto." Biglang usap ni Kara sa radyo.

"Oh, bakit? Ipapakulong ba nya?" medyo irita kong sagot.

"Gaga, pinakilala lang. Nawala ka kasi kahapon kaya di mo nakita."

Actually, nandon ako. Tumago ako sa loob ng selda, kasama nung limang GRO. Limang GRO pa yung comomfort sa akin habang humahagulgol ako. Yung gagong Jacob na yon. Kapal ng mukha nya. Matapos nyang makuha ang lahat sa akin, bigla na lang nya akong iiwan? Well, iba naman yung nakuha nya sa akin. Binoka-boka ko lang naman sya kay Ninong para ma-promote, at nong na-promote ang gago, iniwan na lang ako sa ere. Pinaasa. Ganern. Two months na kaming hindi nagpapansinan sa prisinto. Tapos nagdala ng fiance? Gago talaga. Tiniis ko yung amoy singit sa loob ng selda at para saan? Para sa isang walang kwentang lalaki.

"Uy, P, go na! Over."

Biglang bumalik ang lumilipad kong diwa at sinenyasan ang padiretsong mga sasakyan.

"Kumain ka kaya muna. Kanina ka pa di kumakain," radyo ulit ni Kara.

***

Pumasok ako sa loob ng karinderya. May iilang taong kumakain. Dalawang estudyanteng naglalampungan sa isang sulok. Isang lalaki at babaeng rider na malapit sa pinto na nagtatawanan habang nanonood sa cellphone. Hays. Wala akong pake. E, ano kung wala pa rin akong jowa? E ano kung trenta na ako? E ano kung tumanda akong dalaga? Sus.

"Anu sayo, ma'am?" nakangiting tanong ng manong na naka-apron.

"Mapait ba tong ampalaya nyo?"

Medyo nagulat si Manong. "Um, hindi naman po masyado."

"Next time, paitan nyo."

"Ho?"

"Wala. Ampalaya, kalahati tsaka kape, black. No sugar." Yan, para sa mapait kong lovelife.

"Rice, ma'am?"

Inilabas ko ang baunan ko sa bag. "May dala ako."

Nilagay nya lahat sa tray, binayaran ko, dinampot ko ang tray at dumiretso na ako sa isang sulok.

Tinuhog ko ng tinidor ang ampalaya sa platito at isinubo.

Sanay naman akong mag-isa. Matapos ang isang dosenang lalaki na nanloko sakin since high school, wala na akong tiwala sa happy ending. It's either kalokohan lang yan o talagang wala lang talagang lalaking hinulog ng langit para sa akin. Wala.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog galing sa itaas. Napatingala ako sa kisame. Nakita kong nabiyak ang kisame at nahulog mula sa bubong ang isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko habang pabagsak sa akin ang isang lalaking naka-Michael Jackson outfit. What a thrilling moment.

Pepay Meets Future PapaWhere stories live. Discover now