CHAPTER 23: Weekends

435 8 1
                                    

CHAPTER 23

LUMIPAS ang weekdays. Bukas ay time ko na naman para maging poll dancer sa Flavor Of The Month bar. Makikita ko na naman si daddy Easton. Kaya excited na akong pumasok bukas. Hindi ko alam pero na-e-excite na talaga akong makita siya, paano ba naman kasi ay puro kami video call lamang.

“Huy, si ate Gizzy kinikilig. Mukhang excited pumasok sa bar ngayon.” Nakita ko si Mariel na nakangisi habang nakatingin sa akin.

“Sira, excited lang ako pumasok dahil gulong-gulo na isip ko kakaaral.” Dahilan na sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang mukha ni Mariel na hindi naniniwala sa akin. “Are you sure, ate Gizzy? Pero, bakit iyang mga mata mo ay nagniningning po? Excited ka na po ba makita si Kuya Easton?” Nakangiting sabi ni Mariel sa akin.

Nanlaki ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. “Ha? H-hindi, ha?! Bakit mo naman nasabi iyon? Saka, papasok ako sa bar para magtrabaho.” ani ko sa kanya.

Nasabi ko na rin naman kina Mariel and Ariel ang about sa relasyon namin ni Easton, iyon nga lang hindi ko nasabi na siya ang may-ari. Ang nasabi ko sa kanila ay parokyano namin siya sa bar na pinagta-trabauhan ko. Hindi ko kasi alam kung pwede ko bang sabihin kay daddy Easton about sa totoo niyang pagkatao, sinabihan niya kasi ako na walang nakakaalam na siya ang may-ari ng Flavor of the Month Bar, except kay Mr. Phil. Kaya hindi ko sure kung pwede ko bang sabihin sa kanila ang tungkol doon.

“Uy, si ate Gizzy nahihiya pa sa amin ni Ariel. Alam naman namin na gusto mo ng makita si Kuya Easton. Kailan po ba siya magpapakita sa amin para makilala po talaga namin siya?” pagtatanong niya sa akin.

Sa video call lang kasi silang nagkausap at nagkakilala.

“Sa susunod sasabihin ko siya na makipagkita sa inyo. Sa ngayon ay busy pa yata siya.” sabi ko na lamang. Hindi ko rin kasi alam kung anong trabaho niya except na siya ang may-ari ng bar.

“Sige po, ate Gizzy! Sana talaga makita namin si Kuya Easton sa personal at hindi lamang sa video call niyong dalawa.” sabi ni Mariel sa akin.

“Promise, bukas itatanong ko sa Kuya Easton niyo kung pwede tayong lumabas na magkakasama-sama. Sa ngayon ay tapusin na natin itong mga assignment natin, ha? Para bukas at sa linggo ay pwede kayong magligaliw. Lalo ka na, Mariel, graduating ka na sa senior year at need mo na rin mag-review para sa entrance exam mo pa-kolehiyo.” Mahabang sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang buhok. “Ate, August lamang po ngayon, ilang buwan pa po bago ang entrance exam. And, sa Carter's University din naman po ako papasok. Gagawin ko rin po ang makakaya ko para maging scholar din.” sabi niya sa akin.

“Oh, siya, Mariel! Alam ko naman gagawin niyo ang makakaya niyo pagdating sa pag-aaral. Lalo ka na, Ariel, grade 11 ka na at alam mong hindi kita ipe-pressure katulad nu'ng grade 10 ka. Basta gawin niyo lamang ang best niyo ay okay na sa akin.” sabi ko sa kanilang dalawa.

Nakatingin sila pareho sa akin at sabay na tumango. “Oo naman po, ate Gizzy!” Nakangiting sabi nila sa akin.

Ngumiti na lamang din ako at saka sila niyakap na dalawa. Gagawin ko ang pinangako ko kay tita Jenny, na patatapusin ko sila sa kursong gusto nila. Kaya magtatrabaho ako para sa dalawang pinsan ko.

“Oh, siya, mauuna na akong matulog sa inyo, ha? Maaga pa ako bukas, pupunta pa ako sa palengke para bumili ng stocks natin kasi paniguradong hindi ko magagawa iyon sa linggo dahil sa pagod ko. Tapos ko na rin naman ang mga assignment and reporting na binigay sa amin ngayong araw. Pagkatapos niyong mag-aral ay umakyat na rin kayo sa mga k'warto niyo.” Bilin na sabi ko sa kanila at umakyat na sa itaas.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ