CHAPTER 10: Carter's University

813 12 0
                                    

CHAPTER 10

NATAPOS ang pang-apat na araw ko sa bar. Two weekends na akong sumasayaw sa ‘Flavor of the Month’ bar na iyon.

Napansin kong hindi nauubusan ng customer ang bar. Always puno lagi ng mga kalalakihan at kababaihan ang bar na pinapasukan ko. Halos lahat ng mga customer namin ay mga naka-coat pa at mahahalata sa kanilang mga galing sila sa mayayamang pamilya.

“Gizzy, goodluck sa saturday sa prod mo?! Galingan mo sa araw na niyon. First prod mo niyon ng solo kaya dapat paghandaan mo talaga niyon.”

Napatingin ako kay Toni dahil sa kanyang sinabi. Pauwi na kami ngayon. Always kaming nag-ga-grab pauwi dahil konti lang ang sasakyan kapag madaling araw.

“Salamat, Toni, ha? Medyo kinakabahan nga ako. Baka hindi ko ma-impress ang mga customer natin sa saturday. Alam mo namang magagaling din sina Zoe and Sasha...” mahinang saad ko sa kanya.

Wala naman dapat akong ikabahala kina Zoe and Sasha, e. Pero, nu'ng pinanood ko silang sumayaw kanina para sa solo prod namin, hindi ko maiwasang kabahan. Ang se-sexy nilang tignan habang sumasayaw sila lalo na si Sasha kanina, isama mo pa ang bilog at malaki niyang hinaharap.

Malaki rin naman ang dibdib ko pero mas malaki niyong sa kanya. Tapos, niyong nakita ko ang susuotin niya, grabe, ako yata ang namutla ng makita ko niyon. Halos bikini na yata ang susuotin niya then may pink mesh dress lang siyang susuotin pero kita pa rin ang makinis niyang balat doon.

Ang susuotin ko ay isang high waisted shorts with pleated transparent skirt with ruffled hot pants na kulay red with glitters. Hindi ko alam pero nang makita ko ang aking susuotin, gusto ko na lang mag-saturday agad.

“See you on Saturday, Gizzy!” paalam na saad ni Toni sa akin at kumaway ako sa kanya.

Lumakad ako papunta sa may bahay. Pasadong alas-k'watro-kinse na ng makarating ako. Dumiretso ako pa-akyat sa aking k'warto, inaantok na ako pero kailangan ko munang magluto ng breakfast para sa dalawa kong pinsan.

Nagpalit na lang muna ako ng pambahay at naghilamos para mabura ang make-up na nilagay sa akin. Pinusod ko ng buo ang aking buhok at saka ako bumaba papunta sa kusina.

Binuksan ko ang refrigerator namin, nakita kong kokonti na lang ang stock na mayro'n kami. Binuksan ko rin ang cup board wala ng gaanong de-lata. Mukhang puro de-lata ang kinain nila.

Niluto ko na lahat ang hotdog na natira rito at kumuha rin ako ng noodles para may mahigop silang sabaw. Nagbukas din ako ng meatloaf para ibaon nilang dalawa.

“Good morning po, ate Gizzy!” Napalingon ako at nakita ko si Ariel na pumupungay ang mga mata niya.

“Good morning! Maligo ka na Ariel, baka mahuli ka sa klase niyo.” saad ko sa kanya.

May narinig akong tunog na may hinilang bagay. “Naliligo pa po si Mariel, ate Gizzy. Kauuwi niyo lang po?” pagtatanong niya sa akin.

“Kanina pa po. Asikasuhin ko muna kayo bago ako matulog. May kailangan ba sa school niyo, Ariel?” pagtatanong ko sa kanya. Hinango ko na ang hotdog na niluluto ko at dinala ito sa dining table.

Umiling siya sa akin. “Wala naman po, ate. Pero, may need po kaming bayaran at about po sa field trip, ate Gizzy. Sasama po ba kami?”

Napatingin ako sa kanya. “Gusto niyo ba? Kailangan ngayon?”

Tumayo si Ariel sa kanyang pagkaka-upo. Kumuha siya ng tatlong plato at tatlong pares ng kutsara't tinidor at maging baso.

“Next-next month pa naman po niyon, ate. Pero, nand'yan na po niyong waiver na pipirmahan niyo po kung payag po kayo.” sagot niya sa akin.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin