Chapter 3

508 45 30
                                    

Chapter 3

Okay, so... in my defense, Manang Judy failed to inform me of that vital information. Hindi naman kasi niya sinabing may nakalabas na mga ham doon pero expired na lahat. But on the other hand, I acknowledge my mistake. I did not follow her specific instructions to get directly from the refrigerator. Delikado talaga ang nag-a-assume.

"Kamusta? Wala pang sumasakit ang tiyan sa inyo?" Tanong ni Manang Judy makalipas ang halos dalawang oras.

Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. Walo na lang silang naiwan do'n dahil umuwi na sina Kuya Marco at Kuya Seth. Naglalaro iyong iba ng mobile game habang iyong iba naman ay nanonood ng Formula One.

"Wala pa naman po, Manang," si Kuya Kairo ang sumagot.

I pursed my lips and scrunched my nose. I asked them the same question a while ago, after apologizing for the hundredth time. Kumalma naman sila pagkatapos sabihin ni Manang Judy na kaka-expire lang no'ng nakaraang araw ang mga 'yon.

Umalis si Manang Judy pagkatapos ibilin na sabihan agad siya kung may sumakit man ang tiyan sa kanila. Siniko ko si Kuya Laz na naka-upo sa tabi ko. Tinanggal niya ang tingin sa TV at binigay ang atensyon sa akin.

"Anong oras kayo uuwi, Kuya?" Tanong ko.

"Ewan," aniya. "Bakit? Uuwi ka na?"

"Oo," tiningnan ko ang oras sa relo. "May gagawin pa ako sa bahay, e. Mauna na rin ako?"

"Uuwi na raw si Anthea," anunsyo niya bigla. "May sasabay ba?"

Halos nag-angat ng tingin ang lahat. Tumikhim ako dahil kahit na wala nang halong talim ang tingin nila sa akin, may natitira pa ring guilt at hiya sa loob ko dahil sa nangyari kanina.

Alright. Lesson learned the hard way: always check the label!

"Sabay na ako," tumayo si Kuya Kiel.

"Ako rin," nagtaas ng kamay si Kuya Casper.

Silang dalawa lamang ang sasabay sa akin dahil tatambay pa raw iyong iba. Inaayos ko ang sarili nang lumapit sa akin si Kuya Kairo. From the floor, Champ raised his big head and looked at me curiously. I crouched and scratched the back of his ears. He gave me a wide toothy grin.

"Ihatid ko na kayo," ani Kuya Kairo nang makalapit siya sa akin.

"Ha?" Tiningnan ko si Kuya Casper at Kuya Kiel na nag-uusap sa likod ng sofa. "Huwag na, Kuya. Magta-tricy na lang kaming tatlo."

"Medyo malayo ang bahay niyo mula rito," aniya bago nilingon sina Kuya Casper. "Cas, sabay ba kayo sa amin ni Thea?"

"Ihahatid mo ba?" Si Kuya Kiel.

Tumango si Kuya Kairo. Aangal pa sana ulit ako nang kaagad na pumayag ang dalawang lalaki. Champ stretched his legs before he stomped towards me. He inserted himself between me and Kuya Kairo while waging his tail.

"Kuya, huwag na. Sayang 'yong gas. May mga tricy naman diyan sa may highway," I attempted to decline again, while leaning down to give Champ attention.

"It's okay," he smiled at me and patted my head, the same thing I was doing to his dog.

Bumuntong hininga ako at hindi na nakipagtalo pa. Sumunod ako sa kanila sa labas kasama si Champ na mukhang ayaw akong tantanan. Pumasok sina Kuya Casper at Kuya Kiel sa may back seat habang si Kuya Kairo ay binuksan ang pintuan ng shotgun at hinintay akong makalapit.

"You want to come?" Tanong nito kay Champ na nasa tabi ko at nakatingala sa kaniya, nakalabas ang dila.

Tumahol ang aso, halos sumayaw ang buntot nito sa kaniyang likuran. Ngumuso si Kuya Kairo at nilingon ako.

Forever and Ever and Always (LAPRODECA #5)Where stories live. Discover now