Chapter 6

531 42 19
                                    

Chapter 6

After taking a quick shower, I donned on a beige wide-fleece pants and white loose shirt. Nagdadalawang isip ako kung bababa ako at haharap sa kanila o hintaying makauwi silang lahat. I paced inside my room for few minutes before bolting out.

Napatigil ako sa taas ng hagdan nang marinig ang boses ni Cez. Hindi kita ang taas ng hagdan mula sa sala pero alam kong narito na siya dahil sa lakas ng boses niya. Pumikit ako ng mariin at hinilamos ang palad sa mukha.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan. Halo halo ang boses na naririnig ko. Nang bumungad sa akin ang aming sala ay napagtanto kong nagpapaalam na ang mga kasama ni Kuya Soren. Nakatayo sina Rainier kasama ang dalawang kasama pa niya, kahit si Kuya Soren.

"Thank you po ulit, Kuya." One of the two other guys said.

"No problem," tumango si Kuya Camden at ngumiti.

Natigilan ako sa dulo ng hagdan at saktong napalingon naman ang iba sa akin, kasama na ang aking bunsong kapatid na naka-upo sa tabi ni Kuya Kairo. Halos magtaasan ang aking mga balahibo nang unti-unti siyang ngumisi sa akin sabay sulyap sa harap niya kung saan nakatayo si Rainier, bitbit ang backpack nito.

"Ihatid ko lang sila sa labas," paalam ni Kuya Soren.

Rainier looked at my sister and then his gaze went to me. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa panliliit ng kaniyang mga mata. Iniwas niya rin ang tingin at naglakad na papunta sa pintuan, saktong pumasok naman si Daddy.

"Alis na kami, Sir. Maraming salamat po ulit." Rainier said to my father.

"Mag-iingat kayo sa pagmo-motor, ah. Gabi na," paala ni Daddy sa kanila.

Sabay-sabay ulit silang nagpasalamat sa kaniya habang palabas sila sa bahay. Unti-unti akong naglakad palapit sa sofa kung saan naka-upo ang mga lalaki kasama ang mga kapatid ko. May meryenda sa coffee table na nasa harap nila.

"Yieeeee!" Biglang sigaw ni Cez dahilan kung bakit ako nag-panic dahil nasa labas lamang ng pintuan sina Kuya Soren at abala sa pagsu-suot ng kanilang mga sapatos.

Napatingin sa kaniya sina Kuya Kairo. Agad akong lumapit sa likuran ng sofa at mabilis na tinakpan ang bibig ng demonyong kapatid. Tumawa siya at sinubukang tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.

"Cez, isa!" Mariin kong bulong sa kaniya. "Bigyan kita ng pera, promise!"

She looked up at me while I was still covering her mouth and gave me a suspicious side-eye. I glared at her so hard, wishing it could have burned a hole in her forehead.

"Anong mayro'n?" Tanong ni Kuya Evan habang ngumunguya ng chips.

"Iyongcrushniateteteesdfmbsjjsbsmsdfbjh," diniin ko ang kamay sa bibig niya nang sinubukan niyang magsalita kaya naman halos hindi na maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang sumulyap ako sa pintuan para tingnan kung naro'n pa rin sina Kuya Soren. Bahagyang gumaan ang paghinga ko nang makitang wala na sila ro'n at nang marinig ko ang tunog ng makina ng motor ay mas nakahinga ako ng maluwag.

"Subukan mo talaga. Isa!" Kinurot ko ang braso niya bago pinakawalan ang bibig niya.

"Aray!" Reklamo niya at tiningnan ako ng masama.

"Ang ingay ingay mo, e! Akala mo nakakatuwa 'yang ginagawa mo, ha?" Pinandilatan ko siya.

She pursed her lips, but she didn't look guilty at all. I looked around and received the curious gazes of the guys around us. Kuya Camden narrowed his eyes at me, and I narrowed mine back. Magaling pa naman 'to makiramdam.

Forever and Ever and Always (LAPRODECA #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu