Prologue

1K 49 17
                                    

Prologue

It was a month after my mother's death that I met a few of the boys I didn't know would make a significant impact on my life. As a ten-year-old, I was naïve about the chaos they would bring later to my life. Yet I still could remember vividly how it all started.

"Thea, dito ka muna at kukunin ko lang ang kapatid mo, ha?" Sabi ni Daddy habang pinapaupo ako sa sementadong upuan sa hallway ng skul.

Tumango ako at pinatong ang mga kamay sa aking mga hita para hindi umangat ang palda ko sa lakas ng hangin. Nakatayo si Daddy sa gilid ko at may inaasikaso sa kaniyang cellphone. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Maraming mga estudyante sa labas, siguro dahil uwian na rin nila kagaya namin.

"Soren!" Biglang sigaw ni Daddy kaya naman napunta ulit sa kaniya ang tingin ko.

Iminuwestra ni Daddy ang kaniyang kamay sa tatlong lalaking naglalakad sa kabilang pasilyo para lumapit sila sa amin. Kumurap ako habang pinagmamasdan ang paglapit nila. Naka-suot sila ng uniporme na para sa mga high school. Alam ko dahil gano'n din ang uniporme ni Kuya Camden dati nong dito pa siya sa school namin nag-aaral.

"Bakit, Sir?" Tanong no'ng pinakamatangkad sa kanila.

Tumigil ang tatlong lalaki sa harapan namin. Tiningnan nila ako bago binalik ang tingin kay Daddy. Nahihiya akong nagbaba ng tingin.

"May pupuntahan ba kayo?" Tanong ni Daddy.

"Sa gym lang, Sir. Bakit po?" Hindi ko alam kung sino ang sumagot sa kanila dahil nanatili ang tingin ko sa aking mga kamay.

"Pakibantayan nga muna itong anak ko saglit. Susunduin ko lang ang kapatid niya sa kabilang building."

Sa sinabi ni Daddy ay napaangat ulit ako ng tingin sa kanila. Naabutan ko ang tingin no'ng mga lalaki sa akin. Ngumiti iyong pinakamaliit sa kanila. Napakurap ako at hindi natugunan iyon.

Tiningnan ko si Daddy at gusto sanang sabihin na sumama na lang ako sa kaniya dahil nahihiya ako sa mga lalaki. Pwede naman kasi akong sumama sa pagsundo kay Cez. Pero hindi ko masabi dahil sa presensya no'ng tatlong lalaki. Pinaglaruan ko ang mga daliri sa nerbyos at hiya.

"Ah, sige po, Sir." Tumango ulit iyong tinawag niyang Soren.

"Thea, dito ka muna, ha?" Sabi ni Daddy at ginulo ang buhok ko. "Mga estudyante ko 'tong mga 'to. Sasamahan ka muna nila saglit. Ayos lang ba sayo na dito ka muna kasama nila?"

Wala akong nagawa kundi tumango kahit na gusto ko sanang umangal at sumama na lamang sa kaniya. Nanuyo ang aking lalamunan habang pinapanood ang pag-alis ni Daddy. Humugot ako ng malalim na hininga at muling tumungo.

"Hello, anong pangalan mo?"

Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa tatlong lalaki. Ang dalawa sa kanila, iyong si Soren at isa pang lalaki ay nag-uusap. Iyong pinakamaliit sa kanila ang nagtatanong sa akin.

"Anthea po," mahina ang boses ko sa hiya.

"Anong grade ka na?" Muli niyang tanong.

Tumigil sa pag-uusap ang dalawang lalaki at tiningnan din ako. Ngumiti sila pareho pero hindi ko ulit sinuklian.

"Grade five po," tugon ko sa mahinang boses pa rin.

"Ah..." nagkamot ito ng ulo, "grade six ka na rin sa susunod na pasukan?"

"Malamang, Mico. Ano bang sunod sa grade five? Bobo ka ba?" Tumawa iyong isang lalaki at hinampas sa ulo iyong nagtatanong sa akin.

"Tangina, huwag kang magmura! May bata, oh?" Tinuro ako no'ng Soren.

"Bakit ka rin nagmumura?" Balik na tanong no'ng nagtatanong sa akin.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Tumigil sila sa pag-uusap nang mapalingon sila sa akin. Gusto ko sana ulit umiwas ng tingin pero hindi ko nagawa dahil muli akong kinausap no'ng nagtatanong sa akin.

Forever and Ever and Always (LAPRODECA #5)Where stories live. Discover now