Natigilan ako saka napangiwi sa sinabi niya. Grabe ang babaeng 'to. May jowa na ang malanding 'to pero kung magsalita, may balak pa yatang magloko.



Napapailing na lang ako habang nangingiti. Wala pa rin siyang tigil sa kakatili. Hinayaan ko na lamang siya. Nasiraan na yata ng bait.



Natigil lang si Ainsley sa kakatili nang dumating ang may ari ng coffee shop.



Alas siete madalas dumarating ang mga customers para tumambay kaya pagsapit ng alas siete ay nagsikilos na kami para asikasuhin ang mga customers.



Itong coffee shop na pinagtatrabahuan ko ngayon ay recommended 'to ni Selene. Dito raw siya dati kumukuha ng karagdagang income niya noong nag aaral pa siya. Malaki raw magpasahod ang may ari.



Noong nawala silang tatlo kasama iyong dalawa na nag ngangalang Vino at Gigi ay ako at si Ainsley na ang kinuhang kapalit.



Ang bestfriend naman ni Selene na si Nadia ay kasama ko rin sa trabaho. Siya ang nasa counter, si Ainsley ang umaasikaso sa mga orders at ako naman ang nagsisilbing server.



Totoo ang sinabi ni Selene, malaki nga magpasahod ang may ari nitong coffee shop. Iyong sinasahod ko kada buwan kasya na 'yon para sa gastusin sa bahay, pambili ng pagkain namin at pambayad ng dorm ni Leanna. May natitira pa nga kaya iniipon ko na lang.



Para kapag dumating na ang panahon na humantong si Thania sa high school ay hindi na ako mamomroblema sa mga kakailanganin niya.



"Ate, isang order nga po ng Cafe latte at pancakes!"


"Ate, nagtitinda kayo ng tea?"


Tumango ako. "Nasa taas ang menu." Itinuro ko ang taas ng counter kung saan naka display ang menu.



"Ate! Green tea with dark chocolate cake and white tea with sponge cake. Tig isang order po!"



"Miss, can I have one serving of cappuccino? Thank you!"



"Two servings of Iced Americano with glazed donut, please!"



Dahil sa sunod sunod na orders ay sinamahan ko na sina Nadia at Ainsley sa pag asikaso sa mga orders. Sakto ring lumabas si Ma'am Helen — ang may ari ng coffee shop, kaya tumulong na rin siya nang mapagtantong maraming orders ang naka pending.



"Ate! Two servings of espresso shot with chocolate lava cake, one serving of cafe latte with pancakes and one serving of chocolate cold brew with chocolate banana cake! Thank you po!"



"One order of herbal and floral tea with brownies please! Salamat!"



"Kaninong order po 'yong green tea with dark chocolate cake and white tea with sponge cake? Pakikuha po rito sa counter!"



Pagkatapos ng ginawa namin ay halos sabay sabay kaming napabuntong hininga. Nakakapagod pero sulit naman dahil nga malaki naman ang kinikita namin.



Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig namin ang pagtunog chime sa pintuan, senyales na may bagong customer na pumasok.



Ako na ang tumayo para harapin ang customer pero halos matuod yata ako sa kinatatayuan nang sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha.



Pinigilan ko ang mga matang paglandasin sa kabuuan niya. Tumikhim ako at ngumiti.



"Good morning, sir. What's your order po?"



Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Där berättelser lever. Upptäck nu