Kabanata 5

1.4K 33 0
                                    




Napahagulhol ang dalaga sa sinabi ng matanda sa kanya.. Sa buong buhay niya,ngayon lang siya nasaktan ng todo dahil sa kagaguhan na ginawa ng kanyang ex... Ngayon lang rin siya naging tanga sa pag-ibig kasi sa mga naging ex niya,parang wala lang sa kanya na makipag-hiwalay sa mga iyon... Hindi niya iniiyakan ang mga iyon pero iba na ngayon,minahal niya ng buong buhay si Kyzrrou...




'Manang,nakapag-desisyon na po ako.. Uuwi na po ako sa amin... Kailangan kong harapin ang mga pagsubok sa buhay ko.. *huk* kahit na masakit,kakayanin ko...' ningitian naman siya ng matanda tsaka niyakap muli... 'Lahat tayo ay may mga pagsubok,hija... Kaya maging matatag ka alang-alang sa kinabukasan mo... Gawin mo ang nararapat hah,iyan ang tatandaan mo..' napangiti naman siya sa mga sinabi ng matanda....




Tumayo siya pagkatapos ay pinunasan ang kanyang mga luha na kanina pa lumalabas sa kanyang mga mata.... Nagpasalamat naman siya sa matanda tsaka umakyat sa kanyang kwarto para mag-impake... Handa na siyang magpakita sa kanyang mga magulang,kay Rachael lalo na kay Kyzrrou.... Nagpahinga muna siya pagkatapos niyang mag-impake ng kanyang mga damit..




Tumayo naman siya pagkatapos ng limang minuto tsaka pumasok sa banyo para maligo bago siya pumasok sa banyo ay nahagip ng kanyang mga mata ang litrato na naka sabit sa cabinet.. Litrato iyon nilang dalawa ni Kyzrrou,kinuha niya iyon tsaka tinapon sa basura... Tapos na silang dalawa kaya nararapat lang niyang itapon iyon.. Ayaw niyang makita ang mga litrato na masayang-masaya silang dalawa doon....




Bumaba na siya patungo sa sala pero pinuntahan na muna niya ang matanda sa kusina.. Nagluluto ito para sa pananghalian, nilingon siya nito tsaka inanyayahan siyang kumain para sa pananghalian... Nag-usap sila habang kumakain.. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa matanda,niyakap niya ito ng mahigpit dahil mamimiss niya ito...




Sumakay na siya sa kanyang kotse tsaka pinaharurot iyon... Kahit na ang maabutan niya ay puro mga sermon ng kanyang mga magulang,ipapalusot nalang niya sa kabila niyang tenga... Kahit na spoiled siya ng konti sa mga magulang niya,alam naman niyang nahal na mahal parin siya ng mga iyon....




~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Hanggang dito muna ang i-UD ko dahil may lagnat kasi ako.. Kaya pinagbawalan ako ni mama na humarap sa computer ng isang oras.. Sana ma-enjoy niyo ang kabanata na ito.....



Don't forget to VOTE,comment and be a fan.. ☺


Kunin Mo Na Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon