Nakatalikod na ako sa kaniya noon kasi nga nage-erase na ako sa blackboard. Ewan ko na nga ba talaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko eh. Anyare dito. Luuuh.



Zyla, could it be na---



"Prince!" jabsdkab! Nagulat ako noon ah. >o<



Napatingin kaming dalawa ni Prince sa doorway. Nakita namin ang isang Luigi na nakahawak sa may binti niya at mukhang hinihingal at pinagpawisan pa.



"I need your car. Please let me borrow." Sabi nito na nahihirapan kasi nga hinihingal. Mukhang ang layo ng tinakbo nito at parang natataranta siya.



"Why? You have your car why do you--" Prince asked in a cold tone.



"PLEASE!! Just this once!! I need it now!! Please!" Napasigaw na si Luigi noon. Napansin ko na may tumulo ng luha sa mata niya. It's actually the first time na narinig ko siyang sumigaw- except sa mga movies niya but in real life, ngayon lang. Sa actions niya, malalaman mong may masamang mangyari at kung ano man yan, for sure, sobrang sama.



Tinignan ako saglit ni Prince ta's kinuha niya ang keys niya at hinagis kay Luigi. Which is surprising kasi parang this time, nakikiramay siya kay Luigi. Dati rati naman galit lang ang nararamdaman niya para dito pero ngayon, nakikita ko na konti ang brotherhood nila.



*********


AUTHOR'S POV


Luigi drove as fast as he can. He can't believe this is happening. No. Not to her. He's having that guilt in his heart again. Habang nagda-drive siya ng sobrang bilis sa daan, na halos mabangga na niya halos lahat ng sasakyan ay tumutulo rin ang mga luha sa kaniyang mukha.


Hindi niya naman talaga alam kung bakit niya iniiyakan ang lahat ng ito. Kung tutuusin, wala na siyang karapatan sa kaniya. He doesn't have to care anymore dahil hindi na niya ito obligasyon. Pero hindi. Mahal niya pa kasi. Mahal niya pa si Ysa.


"Where is she?" Tanong niya sa Kaibigan niya as soon as na bumaba siya ng kotse. Nasa labas ng Bar siya ngayon kung saan si Ysa kanina. Ito yung Kaibigan niya na tumawag sa kaniya at sinabihan na nakikipag-inuman raw si Ysa kasama ang mga hindi kakilalang lalaki. Sabi pa ng Kaibigan niya, hinaharass raw nila si Ysa tapos yung isang lalaki, hinalikan raw si Ysa sa labi.



"Sinama siya ng mga lalaking naka van. Ayun oh! Sinubukan kong tigilan pero sinuntok nila ako at sabi huwag raw akong mangialam." Sabi nang kaibigan niya sabay hawak sa pisngi kung saan siya sinuntok noong mga lalaki. Habang yung isa naman nitong kamay, nakaturo sa van na kaaalis lang.



Agad namang pumasok ulit si Luigi sa sasakyan tapos ay sinundan niya naman agad ang van. He was on his fastest speed na halos na niya mabubunggo ang mga kotse na malapit sa sasakyan niya. Wala na siyang pakialam kung ano pang mangyari sa kaniya, basta ang nasa isip niya ay si Ysa.



Tumigil ang sinusundan niyang Van sa isang malaki at sikat na condominium. Tumigil na rin si Luigi at nagparking sa tapat ng condominium na hindi masyadong malapit sa van.


Maya maya, bumaba na yung mga lalaking sinasabing kasama ni Ysa. Tatlong mga lalaki ito at puro mga strangers. Hindi naman ito mukhang mga lasing kasi ayos pa kung gumalaw. Isa kanila ay binuhat si Ysa na yung para sa mga bagong kasal. Nakatulog na si Ysa pero halatang lasing ito dahil namumula ang cheeks nito. Ganito kasi si Ysa pag lasing na. Pinasok na noong mga lalaki si Ysa sa loob ng condominium.


Agad namang lumabas ng sasakyan si Luigi at palihim na sinundan ang mga ito. Syempre, nagkeep siya ng distance apart sa kanila pero sinisigurado niya na hindi nawawala ang mga ito sa kaniyang paningin.

Hated by the Gangster Princeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें