"Ay, naku, Hugo!" ani Ate Lina pagkakita sa kanya. "Hindi ka ba babalik sa burol ngayon? Pasensiya ka na, kanina ko lang nalaman na iyong dating nag-alaga pala sa 'yo iyong napanood ko sa news kahapon. Condolence pala, ah! Diyos ko, ang buhay talaga ng tao ay hindi mo masasabi, ano?"


Tahimik ako na naghahalo lang ng kape. Ramdam ko pa rin ang mga titig sa akin ni Hugo.


Nang umalis si Ate Lina sa kusina ay naupo si Hugo sa upuan na nasa kaharap ko. "Jillian, alam mo na ba iyong nangyari?"


Saka lang ako nag-angat ng paningin sa kanya. "Yup. My condolences," tipid kong sabi saka ibinalik ang atensyon sa kape.


Natigilan siya sandali dahil hindi siguro iyon ang inaasahan niyang reaksyon ko. Pagdaka ay mahinang nagsalita siya, "Si Mommy ba nagsabi sa 'yo?"


Tumango na lang ako sa tanong niya. Hindi ko na binanggit na nag-text din sa akin si Carlyn.


Namayani ang katahimikan. Habang sumisimsim ako ng kape ay nakapangalumbaba lang sa akin si Hugo. Hindi ko alam kung ano ang trip niya, pero titig na titig siya sa akin.


Nang maubos ang kape ay tumayo ako para dalhin ang mug sa kusina. Naramdaman ko na tumayo rin siya. Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay niya na dumama sa leeg ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?" 


Umiling ako at pasimple kong tinabig ang kanyang kamay.


"You look pale. Hindi ka raw kumain kagabi sabi ni Ate Lina."


Nangunot ang noo ko. Tinanong niya si Ate Lina o si Ate Lina lang ang kusang nagsabi? Pero wala na akong gana na alamin ang sagot. Bumuga ako ng hangin. "I'm on a diet."


"Bakit? Okay naman na ang katawan mo, ah?"


"It's my body. Ako ang magsasabi kung okay ang katawan ko o hindi."


Napatanga siya sa akin.


"I have work to finish today, please don't bother me." Bumalik na ako sa hagdan. Hindi ko na inalam pa ang reaksyon niya nang iwan ko siya. 


Hapon nang katukin ako ni Hyde sa kuwarto. Kasisilip ko lang dito kanina sa kuwarto nito pero abala ito sa pagbabasa, kaya hindi ko na inabala. Pinagbuksan ko ito ng pinto.


"Mommy, guess what? Daddy Harry is here!" masayang balita ni Hyde.


"Ha?" Napalingon ako sa pinto sa gilid ng hallway, ang pinto sa master bedroom. Sakto na bumukas iyon at lumabas si Hugo.


Shirt na plain white at shorts na plain black ang suot ni Hugo. Naka-house slippers. Magulo ang buhok niya at ewan kung kagigising lang ba niya, pero mukha siyang restless. Walang kahit anong emosyon ang mukha maliban sa bahagyang salubong ang makakapal at itim na itim na kilay.


"Sandali lang kamo, Hyde," sabi ko sa bata. "Mag-aayos lang ako."


South Boys #4: TroublemakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora