Nakaramdam siya ng lungkot nang wala man lang nag-text o tumawag sa kanya. Sanay naman siyang walang kaibigan at pamilya pero mas lalo niyang napatunayan na wala talaga siyang halaga sa pamilya. Ni kamusta sa ama ay wala siyang natanggap.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

Napalingon siya kay Chris na naghuhubad ng sapatos.

"Oh, hi. Bumalik ka na," aniya.

"Yep. Miss me?" biro ng binata pero hindi sumagot si Anika. "Maliligo lang ako, magpalit ka ng damit, aalis tayo."

"Saan?"

"Basta," sagot ni Chris at dumiretso sa shower dahil nanlalagkit na siya. Nagpalit ng damit si Anika at nang matapos si Chris ay umalis na sila patungo sa Guadalupe.

Nang makapasok, namangha si Anika sa nakita. Patahian ito at ang daming mananahi sa loob.

"Halika," yaya ng binata saka hinila siya sa elevator at pinindot ang basement. Paglabas, bumulaga sa mga mata ni Anika ang iba't ibang klase at kulay ng tela.

"Wow! Ang dami!" halos mapatili siya sa saya.

"Mamili ka ng tela."

"P—Pwede ba?"

"Oo naman. Kunin mo ang lahat ng gusto mo. Di ba mahilig kang mag-sketch so I assume na marunong ka rin manahi."

"Wow! Oh my ghad!" hindi niya matago ang kasiyahan. Ito ang pangarap niya mula bata pa, ang makapagpatayo ng sariling patahian pero malabo na dahil wala namang suporta mula sa ama.

"Gawan mo ako ng tuxedo at pants kaya mamili ka ng tela na gagamitin."

"Ha?" kinabahan siya sa narinig.

"I'm your first client," ani Chris.

"P—Pero," napakagat siya sa ibabang labi. "H—Hindi ako magaling at never pa ako nakagawa ng damit." Oo nga at may maliit na sewing machine sila sa bahay pero ang mga ginagawa niya ay pang manika na damit lang.

"Then it's time na gumawa ka."

"P—Pero paano kung pangit?" napakagat ulit siya sa ibabang labi.

"Ako ang manghuhusga," ani Chris at hinawakan siya sa baba saka itinaas ang mukha niya. "Let me bite your lip for you," ani Chris at mariing hinalikan siya sa mga labi at banayad na kinagat ang lower lip niya.

Mabilis na tinulak niya si Chris nang marinig ang yapak na palapit sa kanila.

"T—Titingin na ako sa tela," aniya at iniwanan ang asawa. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya sa kaba na baka may makakita sa kanila.

"Kuya, pakibigay ho ng mga kailanganin niya. Sa labas lang ako maghihintay," bilin ni Chris para magkaroon ng freedom si Anika na mamili ng gusto niya.

Pagkatapos ng kalahating oras, lumabas na si Anika bitbit ang telang napili niya.

"Do you have everything na kailangan mo?"

"I think so," sagot niya saka nginitian si Chris.

"Tara, let's go home."

Pagdating sa bahay, nanlaki ang mga mata ni Anika nang makita ang sewing machine sa loob ng bahay.

"Oh my! Saan galing 'to?"

"Dinala 'yan ni Rino kanina habang nasa factory tayo," sagot ni Chris. "Do you like it?"

"Yes!" agad na tugon niya.

"Good. Now, you can make me my tuxedo."

"I can't promise na magaling ako but I'll try my best."

"May sketch ka?"

1. Sold to CEO (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon