Kabanata 6

12 3 0
                                    

Kabanata 6

"PAPASOK na po ako sa school!" Sigaw ko rito sa sala.

Wala kasing tao rito sa sala baka nasa kwarto si mama O si papa ay umalis na. Kaya para magpaalam kailangan kong sumigaw.

Biglang lumabas si papa sa kusina dala-dala ang bag niya na nilalagyan niya ng baon niya sa trabaho. Lumabas naman si mama sa kwarto nila naka damit pangbahay. Hindi na muna raw siya pupunta sa maynila kasi tapos na ang trabaho niya si Kaya Dominic na raw ang maayos ng ibang gawain.

"Hal! Sasabay na ako kay Patricia sa labasan." Lumapit si papa Kay mama para bigyan ito ng halik sa pisnge, napangiti naman ako.

"Sige, ingat." Sagot ni mama.

Sabay na kaming naglakad ni papa palabas pero magkahiwalay ang daang pupuntahan namin. Ako deritso ang daan papunta sa school si papa kakaliwa pa.

"Ingat ka anak."  Nang maabot na namin ang daan saan kami maghihiwalay.

"Ikaw rin po, papa. Ingat ka po." Tumingin ako kay papa at ngumiti.

Siya na muna ang pinauna kong umalis. Gusto ko siyang makita umalis bago ako tumuloy sa pupuntahan ko.

Pagkarating ko sa school busy na sila sa pag-aayos ng reports nila mamaya. Tumuloy na ako sa upuan ko at himala nandito na si ningning.

"Oy, pat." Angat niya ng tingin sakin nang makalapit ako.

"Oh?" Umupo na ako sa upuan ko.

"Ready ka na ba sa report?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko. 𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘧𝘳𝘦𝘦𝘻𝘦𝘳. "Kinakabahan ako."

"Halata nga eh, lamig ng kamay mo." Napailing na lang ako. Iwan ko ba, ako kasi hindi ako ganito pagsa-report na Hindi naman ako matalino pero palagi akong excited pagreport time.

"Oo na, Hindi kasi ako kagaya mo." Irap niya sakin.

"Oh? Ba't ka ganyan? Parang kasalan ko pa tuloy." Naguguluhang tanong dahil sa pag-irap niya sakin.

"Iwan ko sayo, basta tulongan mo na lang ako mamaya pag may tanong sila na hindi ko masagot." Nguso niya sakin.

"Oo po."

Dala-dalawa kaming lahat sa report. Partner daw  sabi ni ma'am, buti na lang si ningning ang partner ko. 'Yong iba sa amin ay lalaki at babae ang naging mag-partner.

Pagpasok ni ma'am sa loob ay isa-isa na namin dinikit ang Manila-paper at nagsimula na. Pangalawa kami ni ningning sa report.

Hindi naman mahaba ang report at natapos rin kami kaagad lahat. Tapos namin lahat ng report, eniksplain rin ito ulit ni ma'am para talaga maintindihan namin.

"Okey did you understand now class, your report? Karamihan sa inyo... Maganda ang pagkaka-explain 'yong iba naman ay kunting kimbot na lang. Kaya aral lang nang aral at study the lecture rin para mag-improve talaga kayo lalo." Ngiti sa amin ni ma'am.

"Yes ma'am!" Sabay-sabay naming sagot.

"Okey! So, see you tomorrow. Wait for your afternoon class okey? Wag mag-absent. Bye class." Paalam niya sa amin. Pagkalabas ni ma'am parang naka hinga lahat ng maluwag ang mga classmates namin.

"Sa wakas na tapos rin." Hinga ng malalim ng iba.

"Oo nga, muntik na akong madapa kainina." Sabi naman ng isa.

Nagsilabas na sila kaya sumunod na kami ni ningning kasabay pa namin ang iba naming classmates at ang GAS-12. Sinubokan kong hanapin si riven pero Hindi ko siya makita. Siguro tambay na naman 'yun. Gaga-graduate na nga sila Hindi pa pumapasok, uncrush ko na talaga siya.

"Pat, Tara na puntahan na natin si Joseph at ng makuha Kuna ang hihiramin ko sa kanya." Paghihila sakin ni ningning sa kabilang building at napunta kami sa tapat ng room ng STEM.

"Ning? Di'ba pweding sa bahay mo na lang kunin kung ano man 'yan? Gutom na ako eh." Tanong ko sa kanya habang sumisilip siya sa bintana ng room ng mga STEM students.

"Hindi teh, palabas na rin sila oh." Tingin niya sa loob sa unahan.

Kaya wala akong nagawa titiisin ko na naman ang pagkagutom ko ngayon at mamaya na naman makakain. Sumabay na rin ako sa kanya at tumingin sa unahan agad kong nakita ang mga manila-paper na naka dikit sa ding-ding—ang dami.

Sumilip ako nang sumilip hanggang sa makita ko kong sino ang nasa unahang nag-e-explain sa report. Gumagalaw din ang kamay niya sabay nang pagsasalita niya.

Tinignan ko ang kabuohan niya. Matangkad siya, naka black pants at white T-shirt—Hindi naman ganito ang uniform ng taga STEM pero baka wala pa siya no'n. Maayos ang buhok, makapal ang kilay na medjo check ang dating, matangos ang ilong, kasabay ng maganda n'yang mata na parang ang sama kong naka tingin ito sayo, at samahan rin ng pink lips niya.

Nanatili ang tingin ko sa lalaking nagsasalita nagseryuso sa unahan hanggang matapos n'yang magsalita ay nagpalakpakan ang mga classmates n'yang manghang-mangha sa kanya. Tumayo ang teacher nila at pumunta na siya sa upuan niya sa ulihan na malapit lang sa amin—sa bintana. Apat na linya ang upuan nila at doon siya sa pang-apat na upuan.

"That was a very excellent explanation Mr.Pasquale." magpupuri ng teacher sa lalaki kanina. 𝘗𝘢𝘴𝘲𝘶𝘢𝘭𝘦?... Parang narinig ko na ang apelyedong 'yon, ah. "Okey that's all for today! You may now take your lunch." Sabi ng teacher nila at lumabas na sumunod naman ang mag studyate.

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw naglalaki kanina pa. Bakit Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya? Biglang lumapit sa kanya ang pinsan kong si Joseph nag-uusap silang dalawa.

"Joseph!" Tawag ni ningning Kaya napalingon sila sa gawi namin.

Sa Hindi inaasahan nagtama ang mata naming dalawa. At sa hindi maipaliwanag ay biglang tumibok ang puso ko na parang hinahabol ng kabayo kaya agad akong umiwas nagtingin sa kanya.

Naglakad si ningning para makalapit kay Joseph na papalapit na rin sa amin. Naka sunod naman ang lalaki kanina kay Joseph.

"Oh? Kukunin mo na ngayon?" Tanong ni Joseph kay ningning.

Sinulyapan ko ang lalaking nasa gilid ni Joseph nag-aayos siya ng bag niya.

"Oo, Akin na." Agad naman iniabot ni Joseph ang isang maliit na box kay ningning. Ano kaya ang laman niyan? "Joseph, Sino naman kasama mong pogi?" Ngiti ni ningning sa lalaking naka tingin na ngayon sa amin. Kaya Napa tingin ako sa lalaki at ganun parin ang puso ko.

𝘈𝘯𝘰 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯?

"Ah siya pala si kenji." Pakilala ni Joseph sa lalaki, Kaya nagulat ako at Napatingin sa lalaking seryuso nagkatingin sa amin. "Pre, si ningning pala at pinsan ko—si Patricia." Pagpapakila ni Joseph samin sa lalaking nagngangalang kenji.

"Talaga!" Gulat rin si ningning na tumingin kay kenji. "Ikaw 'yong bagong transfer dito? Kaya pala nagkagulo sa canteen kahapon, pogi ka pala." Pabibing sabi ni ningning.

Habang ako naguguluhan sa puso ko. Tumingin sa akin si kenji at umiwas agad ako. Baka pag nagtama ulit ang tingin namin baka Hindi na ako makatayo nag-maayos seryuso siyang tumingin sinamahan pa nagkilay niya. 𝘎𝘳𝘢𝘷𝘦 naman nakakakab s'yang tumingin.

"Hi!" Biglang salita niya, 𝘰𝘩 𝘮𝘺 𝘨𝘰𝘥! Ang boses niya ang hucky na medjo cold rin. Naglamig ang buong katawan ko bigla.

"Ay! Ang gwapo." Parang kiniliti si ningning sa pagsalita nito.

"Pasinsya kana pre sa isang 'to." Sabi ni Joseph na tumingin kay kenji.

Naka tingin na rin ng mag classmates namin na pumunta rito para lang makita si kenji at ang ibang girls na taga STEM. Isang araw pa lang siya rito ganito na karami ang naka tingin sa kanya?












VOTE|COMMENT|SHARE

THE LOVE AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now