"Pa!" Kinuha ko ang kamay nya at nagbless


"Kaawan ka ng diyos!" Sabay haplos ni papa sa buhok ko.



Pinaupo ko muna si papa at pinapahinga, tapos na rin ako nagluto. Nagmapansin kong maayos na ang paghinga nya na Hindi na parang pagod saka lang akong nagsalita.


"Papa, ahm... Pupunta po sina Denise ngayon dito sa bahay" pagsisimula ko. Umayos ng upo si papa at tumingin sakin.


"Oh! Talaga? Maganda yan para naman maka pasyal sila rito kahit sandali lang" sagot ni papa sakin.



"Saka rin po... Ang pagpunta nila rito ay, gusto raw ako pumunta ni lolo sa maynila" matapos kong sabihin 'yun, medjo naging tahimik kami sandali. "Pero kong Hindi nyo po ako papayagan Hindi naman po ako sasama, dito lang ako para may kasama ka." Agad kong dugtong.


"Patricia, lumapit ka kay papa." Sabi ni papa.



Lumapit ako kay papa—naupo sa tabi niya. Hinawakan ni papa ang kamay ko at humarap sakin.



"Gusto bang pumunta sa maynila?" Tanong ni papa sakin. Gusto kong sabihing oo kaso ayaw ko naman s'yang iwan dito.



"Hindi po." Agad kong sagot at yumoko.



Narinig kong tumawa si papa nang mahina kaya tumingin ako.



"Alam kong gusto mo pumunta, Hindi mo kailangan magsinungalin" ngiti ni papa sakin. "Kong gusto mong pumunta, papayagan kita. Hindi naman ako papayag na mag stay ka rito gaya ko na hindi nagpupunta sa maynila. Saka pamilya mo rin ang naroon, anak." Haplos ni papa sa pisngi ko.




"Po? Pinapayagan nyo akong pumunta sa maynila?" Tingin ko kay papa, nagsisimula ng may mabuong luha sa mata ko.



"Oo naman, alam mo anak. Hindi kita pweding sabihin na wag kang pumunta sa maynila dahil may buhay ka rin doon. Dalawa ang buhay meron ka sa maynila at dito sa atin, sa probinsya. Pero ikaw ang mamimili kong saan mo gustong tumira." Ngiti nya sakin.




"Papa gusto ko pong sumama kina Denise sa maynila!" Agad kong niyakap si papa. "Pero Hindi rin po ako magtatagal doon uuwi agad ako dito para may kasama ka kong sakali magtagal si mama sa maynila." Hinigpitan ko ang yakap ko kay papa.



"Pangako mo 'yan, ah? Uuwi ka ulit dito kay papa" ginulo ni papa ang buhok ko. "Sige na, magbihis kana para pagdating dito ng pinsan mo wala kanag gagawin pa."



"Opo!" agad akong lumayo kay papa at pumasok sa kwarto ko para mag bihis.



Hindi ito ang unang pagkakataon na maka punta ako sa maynila, ito na ang pangatlo kong punta. Pa lagi naman akong gusto pumunta ni lolo sa maynila dahil gusto raw nya akong makita pero dahil sa nag-aaral ako rito kaya sinasabi ko na lang na sa susunod na lang ako pupunta.



Matapos magbihis kinuha ko ang bag ko na gamit ko sa school at nilabas ang mga notebooks ko at nilagay ang damit ko dumala lang ako ng dalawang t-shirts, dalawang pajama, at yung panloob ko dala-dalawa. Hindi na kailangan ng marami dahil uuwi rin ako sa hapon ng linggo, sa Lunes may pasok.



Lumabas na ako hinanap ng mata ko si papa pero Hindi ko sya makita. Kaya na isipan kong lumabas para tignan kong nasa labas ba sya. At nakita ko s'yang naka upo ro'n. Tumingin sya sakin mukhang napansin nya ako.



"Oh, okey na 'yung mga gamit mo?" Tanong nya sakin ng umupo ako sa tabi nya.



"Opo!" Ngiti ko.



Nag-uusap kami ni papa nang dumaan si tita rocelyn na kapatid ni papa, mama sya nina Joseph at Jane.



"Oh! Saan ang punta ni Patricia at naka ayos?" Tanong nya at lumapit sa amin ni papa. Mabait si tita sa akin pero ayaw nya kay mama masyado raw mapagmataas sa sarili.



Hindi ko sila masisi kong ayaw nila kay mama kasi parang totoo naman. Pero mama ko pa rin sya kaya mahal ko rin, kahit ganun sya.



"Pupunta sa maynila pinapasundo rito ng lolo  nya." Sagot ni papa kay tita.



"Naku! Patricia, kong sakaling makasalamuha mo ang mga kapamilya mo roon ay wag kang gumaya sa kanila." Sabi ni tita at tumingin sakin. Hindi ko alam kong nagbibiro ba sya O Hindi.



"Hindi naman po magyayari 'yun tita." Ngiti ko.



Nag-uusap kami nag bigla may tumigil na van sa harap ng bahay namin, akala ko pa nga ay isa ito sa mga magsu-survey buti na lang at bumukas ang pintuan ng van at lumabas si Denise doon ng naka ngiti, itim kasi ang van.



"Patricia!" Tawag nya sakin at lumapit nakita nya rin na kasama ko si papa at tita, tuloyan s'yang lumapit at nagmano.



"Kaawan ka ng diyos" aniya ni tita at ganon din si papa.



"Ano Alis na tayo? Baka kasi gabihin tayo sa dawn." Tingin nya sakin at tumingin din kina papa.



"Sige na, baka gabihin pa kayo." Tumayo si papa kaya tumayo na ako.



"Hindi na po kami magtatagal tito, tita." Pagpapaalam nya. Tumango si tita at papa.



Nauna nang bumalik si Denise sa van pero ako parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Lumingon si Denise ng mapansin n'yang Hindi ako gumalaw.



"Oh! Anak bakit Hindi ka pa pumunta?" Tingin ni papa sakin, ngumoso na lang ako para pigilan Hindi umiyak at Niyakap si papa at nagba-bye kay tita.



"Ingat ka roon, Patricia." Kaway ni tita sakin.


Nagmakalapit at makasakay ako sa van agad nag umandar 'to. At tuloyan na nga kaming umalis.











VOTE|COMMENT|SHARE

THE LOVE AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now