Pero sasabihin pa rin ni mama sakin na, ginagawa nya ito para sakin para hindi bumaba ang tingin ng mga pinsan ko sa kanya.


Magkaiba ang mga pinsan ko kay papa at mama, pinsan ko kay papa mahirap lang sila pero kaya ng magpaaral sa anak at bumili ng pagkain, buhay probinsya. Samantala kay mama mayayaman, kasi mayaman si mama kaya siguro gusto nya kayahin ko ang mga ito.



Minsa nag-aaway si mama at papa sa buhay namin, kong sana lang daw ay pumayag si papa sa gustong buhay ni mama na sa maynila tumira Hindi raw kami ganito ngayon. Pero si papa gusto nya rito sa bayan nila Hindi sya aalis pipiliin na lang n'yang mabuhay ng mahirap kaysa mayaman kong ang alam lang naman daw at mag-ingit sa isa't isa at mag-agawan nagkayamanan.



Malamang nagsisi si mama na si papa ang minahal nya. Dahil sa mahirap si papa, kasi iyung mga kapatid at pinsan ni mama puro mayayaman ang nagiging asawa samantala si mama kay papa na ang trabaho lang ay sa construction site.



Matapos maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto nakita ko si papa na naka upo sa upoan. Pumasok ako sa kusina para tumingin ng makakain Hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga pumasok ako sa school.



"Saan ka pupunta?" Rinig kong boses ni papa na may kausap kaya sumilip ako at nakita ko si mama na naka suot ng magandang damit at may dalang shoulder bag. Malamang pupunta na naman sya sa maynila.



"Tumawag si dad sakin, kailangan niya ako roon para sa discussions about project." Iba talaga si mama sa amin ni papa.



"Sino susundo sayo rito?" Uminom si papa ng kabi nya, tumingin si mama sa relo na nasa kamay nya.



"Si mang Bart, malapit na sya rito. Dun ako sa mansion matutulog Hindi rin sigurado makaka uwi agad bukas." sagot ni mama.



"Sige, ingat ka sa byahe."


Lumabas na si mama kaya lumabas na rin ako sa kusina, Hindi naman nagpapaalam si mama sakin tuwing aalis sya nababalitan ko na lang yun kay papa paghinahanap ko sya.



"Doon po ba matutulog si mama, papa?" Tanong ko habang hawak ko pa rin yung sandok na ipagkukuha ko sana nagkanin.



Natawa si papa ng tumingin sya sakin. "Oo anak." Tumayo si papa. "Bumalik kana sa ginagawa mo, baka maunahan ka ng pusa. Magiigib lang ako ng tubig" lumabas na rin sya.



Ako na naman ang na iwan mag-isa sa bahay, sanay na rin kami ni papa kay mama na pa lagi sya lumuluwas ng maynila si mama rin ang tumutulong kay Lolo sa maynila sa mga negosyo nya. At sanay na rin akong na si papa ang kasama ko kaya siguro si papa rin ang kaclose ko sa kanilang dalawa iba ang ugali namin ni mama at pareho kami ni papa.



Ang namana ko kay mama ay ang maganda nyang mata at mapupulang labi, Hindi masyadong makapal ang kilay, at shape na rin ng mukha. Kay papa naman yung ugali at tangkad, sa ilong sa kanilang dalawa matangos.



Kaka 18 kong last week, pero walang magarang handaan. Kasi hindi raw afford sabi ni papa kong kay mama lang masusunod dapat susyal. Pero Hindi na sunod.



Kumakain ako ng tumunog ang cellphone ko at tinignan kong sino ang nag... Text? Nagmakita kong kong Sino agad ko banasa ang text ni Denise. She is the one who text me, my cousin from my mother side. In she is the only one who closed to me, the rest are. No!



Denise: 𝘩𝘦𝘺! 𝘞𝘩𝘺 𝘥𝘪𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘪𝘵𝘢 𝘐𝘴𝘢𝘣𝘦𝘭 𝘵𝘰 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢?


Englishera talaga mga pinsan ko sa side ni mama, talo kami rito sa side ni papa.


Me: 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴.


Sagot ko sa text nya.


Denise: 𝘰𝘩! 𝘐𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘰? 𝘉𝘵𝘸, 𝘩𝘦𝘭𝘭𝘰! How's  𝘺𝘰𝘶 𝘥𝘢𝘺?


Me: 𝘰𝘬𝘦𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨, 𝘪𝘬𝘢𝘸?



Denise: 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘰𝘥𝘢𝘺? 𝘞𝘦'𝘳𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦. 𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘯𝘰𝘸, 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦?



Dudugo na ilong ko rito, ah.



Me: 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯.


Denise: 𝘵𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘨𝘰𝘰𝘥, 𝘰𝘬𝘦𝘺 𝘣𝘺𝘦 𝘯𝘢 𝘭𝘦𝘵'𝘴 𝘤𝘢𝘭𝘭 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯. 𝘔𝘺 𝘧𝘪𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘪𝘴 𝘩𝘶𝘳𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘪𝘵'𝘴 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘢 𝘴𝘱𝘪𝘥𝘦𝘳 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘥𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘢 𝘵𝘦𝘹𝘵 𝘩𝘢𝘩𝘢


Hindi na ako nagreply at binalik na ang selpon. Matapos kumain hinugasan ko na ang plato ko at lumabas para tumambay sa labas ng bahay.










VOTE|COMMENT|SHARE

THE LOVE AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now