Camera 1 - New Life, New Chapter

Start from the beginning
                                    


Pilit kong pinakalma ang sarili ko nang mahagip ng aking mga mata si Ate Janine. Ngumiti siya sa akin at sumenyas na para bang nagsasabing, "Go! Kaya mo yan."


Kaya ko kaya? I mean, isang Queen Bee ng mga temptress ang tatapatin ko, makakaya ko kayang agawin sa Queen Bee ang pagtingin ng isang Adonis na si Kaz Legaspi?


"Ate, ready ka na?" nagulat ako sa tanong ng just-today appointed Maid of Honor ko. Hindi kasi dumating ang ate kong doktor dahil nagkaroon ng emergency sa isa niyang pasyente. Bitter naman ang isa kong kapatid kasi hiwalay sa asawa kaya tanging pinsan ko na lang na si Ellouise Sy ang tumayong Maid of Honor ko.


"Ate ang lamig ng kamay mo," pangungulit ni Ellouise.


"Huwag ka ngang maingay, Ell," inirapan ko siya.


"Pinapakalma lang kita," ngumiti siya, "ang stiff mo kasi!"


"Nang-aasar ka ba?" saad ko.


"Hindi," ngumiti siya, "dinidestruct lang kita kasi alam ko hindi ka na mapakali."


Sasagot na sana ako pero narinig ko na nagsimula na ang musika kasabay ng pagpasok ng entourage kaya napahigpit ang hawak ko sa mikropono.


"Relaks lang ate," pinisil niya ang kamay ko, "alam mong matagal na kitang iniidolo, di ba? Kaya naniniwala akong kaya mo 'to," saad niya saka ako hinalikan sa pisngi tapos pumwesto na para sa entourage.


Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Si Kaz Legaspi, ang lalaking naging instant fiance ko, ang lalaking walang pasintabing pumasok sa buhay ko at niyanig ang puso ko.





*Kaz's POV*


"I now proclaim you, husband and wife. You may kiss the bride," napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang idineklara ng judge na mag-asawa na kami.


Nakangiti siyang humarap sa akin habang ako, hindi ko maipaliwanag kung masaya ba ako o kinakabahan. Tumingin muna ako sa paligid saka bumalik ng tingin sa kanya. Isang beses ko pa lang siyang nahalikan kaya sana magiging okay ang gagawin ko ngayon.


Humakbang ako papalapit sa kanya at masinop na hinawakan ang kanyang baba.


"Pumikit ka, Thesis," bulong ko sa kanya.


"Ayoko," tumitig siya sa akin saka kinagat ang ibaba niyang labi.


Napalunok ako sa nakita ko kaya ako na ang nagpikit ng mata. Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng ito pero ito marahil ang natutunan niya sa paghalilk niya kay Mago isang linggo ang nakalipas.


Agad kong narinig ang maingay na palakpakan ng mga tao sa paligid nang magdampi na ang aming mga labi. Isang simpleng pagdampi lang sana ang gagawin ko ngunit nagulat ako nang ipinulupot niya ang kamay niya sa batok ko habang diniinan pa ang pagdampi ng mga labi namin. Hindi ko siya pwedeng itulak at hindi ko rin siya pwedeng pigilan sa ginawa niya.


She is making me helpless kaya napahawak ako sa baywang niya. WRONG MOVE! Mas nilapit niya ang katawan niya sa akin.


Tinapos niya ang halikang iyon pero hindi na ako nakapagsalita. Sasabihin ko pa sana sa kanya na legal na papeles ang pipirmahan niya pero nahuli na ang lahat. Bago pa ako makapagsalita, pumirma na siya.


Hindi ko maipagkakailang kakaiba ang aura niya ngayon. Maliban sa maganda siya sa simpleng make-up at wedding gown, napuna ko rin na nagiging pormal siyang kumilos. Hindi kaya kumilos nanaman ang mga temptresses at pinagtutulongan nilang i-transform si Vivi para akitin ako?


Lumingon ako kay Patricia at nakita ko ang makahulugan niyang ngiti. Kinabahan ako sa ngiting iyon. Pakiramdam ko, mananatili siya sa bahay namin hindi para tulungan akong ilayo ang loob ni Vivi sa akin kundi para tulungan si Vivi na maakit ako.


Napangiti ako sa isip ko. I know them too well. Kung napaikot nila sina Marco at Stuart, ibahin nila ako. Hindi ako patitinag sa mga gagawin nila. Sana lang huwag masaktan si Vivi dahil kung hindi makabangon si Vivi mula sa pagkahulog nito, sila ang pananagutin ko.


___________________________________

AN: Kumilos nanaman po ang mga temptress... handa na ba kayo na makita ang transformation ni Vivi?


Please join us at https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/or like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Kamustahin niyo po sina Vivienne at Kaz sa FB profiles nila

at makisali na rin po kayo sa FB group nang Temptresses and Adonises. I'll meet you there.

Kaz Legaspi -

https://www.facebook.com/kazlegaspi.official?fref=ts

Vivienne Charmaine Sy - https://www.facebook.com/profile.php?id=100009321254579&fref=ts

NOT EDITED

NOT REVIEWED

SORRY FOR THE ERRORS (but I am open to constructive

criticisms)



My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Where stories live. Discover now