CHAPTER 8

52 6 0
                                    

Sanya's Point of View

Narito ako sa room nila Pres. Kaizer.

Hindi ako makahinga ng maluwag dahil pinang-gigitnaan ako ni Kaizer at ni Daryl!

Bakit kasi sa dinami-dami ng bakanteng upuan na pwede kong maupuan bakit nasa tabi pa ni Daryl?

Nasa kaliwa ko si Daryl habang nasa kanan ko naman si Kaizer.

Napapikit ako dahil sobrang kabado ng dibdib ko. Dapat talaga kasi ay si Yana ang isasama ni Kaizer dito sa room nila, pero imbis na siya ako tuloy ang nasama dahil kasama ni Yana ang boyfriend niya!

Habang iniintay namin nairelease ng SSG teachers ang mga nanalo bilang SSG officers ay nasa kaniya-kaniyang room ang mga partido na tumakbo.

Kaya kami ni Kaizer ay narito sa room nila at nanonood muna kami ng isang series na parang romance sa television nila na naandito sa kanilang room.

Habang medyo kinikilig na ako at sobrang nakatutok na sa pinapanood ay napatingin ako kay Daryl nang bigla niya akong alukin ng snacks na kinakain niya.

"Do you want?" Imbis na sa snacks na iyon ako tumingin ay napako ang tingin ko sa mukha ni Daryl.

Ilang segundo akong gano'n saka ko lang namalayan na kanina pa pala niya ako tinatawag.

"Hey, Sanya."

Natauhan ako bigla. Kanina pa pala ako nakatulala. Wait.. kilala niya 'ko?

"Ha? N-No thanks." nakangiting sabi ko sa kaniya at nakita kong natawa siya habang nakatingin sa'kin.

Hindi niya inalis ang paningin sa akin kaya ako na ang napaiwas ng tingin sa kaniya! Hindi ko kayang makipag-titigan sa'yo Daryl!

Iniwas ko 'yon at nang mapansin kong tahimik lang si Pres. Kaizer ay ibinaling ko nalang ang paningin ko sa kaniya para tanungin siya.

"A-Ah.. Pres, anong oras kaya matatapos ang SSG teachers sa pag-rerelease ng v-votes?" nauutal na tanong ko sa kaniya.

Sana hindi na nakatingin si Daryl! Naiilang ako!

Hinintay ko siyang sagutin ako kahit hindi ko naman talaga alam kung bakit 'yon ang natanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa'kin ng seryoso pero bigla din niyang ibinaling sa television ang paningin.

"I don't know. We just need to wait for a minutes, baka maya-maya ipatawag na tayo." aniya habang hindi tumitingin sa'kin.

G-Galit ba siya?

Nakaeyeglasses pala siya, ngayon ko lang napansin.

Itinuon ko nalang din ang paningin muli sa pinapanood.

Nang bigla kong mapansin na may choco drink na nakalagay dito sa desk na inuupuan ko.

Kumunot ang noo ko ngunit nawala ang pagkunot no'n ng mapagtanto kong galing ito kay Daryl.

Tiningnan ko muli siya at tumingin naman siya sa'kin. Ngumiti siya at tiningnan ang choco drink na hawak ko.

"Sayo ba 'to galing?" tanong ko.

"Uh, 'yan? yes. Sa'yo nalang imported milk 'yan you can drink it." saad niya. Nahihiyang ako. Tatanggapin ko ba 'to?

Maya maya ay kinuha ko nalang ang milk drink na binigay niya. Binasa ko pa talaga ang brand no'n pero hindi ko naman mabasa dahil korea language ang nakalagay.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now