CHAPTER 6

58 12 0
                                    

Sanya's POV

Narito kami ni Kaizer nag-lalakad patungong Clinic.

Pinagpaalam niya ako sa Principal na ipapatingin muna ang braso ko saglit sa Clinic, bago simulan ang debate sa Court.

"Are you sure you okay?" halos pangatlong tanong niya na yan sakin at iisa lang naman ang isinasagot ko. Iyon ay...

"Yes, ayos lang ako, Pres." sagot ko muli at pinakita ko sa kaniya ang ngiti ko dahil ayokong mag-alala pa siya sa akin.

Kahit ang totoo talaga ay mas kapag mas tumatagal ay mas sumasakit ang braso ko, lalo na kapag iginagalaw.

Habang naka-hawak ang kamay ko sa balikat ko ay nakapatong naman ang kamay ni Pres. sa kamay ko habang nakahawak sa balikat.

At halos nag-kakadikit ang katawan namin habang nag-lalakad.

Animo'y ang mga nakakasalubong pa naming mga estudyante ay inaasar kami na kinikilig daw sila.

At sinasabi nilang bagay daw kami ni Kaizer dahilan kaya nakakaramdam ako nang hiya ngunit parang balewala iyon kay Pres. na patuloy sa paglalakad at pag-alalay sa'kin.

Hindi ko nalang pinag-tuunan ng pansin ang mga naririnig kong bulungan ng mga nakakasalubong naming Students dahil mas nananaig ang sakit at kirot ng braso ko.

"Baka matagalan pa pag pina-check itong braso ko, Pres. Bumalik na kaya tayo sa Court? Kailangan tayo sa debate." kahit masakit ang braso ay sinubukan ko sulyapan ang mukha niya.Kahit seryoso siya napaka-guwapo.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nag-patuloy siya sa pag-lalakad para tunguhin namin ang Clinic room.

"Don't mind them. It's just a debate, pwede naman akong mag-pasuggest ng time kung kailan nalang itutuloy ang debate. 

Sa ngayon ay mas importante ang ipacheck natin iyang braso mo, baka mamaya nabalian ka." walang alinlangang saad niya sa akin.

Hindi na ako nakapag-salita dahil narating na namin ang Clinic room.

Kahit bukas ang pinto ng Clinic room ay kumatok ng tatlong beses si Pres. dito.

Biglang bumungad sa amin ang isang nakangiting Nurse dito.

"Oh, Kaizer what do you need?" agarang tanong nito kay Pres at saka ako tiningnan at nginitian.

"She needs to check her arm, someone bumped into her. Hindi ko nakita yung nangyari pero bigla siyang binangga ng malakas." tugon ni Kaizer.

"What?! Really?" Nanlalaking matang sabi nitong Nurse kaya parang matatawa tuloy ako dahil sa pag-aalala nito.

"Let's go, come here. Let's check your arm." saad niya at mabilis kaming pinapasok sa loob ng Clinic room.

Mabilis akong inalalayan ni Kaizer pumasok sa room.

"Thankyou." kaya nag-pasalamat ako sa kaniya kahit na braso ko lang naman ang natamaan.

Nang sinabi ng Nurse na humiga muna ako sa bed para maipahinga saglit ang braso ko ay tinulungan muli ako ni Kaizer na ihiga.

Kinuha niya ang unan sa tabi ng Bed at ipinatong niya iyon sa ulonan ko saka ko isinandal sa malambot ang buong braso ko.

Nakita kong kumuha ng ice pack at bandage ang Nurse saka ako nilapitan.

Si Pres. Kaizer ay umupo na sa dulo nang kama malapit dito sa tabi ko.

Sinimulan ng nurse na itaas ang braso ko at hindi pa naitataas nang sobra

 ay halos napasigaw na ako dahil kumirot iyon nang sobra.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now