Mandy (One Shot Story)

5K 360 140
                                    

I DEDICATE THIS STORY TO ALL THE GUYS IN THE WORLD WHO KEEPS ON TAKING HIS GIRL FOR GRANTED.

You can play Westlife's Mandy while reading this.

*~*~*

"Jay, tiisin mo muna ang sakit nang mas madaling maghilom ang sugat mo." Dahan-dahan niyang ginamot ang mga pasa at sugat ko sa mukha at katawan. Hindi ako dumaing sa tuwing napapadiin ang kamay niya sa aking mga sugat. Ang tanging ginagawa ko lang ay titigan siya, kinakabasido bawat detalye ng kanyang maamong mukha at inaalisa kung bakit ang bait niya sa'kin sa kabila nang lahat ng ginawa kong kagaguhan.

"Hindi ka pa rin ba natu-turn off sa'kin?" bigla kong naitanong. Akala ko hindi siya sasagot dahil pinagpatuloy niya pa rin ang paglilinis ng mga sugat ko at hindi man lang ako tinapunan ng kahit isang tingin.

"Sa pagiging basagulero mo? Sa pagiging dikit mo sa maraming babae?" tanong niya habang pinapahid ang isang basang bimpo sa aking mga pasa. "Sa tingin mo sasabihin kong mahal kita kung ang mga katangian mo pala ay hindi ko matatanggap?"

**

She's like an angel in her human form. So pure. So good.

Inalagaan niya ako sa tuwing magkakasakit ako. Pinadadalhan ng pagkain sa tuwing nakakalimutan kong magdala ng baon. Sinasamahan sa mga pagkakataong pakiramdam ko nag-iisa nalang ako. Iniintindi kahit na wala nang ni isang gustong umintindi sa akin. At higit sa lahat, minahal niya ako nang walang hinihinging kapalit.

She was my Mandy.

**

"Ayaw mo ba nitong niluto ko, Jay?" malumanay niyang tanong sa'kin habang bumabaon ang tingin niya sa aking pagkatao.

Pakiramdam ko binabasa niya ako sa bawat segundong nagtatagpo ang mga tingin namin. Yes, she was that kind of girl. Someone so naive yet seem to penetrate within my soul. And I always felt like I need someone like her.

Para naman akong sinaniban nang kung ano nang bigla kong hawakaan ang kamay niya at binitawan ang tanong na, "Will you be my girlfriend, Mandy?"

**

Naging kami. Sinikap ko nalang na mahalin siya dahil ni hindi ko nga siya gusto nang ayain ko siyang maging kami. Isa pa, hindi ko naman magawang sabihin sa kanyang nagkamali lang ako nang itanong 'yon sa kanya. Natatakot ako sa maaaring gawin niya.

Akala ko magiging madali lang iyon na 'yong tipong isang araw, magigising rin ako na mahal ko na siya. Pero hindi pala. Hindi iyon ganon kadali o kabilis. Hindi kasi siya iyong tipo ko. She was too good to be true to begin with and there was nothing about her that makes her interesting nor challenging.

My Mandy was just like any other girl in the crowd.

**

"Hindi mo naman kailangan akong i-text palagi! Inuubos mo space ng inbox ko, puro pangalan mo oh!" Binato ko sa kanya ang cellphone ko at napaupo sa inis. "Hindi na ako bata, pwede ba?! Kaya ko ang sarili ko!"

"Gusto ko lang naman kamus-"

"O baka naman iniisip mo na may iba ako?" tanong ko sa kanya at nakita kong sasagot na sana siya pero inunahan ko na, "Mas mabuti pa ngang maghanap ako ng iba! Wala ka namang kuwenta! Talo mo pa Nanay ko! Bwisit!"

**

Those times, I know I have hurted her with my words and actions.

She could have broken up with me. She could have shouted back just like any other girl would do. She could have cried in pain yet no tears fell from her gentle eyes. Instead, her kind smile greeted me like before as if nothing painful happened.

Mandy (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon