Palabas na ako ng library nang may makita akong nakatayo di kalayuan sa akin.

Nakatingin siya ng mataman sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Namamalikmata ata ako.

Maya-maya lumapit siya sa akin. Ako naman parang napako ang mga paa sa kinatatayuan ko. Hindi ako namamalikmata!

"Zoe.."

Sabi niya sa akin. Hindi ako namamalikmata lang o kung ano. Nandito nga siya at nakatayo sa harap ko ngayon.

"L-Levi?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Why did you transfer here? Is it because of Selena? Is it because of me?"

Then bigla na siyang naging curious sa buhay ko ngayon? Wow.

"Levi, do you think that we're close enough para sabihin ko sa'yo?" Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Siguro nasasaktan parin ako. At tsaka ano bang pakialam niya sa akin. Wala naman siyang nararamdaman sa akin di'ba? So, what for?

Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Yeah. I think you're right. I better get going." Pagkasabi niya nun, tinalikuran na niya ako. Leaving me dumbfounded.

Bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang?

Tama lang naman ang ginawa ko ah.

Ayoko na kasing bigyan ng pag-asa ang sarili ko. Kasi alam ko sa sarili ko na masakit umasa sa wala.

Zoe, umayos ka ngaNagmo-move on ka remember?

Tama nagmo-move on ako. *tango-tango*

•••

Ilang buwan na ang lumipas...And unfortunately, si Levi parin.

Hindi ko nga alam kung mawawala pa ang nararamdaman kong ito kay Levi. Pero at least for the fast few months, may improvement. Hindi na ako masyadong umiiyak. Buti nga hindi na pumupunta dito si Levi e. Sila Mike at Stanley nalang.

"Meow..." Napatingin ako kay Kitty. Napangiti ako. Sa ilang buwan kong pag-eemo, siya lagi ang kasama ko.

Siya ang nakakakita ng pag-iyak ko.

"Kitty, si Levi parin bakit kaya ganun?"

"Meow.."

"Hahaha. Ikaw talaga! Mahal kita Kitty!"

"Meow.."

"Zoe Claire Portalejo! Bumaba ka na! Dinner na!"

Narinig kong tawag sa'kin ni Insan.

"Ge, bababa na." Sigaw ko. "Tara Kitty, mag-dinner na tayo!"

Bumaba na ako. Medyo na curious naman ako dahil ang sobrang tahimik.

"Insan! Kuya! Nasaan na kayo?"

Destined To Love (Short Story)Where stories live. Discover now