Chapter 14

53 3 0
                                    

CHAPTER 14 | THE CHANGE IN THE GAME

Summer

LAKAD-TAKBO ang ginagawa ko ngayon para lang makaabot bago manganak si Lauren. Hindi ako puwedeng magpabebe sa lakad dahil baka mamaya maisipan na lumabas ng inaanak ko. Baka malagot pa ako sa nag-iisa kong kaibigan kapag nagkataon. Kailangan ko makarating kahit magkanda-dapa-dapa na ako sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung bakit ako ang natataranta. Hindi naman ako magbabayad ng mga bill sa ospital nilang dalawa. Lauren wanted me to make I am there before she gets to labor and after as if I'm the responsible party for her sudden trip to motherhood. Huminto ako sa paglakad ng may makita ako na stuff toy na rabbit sa daan. Agad akong nag-detour at binili iyon para kay CJ.

I told Lauren that aside from Brooklyn's, her child will be my favorite too. Masaya ako maging tita-ninang ng lahat dahil hanggang ngayon natatakot ako magkaroon ng sarili ko. Oo gusto ko pumasok sa isang relasyon pero nagbago ang isip ko pagdating sa anak. I got afraid of what might happened to my body when I get into it. Having a child is a choice and for now, I'm not open to choose it.

"How much is this?" tukoy ko sa laruang manika na nadaanan ko rin.

Siyempre hindi ko pwede kalimutan ang unang anak ni Ritter. Naging close na rin naman kaming dalawa dahil hinahatid sundo ko siya dati. But since I got busy with my life, hindi ko na nakakasama si Iona. I love kids but Iona was a real pain in the ass which she eventually changed.

"Tingin ko sapat na ito," sambit ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Lakad-takbo lamang ulit ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa ospital nasaan naroroon si Lauren. My twin brother updated me though he wasn't there when I arrived. Sa kanya ko lang din nalaman kung saang ospital naroon si Lauren kahit hindi pala siya physically present. I greeted my parents upon seeing them sitting beside Tita Thali. Nagsasalitan naman sa pagparoo't-parito ang Tito Chris at si Ritter.

Naiintindihan ko na hindi sila mapakaling dalawa dahil first baby ni Lauren tapos solong anak pa siya ni Tito Chris. I am wondering if Daddy will react like this incase my mind change and have myself pregnant. Kaso mukhang malabong mangyari dahil dito palang sa kinauupuan ko dinig na dinig ko na ang nahihirapang sigaw ni Lauren ay nadagdagan ang takot ko. Lumabas pa iyong nurse at tinawag si Ritter papasok sa loob. She's still shouting, no cursing Ritter about the pain Lauren's experiencing.

"How was Cretia? Did you enjoy there, Summer?" tanong ni Mommy na pumukaw sa akin.

"It was beautiful. Ako lang maingay sa villa kung saan ako tumutuloy. Para kasing simbahan, ang tahimik." Tumawa ang Mommy habang si Iona naman ay lumapit sa akin yakap ang binili ko na manika para sa kanya. She's sleepy now yet still wanted to see her brother. "Are you ready to see CJ?"

"Yes. I want to know if my brother has Papa Chris' eyes because they share the same name."

"CJ also has your Dad's second name,"

"Yeah, but I love Lauren and Papa Chris' eyes."

Magaling talaga mangatwiran ang batang ito. Lulusot at lulusot talaga siya kapag may kagaya ng tanong ko. Nanahimik na kaming dalawa ni Iona ng may lumabas na nurse mula sa kwarto ni Lauren. The next thing we all heard was the loud cry of my friend's baby. Napatayo kami ni Mommy at Tita Thali agad at lumapit sa pwesto ni Tito Chris.

We anticipate Ritter will come out anytime with CJ on his arms. Excited na akong mahawakan si CJ! Sa ilang araw ko sa Cretia na puro charity works ang ginagawa namin ni Isaac natuto ako mag-alaga ng baby nang maayos. I had a chance to play with the kids at Iona's age to lessen the homesickness. Masaya na mahirap magtrabaho sa ibang lugar, malungkot din sa kabilang banda na tingin ko nararanasan ng ibang tao saan 'man dako ng mundo.

A Royal Disaster in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon