Bumalik na siya sa kinakain niya. Tinitigan ko siya at kitang kita ko ang ngisi niya.

Natatanga nanaman siya.

"Ano samahan mo ako?" Pag-uulit ko sa kaniya.

"Oo na." Nakayukong aniya.

"Nice! Mamaya ha? Kapag uwian samahan mo ako." Ngumiti lang siya sakin saka tuloy na siyang kumain

Tahimik ko nalang din na kinain ang pagkain ko.

Naramdaman kong parang medyo malagkit sa gilid ng labi ko. Pilit kong inaabot ang amos ko gamit ang dila ko. Napunasan ko naman iyon. Didilaan ko pa sana ang kabila ng sumigaw bigla si Laurent kaya gulat akong napaangat ang tingin sa kaniya.

"Stop!" Sigaw niya at dinidiin iyong isa niyang kamay sa gitna ng hita niya.

Anong stop sinasabi nito?

"Anong stop? Hoy Laurent natatanga ka na ata. Kung ano ano pinagsasasabi mo." Malditang balik ko dahil bigla bigla nalang siyang sumisigaw.

Nagulat pa ako shuta.

Magkasalubong ang kilay niya ng iniwas niya ang tingin sakin. Pansin ko rin na idinidiin parin niya ang isang kamay niya sa gitna ng legs niya.

Dugyot.

Kinunutan ko lang siya ng noo saka kumuha nalang ako ng tissue at pinunas sa amos ko dahil ang dugyot ko pala tignan pag dila pa ang pag gamit.

"Una ka na sa classroom, mag t-time na." Saad niya ulit ng hindi nakatingin sakin.

"Sabay nalang tayo." Pangungumbinsi ko.

Inangat niya ulit ang tingin sakin at binigyan ng masamang tingin. 'Yong itsura niya mukhang hindi papapilit.

"W-wag na may pupuntahan pa ako." Iniwas niya ulit ang tingin niya sakin.

Nakita kong may tumutulo na butil ng pawis sa noo niya.

Ba't ba ito pinagpapawisan..

Hindi naman ganon kainit ngayon dito sa canteen.

Kumuha ulit ako ng tissue na nasa gilid at akmang ipupunas sa noo niya ng gulat pa niyang iniwas ang ulo niya kaya nagulat din ako sa reaksyon niya.

Yung mata naman niya ang kulit parang hindi siya mapakali. Kung saan saang direksyon napupunta ang mata niya pero hindi naglalandas sa akin.

"Parang pupunsan lang 'yang noo mo eh!" Pasigaw ko ng balik sa kaniya dahil nagsisimula na akong makaramdam ng inis.

Hindi parin siya tumitingin sakin. Hindi ko na lang pinansin ang pag-iwas niya dahil baka natatae lang.

Ang arte naman niya kasi. Siya na nga pupunasan .

"J-just..j-just go!" Asik niya at tinataboy ako gamit ang isang kamay niya.

"E, di go! Para kang hindi nag grade two!" Sigaw ko din sa kanya saka padabog na tumayo.

Hindi ko pa nauubos 'yong kinakain ko tangina pinapa-alis na ako agad!

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now