Pagkatapos namin bitawan ang kaniyang kamay ay saka siya umalis ng walang sabi.

"That b*tch hmp." Mahinang banggit na sabi ni Stephanie sabay naka-cross arm habang nakatingin sa lumalayong Axerylle.

Humarap naman ako sa kanilang lahat at seryoso silang tingnan. Tinapat ko sa kanila ang ilaw ng flashlight kaya napapikit sila sa ginawa ko.

"Magsipasok na kayo sa mga dorm niyo at bukas na bukas may mahalaga tayong pag-uusapan tungkol sa sniper."

"Yes Supremo." Sabay-sabay nilang sagot maliban sa tatlo kong kaibigan.

Umalis na ang iba kong kaklase maliban kay Stephanie, Rhezero, Vishnu at Aisleir.

"Stephanie bumalik ka na sa dorm mo." Ma-awtoridad kong saad.

"Hindi mo lang ba ako ihahatid?"

"No, go to your dorm NOW." At diniinan ko pa ang 'now' para maintindihan n'ya na hindi ko siya ihahatid.

Umalis naman siya ng padabog kaya napahilot ako sa sintido ko sa kadahilanan ang tigas ng ulo niya para akong nag-aalaga ng batang kapatid.

"Relax Livius. Ganiyan talaga si Stephanie alam mo naman patay na patay 'yun sayo." Rhezero said at tinapik ako sa balikat. "Tara na Vishnu at 'wag ka ng maraming tanong." Aya niya at inakbayan si Vishnu.

"Wala pa nga e."

"Sus kilala na kita."

Umalis na silang dalawa at sumunod naman si Aisleir pagkatapos ako tapunan ng isang malamig na tingin.

Hayst! Galit parin sa akin ang lalaking 'yan ang taas talaga ng pride niya kung umasta daig pa ang babae.

Umiling-iling na lang ako at sumunod ngunit napahinto ako ng may naapakan ako kaya pinailawan ko 'to at nakita ang isang papel. Dinampot ko naman at tiningnan. Para itong mapa ng Academy na mukhang pinilas lang sa isang libro dahil may punit ito sa gilid at sure akong ito ang hawak ni Axerylle kanina.

Bakit meron nito si Axerylle?

Tinupi ko na lang ito sa apat at tinago sa bulsa, bukas ko na lang ikumperma ito sa kaniya.

------------------KINABUKASAN---------------

"Grabe may sniper pala kagabi?"

"Oo nga e mabuti na lang talaga hindi ako lumalabas ng dorm."

"Kapag lumabas ka tiyak na patay ka din tulad sa ibang istudyante."

"Sino kaya 'yung sweetheart na tinutukoy niya?"

"Sino kaya 'yung nasagip kagabi? Babae ba o lalake?"

"Taray ng dating ng Secret Assassin may pinuprotektahan."

"Grabe nakakatakot naman yung Secret Assassin na 'yan."

Napahinto ako sa paglalakad at ganon din sila Vishnu at Rhezero nang may narinig kaming nagbubulungan kaya napatingin kami sa nagkukumpulang istudyante at lumapit pa dito.

"What's going on here?"

Napalingon naman sila sa akin at gulat ang una nilang naging reaksyon.

"Supremo." Sabay nilang sabi at nag-bow.

Hindi sila sumagot sa tanong ko bagkus ay nagbigay sila ng daan kaya nakita ko kung ano pinagkukumpulan nila rito.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Where stories live. Discover now