74

135 2 1
                                    

Chapter 74
 
     Namamawis ang parehas kong palad, malakas naman ang aircon pero ramdam kong pinagpapawisan ako. Kinakabahan ako!

"Calm down, Charlotte. Makikita mo ang groom mo doon,"

Sinimangutan ko si ate. Siya ang kasama ko sa sasakyan, nag aantay na lamang kami ng hudyat para bumaba na.

"Kinakabahan ako ate," sabi ko sa kanya.

Nauna na sila mama sa loob ng simbahan, naroon na ang mga kaibigan namin, pamilya at iba pang mga imbitado.

"Natural lang 'yan," aniya.

Panay ang retouch niya sa mukha ko, siya na rin kasi ang nag ayos sa akin. Ayaw niya na mag hire ng mag aayos sa akin, gusto niya siya para daw sigurado na maganda talaga ako.

Hinawakan ko ang tiyan niya, dalawang buwan na lang lalabas na ang anak niya. Hanggang ngayon ay wala kaming balita sa tatay ng anak niya, hindi na rin naman iniisip ni ate. Hindi pa nakakalabas ang anak niya ay marami na ang nagmamahal dito, lalo na sila mama na excited na sa paglabas ng unang apo nila.


"Huwag ka munang mag aanak diyan a," aniya, natawa ako ng mahina.


"Wala pa sa plano namin ate," sagot ko.

Ang plano namin ni Abo ay makapagpatayo muna ako ng boutique ko, gusto niya akong tulungan pero tinanggihan ko. Alam ko naman na sa isang pitik ng daliri niya ay magkakaroon agad ako ng boutique, pero mas gusto ko na galing mismo sa pinaghirapan ko.


"Be ready ma'am." Maya maya ay sabi ni Aki, ngumiti ako sa kanya kahit na kinakabahan.


"Mauna na ako, huwag kang tatanga tanga maglakad." Sumimangot na lang ako sa kanya, sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng sasakyan, agad na umalalaya sa kanya si Ingrid.


"Tara na po,"


Binuksan ni Aki ang pintuan ng sasakyan, umalalay naman siya sa akin. Pati si Bentley ay umalalay din sa akin.


"Thank you," sabi ko sa kanila.


"Congrats," nakangiting sabi ni Bentley sa akin, ngumiti ako sa kanya. Niyakap ko siya.


"Thank you."



"Sobrang ganda mo ma'am," ani Aki sa akin, inaalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa pintuan ng simbahan.


"Ikaw din naman," sabi ko sa kanya.



She's wearing a white tube dress, na talaga namang bumagay sa kanya.


"Congrats ma'am!"



Pagbukas ng pintuan ay ang pagsimula ng kanta, agad kong nakita ang mga taong gusto kong makita. Hindi pa ako nagsisimula na maglakad pero, naiiyak na ako! Kahit na malayo si Abo ay nakikita ko siya.


My man is waiting for me!


Sa gitna ng paglalakad ko ay naroon na si papa at mama, agad kong sinabit ang kamay ko sa braso ni papa.


"Huwag ka ngang umiyak mama," sabi ko kay mama. Pero kahit ako ay naiyak na din, hindi ko na napigilan.


"Hindi ko inaakala na ikaw ang mauuna sa ate mo," aniya.


"Kapag nagkaroon kayo ng problema ay piliin niyong ayusin," seryosong sabi ni papa sa akin.


"Papa..." naiiyak na sabi ko.


Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now