"Kakayanin mo kaya ugali niyan, Hudson?" Tanong ni ate sa katabi ko, sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Pasalamat ka at dinadala mo ang pamangkin ko.

"I already know her, kaya kakayanin."


Mahinang kinurot ko sa tagiliran si Abo, tumawa naman ito.


Dito na kami sa bahay kumain ng hapunan, hindi ko tuloy mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam.



"Ingat kayo sa pag uwi," ani papa sa amin.

Nagmano si Abo sa kanila, humalik naman ako sa pisngi nila. Naramdaman ko ang paghaplos ni mama sa buhok ko.

"Be good, anak." Ani mama, hindi ko alam kung bakit naluluha ako.

"Mama..." mahinang sabi ko.

Ngumiti lang si mama sa akin.

Nagpaalam na kami sa kanila, si ate ay namamahinga na sa kwarto niya kaya hindi niya alam na umalis na kami. Tatawagan ko na lang siya mamaya, sinusumpong na naman kasi siya.

"Thank you," sabi ko kay abo na makaupo siya.

"For what?" Nagtatakang tanong niya.

"For everything."

He kissed my hand, sunod niyang hinalikan ang noo ko hanggang sa bumaba sa labi ko.

"I will do everything for you my wife," aniya.

"Wife ka diyan, hindi pa naman tayo kasal." Sabi ko, pinipigilan kong ngumiti.


"Tsh, doon din naman tayo papunta. We're engaged babe," irap matang sabi niya, natawa ako saka mahina siyang hinampas.



Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng mag propose si abo sa akin, nag uumpisa na rin kaming asikasuhin ang mga kailangan na asikasuhin. Ewan ko ba, ganito ba talaga kapag ikakasal? Ang daming kailangan asikasuhin.

  Nakasimangot kong tinitignan si abo, umangat naman ang kilay niya. Mas lalo akong sumimangot, naiinis na ako sa kanya a.

"What's your problem?" He asked.


"Tara na kasi, puntahan na natin." Pagpipilit ko sa kanya.


"Later," aniya.

Bumagsak ang balikat ko, umupo na lang ako at kinuha ang cellphone ko, 'di wag kung ayaw niya. Ayaw niya nang magpakasal sa akin.


"Charlotte," maya maya ay tawag niya, hindi ko siya pinansin, i make myself busy. Bahala siya diyan, ayaw niya na sa akin.

"Babe."

Hindi ko pa din siya nilingon.

"Wife."


Pinigilan ko pa rin ang sarili na lumingon sa kanya.


"Fine, let's go."

Malaking ngiti na ang gumuhit sa labi ko ng tumingin ako sa kanya, umismid siya sa akin. Tumayo na ako ng tumayo siya, niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you so muuuch!" Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.


"And I love you most," aniya kahit nakasimangot, pinisil ko ang pisngi niya.


Magkahawak kamay kaming lumabas ng opisina niya, nginingitian ko ang mga empleyadong nakakasalubong namin. Malapit lang dito ang shop ni Aj, doon din namin kikitain ang wedding organizer namin.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now