Chapter 37

690 19 5
                                    

[A/N: Shooort update! Errors ahead, thank you for waiting & reading! Lovelots!]

Chapter 37

Chaos' POV

Matapos naman naming bumalik galing sa palasyo namin ay agad naming kinausap ang Dean. Kinuwento naman ni Zeus ang mga nalaman namin. Hindi ko rin mapigilang hindi mainis dahil alam na pala nila na may kakaibang nangyayari sa Velarys pero hindi man lang nila nakuhang banggitin sa akin.

Napapikit nalang tuloy ako ng mariin, gustuhin ko mang magalit ay hindi rin alam kung kanino ko ito ibubunton. Ni hindi ko alam kung nasaan na sina Ama at Ina. O kung ligtas pa ba sila.

"Napagpasyahan ng konseho na ipadala ang guardians para tingnan kung ano na nga ba ang kalagayan ng Velarys.", sambit nito saka ako sinulyapan.

"Hindi ba pwedeng sumama ako?", tanong ko kaya nagtinginan ang Dean at si Zeus.

"Maaari naman hija, pero ayos lang ba sa'yong malaman nilang ikaw ang prinsesa ng Velarys?", napalunok naman ako dahil sa sinabi ng Dean. Of course, need nilang malaman dahil magtataka ang mga ito kung sakali mang isasama ako eh hindi naman ako official na kasali sa guardians.

"Or maybe they don't need to know at all.", sabi ni Zeus kaya napatitig ako sa kanya.

"The Ability Examination", aniya kaya napatango ang Dean.

"That's it, you actually just need to participate in that one and do well para maging qualified ka bilang guardian.", sambit ng dean. Napalunok tuloy ako, sa dami-dami ng iniisip ko muntikan ko nang makalimutan ang patungkol diyan.

"Kailan nga uli iyon?", tanong ko naman kaya napatingin kami sa Dean.

"Tomorrow, it will be held tomorrow. So you just need to wait for a day and then after that we can send you to Velarys as part of the guardians.", anunsyo nito kaya napatango ako.

Pero hindi ko alam kung paano ginagawa iyong ability examination, is it a duel? O ipapakita lang namin iyong kapangyarihan namin and then they're going to grade it?

- - - - - - - - - - - - - -

Nauna naman akong bumalik sa dorm. Pagkapasok ko roon ay wala pa si Vera. Mukhang may class pa siguro ito dahil sa maaga pa naman. Napatingin naman ako sa itsura ko sa salamin at hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi.

Ang gulo pala ng buhok ko saka iyong damit sobrang gusot na. Parang galing ako sa kung saan. Napahinga nalang ako ng malalim saka tumungo sa banyo para maligo. Nakakahiya, humarap ako sa dean na ganun ang itsura ko.

Matapos kong maligo at magbihis ay napagpasyahan ko na ring lumabas na muna. Baka makasalubong ko sina Vera. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang marinig ko ang bulong-bulungan ng iilang estudyante.

"Alam mo ba, sabi nila ay pumayag na ang konseho patungkol dun sa pagpapakasal ng prinsesa ng kabilang kaharian sa isa sa mga prinsipe."

"Talaga? Akala ko ba ay ayaw nilang nadadamay ang kaharian nila sa gulo ng mga taga-Theorondia saka sorcerers?"

"Anong ayaw nilang nadadamay? Sa pagkakaalam ko nga ay unti-unti nang sinasakop ng mga sorcerers ang Velarys. Syempre wala silang kapangyarihan, edi kanino sila lalapit?"

"Sa kaharian natin syempre!"

"Sinabi na ba nila kung kaninong prinsipe itatakda ang prinsesa?"

Napakurap-kurap naman ako dahil sa usapan nila. Totoo ba iyong sinabi nung nagkunwaring Ama ko? Talaga bang may napag-usapan na silang ganun?

Hindi ko naman mapigilang hindi mainis dahil ba't kailangan pa nila kaming itakda o ano, can't they just help us without arranging us into marriage? It's not as if that would make us stronger.

"Nakabalik ka na pala.", napaigtad naman ako nang bigla nalang may magsalita sa tabi ko.

"Nakita mo sina Vera?", tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman ito.

"Hindi, um-absent din kasi ako.", aniya kaya napairap naman ako.

"So sinong pipiliin mo kung sakali?", napatigil naman ako dahil sa tanong niya.

"Kung sakaling ano?", sagot ko sa kanya.

"Ikakasal ka nga sa isa sa amin ni Zeus.", napatigil naman ako saka napatitig sa kanya. Tiningnan ko naman ito at mukhang seryoso ito sa tanong niya.

"Sa tingin mo talaga papayag akong ikasal sa isa sa inyo?", sagot ko kaya napahalakhak naman ito.

"Aba malay natin may hidden desire ka pala sa akin, hindi ba? Chance mo na rin ‘to.", napahinga naman ako nang malalim saka siya sinamaan ng tingin.

"Please lang Travis, kilabutan ka sa sinasabi mo.", sagot ko naman kaya natawa ulit ito.

"Biro lang, pinapagaan ko lang naman ang nararamdaman mo. Para ka kasing may pinagluluksa riyan. Kumalma ka, magiging maayos din ang lahat.", sambit niya naman kaya napabuntong-hininga ako. Minsan talaga hindi ko gets ang takbo ng isipan ng isang ‘to. Minsan nga hindi ko alam kung nagbibiro pa ba ito o seryoso.

"Bukas na iyong ability examination, sasali ka ba?", tumango naman ako.

"Bakit? Pwede bang may exemption? Lahat naman ata need sumali.", sagot ko sa kanya kaya natawa ito.

"Oo nga pala, galingan mo ah.", aniya kaya napataas ang kilay ko.

"Ba't parang may kakaiba sa'yo?", tanong ko sa kanya.

"Duel type iyong examination bukas, and from what I've heard ip-pair nila tayong dalawa.", napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.

"Tayo ang maglalaban bukas.", napalunok naman ako the dahil sa sinabi niya. Ba't siya pa?

Sasagot pa sana ako nang may marinig kaming sumigaw sa kung saan. Napalingon naman ako at nakitang si Jave at Vera iyon. Narinig ko namang nagmura si Prince Travis.

"Una na muna ako.", paalam nito kaya napatingin nalang ako sa papalayong bulto nito saka bumaling kina Jave.

"Aaaaah Chaos! Nakabalik ka na pala! Nag-alala kami! Akala namin matagal ka pa makakabalik! Ba't parang nagmamadali naman atang umalis si Prince Travis? Sayang.", sambit ni Jave kaya napangiwi ako.

"Malamang, ginugulo mo iyong tao. Saka umayos ka nga ako itong nahihiya para sa'yo.", ani ni Vera kaya napatawa ako.

"Nagka-phobia pa ata si Prince Travis dahil kay Jave, ang lakas ba naman kasi ng trip ng isang ‘to.", sambit ni Vera saka ako niyakap.

"Na-miss kita, ampangit talaga kapag hindi tayo kompleto. We really should stick to one another.", anunsyo nito kaya napangiti ako. Pero agad naman kaming napangiwi nang sumali sa yakap si Jave.

"Power hug!", napaubo pa ako nang sobrang higpit ng yakap nito.

"Ano ba Javinson hindi kami makahinga!", reklamo ni Vera kaya napasimangot si Jave.

"Nyenyenye, tara na nga lang sa cafeteria. Nagugutom ako.", aniya saka kami hinila ni Vera papunta sa cafeteria. Sa haba ata ng pahinga nito ay mukhang hindi ito basta-basta nalang mauubusan ng energy.

Chaos: The Madness Within (Completed)Where stories live. Discover now