Chapter One

65.2K 875 55
                                    

Chapter One

Gigil na gigil na hinablot ni Uri ang bag niya mula sa best friend na si Ellexis habang patawid sila galing sa coffee shop na pinagrereview-han niya kanina lang.

"I can't believe that guy! Wala na ba talagang trustworthy men sa mundong 'to?!" hinigit niya ang braso ng kaibigan.

Tinawanan lamang siya nito. "Bes, hindi porket walang wedding ring, ibig sabihin, single na!"

She glared at him. May punto si Elle, wala nga siyang nakitang singsing sa daliri ni Derrick, pero sa edad at estado nito sa buhay ay malabong wala pang nakakabingwit dito.

Grabe! Nakakahiya talaga ang nangyari kanina sa loob ng coffee shop, kamuntikan na siyang eskandaluhin ng diumano'y asawa ni Derrick na kamukha ni Anne Hathaway. Mangiyak ngiyak siya nang matagpuan siya ni Ellexis matapos siyang iwan ng babae. Mabuti na lang at nadala niya ito sa pagsisinungaling. Oh, god! Nakakakonsensya! Ngunit halos totoo rin naman ang sinabi niya. There's nothing going on between her and Derrick--not yet at least.

Niyaya lamang siya nitong mag-date bilang pasasalamat sa pagaalaga niya rito nang maaksidente ito kamakailan lang. Siya ang student nurse na nakaduty sa ER noon at siya ang naitoka sa lalaki. He was attractive, alright. Tall, with very Nicolaj Coster-Waldau looks. Weakness pa naman niya ang may stubbles, napaka manly para sa kanya ng ganoong looks sa lalaki. Napa-face palm siya sa sarili niya. Why does he have to have a wife who's a spitting image of a Hollywood actress? No, why does he have to have a wife?! Period!

Hindi niya ikakailang medyo nagkakagusto na siya kay Derrick at alam niyang may ibang intensyon din naman ang lalaki sa kanya bukod sa pakikipagkaibigan. Lalo tuloy siyang nainis. Paano kung nahulog na ang loob niya rito bago pa niya nalamang may asawa ito? Eh di nalintikan na?

"Kakapunin ko talaga ang hayop na yon, pag nakita ko ulit yon!" wala siyang pakialam kung may makarinig man sa mga sinasabi niya. Basta nais niyang ilabas ang saloobin sa pangyayari.

"Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Sandro? Tutal, patay na patay naman yun sa'yo?" tudyo ni Elle nang papasok na sila sa school building nila.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Ikaw, tigil tigilan mo ako ha?" banta niya rito. "Ganitong muntik na akong ma-Tubig at Langis kanina, raratratin kita!"

Ang lakas ng halakhak ng kaibigan niya. That's what she loved most about her gay friend. Yes, Ellexis is gay. As gay as the sunshine and rainbows and unicorns! Sa unang tingin ay hindi mahahalata dahil sa hearthrob image ng kaibigan niya. Ngunit simula't sapul ay babae na talaga ang puso nito. Hindi lang naman si Uri ang nanghihinayang sa kaibigan niya, marami ding iba ngunit bilang friend ay sinusuportahan nya ito sa pinili nito. Minsan ay kasama pa nga siya nitong mag-boy hunting. They have been friends eversince day one of college life. At ito lang ang nakakasakay sa bayolente at bastos niyang bibig.

"Ay nako, bestie," dumikit ito sa kanya at tila by instinct ay pumulupot ang braso niya sa braso nito. Maraming mga college students na napapatingin sa kanila dahil sa una ay aakalain na magjowa sila. "I don't want to say that I told you so, but I told you so. Masyado kang mahilig sa gwapo, baka matulad ka sa nanay mo niyan!"

Siniko niya ito at napaigik ng kaunti ang kaibigan niya sa sakit. "Hindi ako gagaya kay momsie, okay? I love that woman but I do not idolize her." sagot niya. "At saka hiyang hiya naman ako sayo, nagsalita ang hindi mahilig sa gwapo."

Inginuso niya si Brix. Isang varsity ng basketball team ng unibersidad namin. Crush na crush ito ni Elle pero hindi niya pinapahalata dito. May pagkahomophobic kasi ang lalaki.

"H'wag ka nga diyan, mamaya may makarinig sa'yo!" sawata nito sa kanya at agad siyang hinila palayo sa tinatambayan ng mga varsity.

Tumuloy silang dalawa sa hospital na kanugnog ng unibersidad. Parehas silang naka-assign sa ER ng naturang hospital.

Under My SkinWhere stories live. Discover now