"Hindi mo dinidibdib kasi wala ka ngang dibdib. 'Yun na 'yun. 'Wag ka nang magpaliwanag," sabat naman niya.

Kumuha si Y ng ilang piraso ng nuts at isa-isa itong binato sa kanya.

"Aray! Oh, eh 'di na-real-talk ka!" natatawang sigaw niya habang umiilag.

"Anong real-talk? Trash-talk 'yun eh! Gaga!" sigaw rin ni Y sa kanya.

Umilag ulit siya nung binato siya nito ng nuts. Tumigil lang sila nang magsalita si X sa tabi niya.

"Wait... is that... Jath?"

Sabay nilang nilingon ni Y ang tinitignan ni X. Malayo sa lamesa nila ay naroon si Math habang may inaalalayan na babae.

It was Caya.

"Z?" nilingon siya ni X. "Ask Jath first before you conclude - "

"I know her," putol niya sa sasabihin nito. "She's our friend from high school," nakangiti na siya nung balingan si X. "I'll go check on her. She seemed so drunk," paalam niya sa dalawa.

Nag-excuse siya sa mga kaibigan at nagmamadali niyang sinundan sina Math at Caya. Ang direksyong tinatahak ng dalawa ay papunta sa elevator. Halos tumakbo na siya pero hindi niya pa rin inabutan ang dalawa, dahil pagliko niya sa hallway kung nasaan ang elevator ay wala na ang mga ito.

'Di bale, alam naman niyang sa parking ang tungo nina Math.

Lumitaw si Zeke sa tabi niya at pinindot ang button na may arrow pababa. "Stop running like that."

Nung bumukas ang elevator ay sabay silang pumasok ni Zeke. Hindi niya ito kinailangang sabihan, kusa nitong pinindot ang P button.

See? Kahit ang kanyang bodyguard ay alam kung saan ang tungo nina Math.

"Stop complaining when you were the one who begged my brother to rehire you," sagot niya na sinundan pa niya nang pag-ismid.

Gulat siyang nilingon ni Zeke.

"What? You think I had no idea, huh?"

Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Zeke. Ang tingin niya tuloy rito sa mga sandaling ito ay isang artista sa isang palabas na nawala sa script. Hindi na ito mukhang nakakatakot na bodyguard ngayon.

"Sa mga Ferrer ka dapat lumapit, Zeke. Hindi sa mga Sarinaña."

"Do not tell her," sagot nito saka tumayo ng tuwid. Seryoso na ulit. Balik na ito ulit sa karakter nito.

"As long as you don't tell everyone that I'm sleeping with Math," she said, referring to her family. "It's a deal, okay?" she added and even winked at her bodyguard.

"And you think they don't know?"

"Huh?"

"Why do you think they appointed him as a cluster general manager?"

Ha? Ano raw?

Bumukas ang elevator. Humakbang siya palabas. Gusto niya sanang tanungin si Zeke kung ano ang ibig sabihin nito sa huling sinabi pero narinig niya ang boses ni Caya.

Hindi na siya nakagalaw. Pakiramdam pa nga niya ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa nagsusumamong tinig nito.

"You're drunk. Ihahatid na kita sa condo ng kuya mo," boses na iyon ni Math.

"Ayoko! Sagutin mo muna ang tanong ko!" lumakas ang boses ni Caya.

May narinig rin siyang sunud-sunod na tunog, sigurado siyang mga palad iyon ni Caya na inihahampas nito sa dibdib ni Math.

"Alam mo na ang sagot d'yan," sagot ni Math. Sa boses nito ay para bang 'di ito natitinag sa mga hampas ni Caya.

"Alam m-mong mahal na m-mahal kita, 'di b-ba?"

Enthralling Sunrise (Tangway Series #1) [Editing]Where stories live. Discover now